HOROSCOPE MARCH 17, 2022

HOROSCOPE MARCH 17, 2022

March 17, 2022 @ 7:00 AM 3 months ago


 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Tandaan mo na hindi lang sa materyal na mga bagay ang sukatan ng blessings. Kundi, kasama na rin ang mabuting kalusugan at payapang kaisipan. Pero, dahil sa kontento ka na sa buhay mo at masaya ka naman, kahit hindi mo hilingin na ikaw ay umangat sa buhay ng todo, ipagkakaloob ito ng nasa Itaas sa iyo. Basta, huwag ka lamang makalilimot sa Kanya at manatiling nakatapak ang iyong mga paa sa lupa.

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Huwag kang masyadong magpakamartir sa pag-ibig. Kung alam mong β€˜di uubra ang iniuukol mong pagmamahal sa kanya, hayaan mo na. Pabayaan mo na siyang piliin ang mas gusto niya. Kailangan mong tanggapin ang katotohanang β€˜di lahat ay pwede kahit magpakamartir ka pa.

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” May mahalaga kang lakad sa linggong ito. Kaya, huwag abusuhin ang katawan sa pagpupuyat. Kung yayayain ka ng mga amigo mo na tumoma, matutong magsabi ng ‘pass muna’. Iwasan mo rin sila dahil mahahawa ka sa kanilang pagiging lasenggo.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Hindi lahat ng naririnig mo ay totoo. Huwag kumiling lang sa isang panig. Kailangan mo ring pakinggan ang panig ng kabila. Sa gayun ay mapagtimbang mo kung sino ang karapat-dapat na bigyan mo ng pabor.

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β β€” Maraming tao ang lalakad o papasok sa maluwag na daan. Huwag kang tumuloy upang hindi ka mapahamak. Pumasok ka sa makipot na daan dahil nandun ang kaligtasan. Bigyan mo ng importansya ang apektong espirituwal mo upang ganap na makumpleto ang iyong buhay.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β β€” Kung alam mong β€˜di mo magagawa ang hinihinging pabor sa iyo, sabihin mo na ng maaga. Huwag kang kakagat para lang magpa-impress sa kanya. Sa gayun ay hindi masira ang imahe mo sa kanya. Mas maganda kung ikaw naman ang hihingi ng pabor at tiyak na pagbibigyan ka niya.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)Β β€” Malaki ang tsansa mo na manalo sa isang patimpalak. Taglayin lamang ang ibayong lakas ng loob, tiwala sa sarili at tiwala sa magagawa ng nasa Itaas. Ngayon na ang panahon para ikaw naman ang mamamayagpag.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Likas kang maamo at mabait. Para kang tupa na kapag nagalit ‘e parang umaatungal na leon. May mga taong susubukan ang iyong pasensya, kaya mag-ingat sa iyong ikinikilos at sinasabi. Magkagayunman, kapag napagtanto nilang gayun ka, mas hahanga sila sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€”Β  Mainam na na dumalaw at makipagkuwentuhan sa iyong mga kaanak at mga kaibigan. Makabubuti ito upang mabawasan ang iyong lungkot na nararamdaman. Magbibigay rin ito ng pagkakataon upang buksan ang mga bagong oportunidad na may kinalamaman sa aspektong pinansyal.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Sinayang niya noon ang iyong effort. Kasi, na-realized niyang tama ka at siya ang mali. Nagduda siya sa iyong pagmamahal. Kung sakaling makipagbalikan siya sa iyo, kagatin mo. Tutal love mo pa rin siya hanggang ngayon. Isa pa, paldo siya dahil sa apat na taon niyang pagtatrabaho sa ibang bansa.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Yayaman ka ngayong taon kung ipagpapatuloy mo ang mga transaksyong iyong ikinasa bago lumala ang pandemya. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil babalik naman sa iyo ang iyong mga kostumer. Ang totoo, hinahanap-hanap nila ang iyong produkto. Ipagpatuloy mo ang paggawa nu’n upang maging daan ng iyong pag-asenso.

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Kahit anoman ang mangyari, hindi ka pababayaan ng nasa Itaas. Basta, manalig ka lang sa Kanyang magagawa. Huwag kang mag-aalinlangan. Magugulat ka na lang na ang lahat ng iyong hinihiling na hindi labag sa Kanyang kalooban ay unti-unti nang matutupad.