![]() |
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — May magandang balitang darating sa iyo. Subalit, huwag mo muna itong ipangalandakan, kahit pa sa iyong asawa. May aayusin ka rin na mga papeles o mga bagay upang masimulan ang isang proyekto o trabaho. Bawas-bawasan din ang pag-inom ng softdrinks upang maiwasan ang UTI, okay. |
![]() |
LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Sasaya ka ngayon dahil sa buwenas na kapalaran. Magkakapera ka kahit hindi gaanong magbanat ng buto. Ito ay dahil sa nagbunga na ang iyong pinagpaguran bilang isangvlogger. Unti-unti nang napapansin ang iyong mga gawa. Magkagayun man, kung may iba pang oportunidad, sunggaban ito kung hindi makasisira ng iyong comfort zone. |
![]() |
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ang pagiging mapagbahagi ng kaalaman at oportunidad ay magbubunga ng mabuti. Sa pamamagitan nito, gayun din ang gagawin sa iyo ng ibang tao. Ang pagiging creative ay linangin upang ito rin ay pagkakitaan. Sa lovelife, kung sino pa ang ayaw mo, iyon pa ang magugustuhan mo kalaunan. |
![]() |
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Kung unti na lang ang laman ng tindahan ng iyong kaibigan, sa kanya ka pa rin bumili. Nagpapakita itong suporta. Baka hindi pa siya nakabili ng ititinda kaya ganu’n. Huwag bibili sa bago at malaking tindahan dahil tsismosa ang bantay roon. Baka mahawa ka pa sa pagiging Marites nito. Kung maisipan mo ngayong maglaba, makakakuha kang grasya. |
![]() |
CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kung talagang desidido kang magbawas ng timbang, seryosohin mo dahil sa ikabubuti mo naman ito. Gayunman, huwag mong masyadong gutumin ang sarili mo at baka magkasakit ka. Sapat na ang maglakad-lakad at pasundot-sundot na ehersisyo. Makikilala mo ang iyong love kapag nag-abay ka sa kasal ng isang kaibigan. |
![]() |
AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kung mangalabit si misis at nagkataong pagod ka, pagbigyan mo. Sapagkat, madali sa isang kalahi ni Adan ang magbigay. Kung siya naman ang tumanggi, hayaan mo lang. Baka, nahihiya lang dahil hindi nakakaligo dahil giniginaw. Ang husay sa pagluluto ay magagamit upang simulan ang isa pang pagkakakitaan. |
![]() |
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Ang pag-aayos paminsan-minsan ng sarili ay makabubuti upang hindi kahusgahan ng ibang tao. Lalo na ang hindi kabisado ang iyong estilo ng pagiging low profile. Akala nila walang pera o payak lang na tao. Kasi bumabatay sila sa panlabas na anyo. Huwag ka ring basta-basta kakagat sa mga nag-aalok ng pahulugang gamit. Magbibigay lang sa iyo itong sakit ng ulo. |
![]() |
ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Kung hindi mo kaya na saluhin lahat ng responsibilidad sa isang pamilya na nasa iyong poder, magsabi ka. Dahil sa ikabubuti itong lahat. Hindi mo ipagkakasala kung ibulalas mo ang iyong saloobin. Mahirap talagang kasama ang isa pang pamilya sa loob ng isang bahay. Kinakailangan nilang bumukod para gumaan ang iyong pasanin. |
![]() |
TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Hindi mo kayang mag-isa ang task na iniatang sa iyong inyong boss. Kailangan mong makipagkaisa sa iyong mga kasamahan upang mapadali ang trabaho. Magugustuhan ka ng karamihan na kahit mukhakang maton ay masayahin ka. Nagpapahayag kasi ito na magaan at masarap kang kasama. |
![]() |
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Kung may lumapit sa iyong kaanak o malapit na kaibigan at humingi ng pabor, kung wala ka talagang kakayahan o magagawa na pagbigyan ito, huwag mong pilitin. Subalit, kung mayroon ka rin naming maitutulong lalo na sa pinansyal, huwag mong tiisin. Marahil ikaw ang itinuro sa kanya ng langit upang malapitan sa ngayon sa panalangin nito. Babawi ang taong iyon ng malaking utang na loob sa iyo. |
![]() |
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Huwag gayahin ang iba na nagpapalapad ng papel sa iyong amo o boss. Na kahit hindi karapat-dapat sa posisyon ay sinusungkit ito. Hayaan mong ang iyong mgagawa ang mangusap para sa iyo. Sapagkat, sa iyo rin naman mapupunta ang posisyong iyon. Sa huli, ikaw rin ang pararangalan sa harapan nila. |
![]() |
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Hindi nasusukat sa tapang ng isang tao kung mayroon siyang armas o baril. Bagkus, magiging dahilan lang ito ng maling asal at magingmapaghanap ng gulo. Hayaan mong respetuhin ka ng iyong kapwa batay sa iyong mabuting pakikisama. Kung pera naman ang pag-uusapan, alat ka ngayon pero bubuwenasin sa susunod na araw. |