![]() |
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Bigyan ng sapat na panahon na timbangin ang sarili kung saan ba marapat lumugar. Timbangin mo kung ang kinakasama mo ngayon ay karapat-dapat pa bang pagbigyan. Alin ba ang gusto mo. Mahal mo pero nasasakal ka na? Bigyan ng halaga ang sarili at hindi ito ang panahon para magpakamartir ka pa. Kung magpapalaba siya, singilin mo. Mahal ang sabon ngayon saka fabric conditioner. |
![]() |
LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Tanging sarili lang ang makasasagot sa mga nangyayari sa iyo ngayon na hindi na pangkaraniwan. Kung dati ay malas ka, buwenas ka naman na hindi mo inaasahan. Malakas ang charm mo sa susunod na mga araw. Pero, hindi mo ito mamamalayan. Maigi ito upang manatili kang humble. |
![]() |
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Huwag kang mainip sa pag-ibig. Bigyan ang sarili na maghintay pa ng ilang panahon, o kahit isang taon lang. Sa ganitong panahon ay matatagpuan mo na ang pag-ibig na para sa iyo. Kilala mo na siya pero pakiramdaman mo lang muna. Ang mahalaga, masaya ka kapag kasama mo siya. |
![]() |
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Hindi sa lahat ng oras ay malas ka. Hindi mo namamalayan, nakakapit na sa iyo ang suwerte sa pag-ibig at karera. Makukuha mo ang pinupuntiryang trabaho at posisyon. Sa pag-ibig, ang kinahuhumalingan ng lahat ay sa iyo pala may tama. Kasi nga’t malakas humatak ang talento at kabaitan mo. |
![]() |
CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Huwag ibuhos ang tiwala sa isang taong inaasahan magbibigay ng kapalaran. Hindi ito ang magbibigay sa iyo ng maalwan na pamumuhay. Magsikap ka at laging magtiwala, manalangin at umasa sa Diyos. Sapagkat, kung ikaw ay nagtagumpay sa ganang kalooban Niya, walang taong maaaring manumbat sa iyo. Dahil ang mga bagay na meron ka’y pinaghirapan mo at hindi nakuha sa paghingi ng pabor. |
![]() |
AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Huwag ka nang mag-alala dahil kahit lagpas ka na sa kalendaryo ay makahahabol ka sa huling biyahe. Yes, makapag-aasawa ka pa, pero sa takdang panahon pa. Nariyan lang siya sa tabi at sinuhin lamang ang mapipisil o papupusuan. Wala namang masama kung maghangad ka ng pogi at mapera. ‘E ‘yun ang taste mo, paki ba nila! |
![]() |
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Maipaaayos ang nakabinbing bahay basta pagtutuwangan ninyong mag-anak ang gastusin. Huwag nang magbilangan, basta kung ambagan lang batay sa makakaya. Kung tama ang magiging pasya, magkakaroon ng direksyon ang inyong buhay. Magtungo ka sa ibayong dagat kung may pagkakataon. |
![]() |
ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Suwerte ka ngayon dahil sisiw na lang sa iyo ang kinakaharap nab problema. Kasi, kusang darating ang solusyon. Mas magiging produktibo ang araw kung gagawa ka kaysa sa magpabaya. Ituloy ang mga kinawiwilihang aktibidad pero makabuluhan. Saka mo mamamalayan na may pera pala d’yan. |
![]() |
TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Habang maaga pa, itigil mo na ang paglalaro ng apoy at baka mapaso ka. Kung talagang siya ang mahal mo, ingatan mo at huwag mong sasaktan. Hindi ka na dapat namamangka sa isa pang ilog. Mas masarap pa ring makisama sa taong mahal ka at kaya kang alagaan. |
![]() |
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Mag-isip-isip ka munang mabuti ngayon bago ka magpasya. Maselan ang gagawin mo kaya ibayong ingat. Sa gayun ay hindi ka magsisisi sa bandang huli. May nawala man sa iyong oportunidad ay agaran namang darating ang kapalit. Kaya, huwag kang panghinaan ng loob. Maging positibo ka at positibo rin ang resulta ng iyong magiging hakbang. |
![]() |
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Hayaan mo ang mga co-worker mo na magtsismisan tungkol sa iyo. Sa ganyang paraan ka magiging tanyag sa pinapasulan n’yo at makararating sa kinauukulan o boss n’yo ang tungkol dito. Magpasalamat ka sa kanila dahil magiging curious ang boss n’yo sa iyo. Dito na darating ang buwenas dahil malalaman nitong mapagkakatiwalaan ka palang tao. |
![]() |
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Ang magandang kapalaran ay nakasalalay kung papaano mo igawa at ikilos ang iyong mga kamay; kaakibat ang pagtitiwala sa Maykapal. Kumilos ng maaga at bumalik sa dating inaplayang trabaho dahil interesado sila sa iyo. Hindi naman porke tatawagan ka lang ay hindi ka na tanggap. Iba ka kaysa sa iba. |