HOROSCOPE MARCH 24, 2022

HOROSCOPE MARCH 24, 2022

March 24, 2022 @ 7:00 AM 3 months ago


 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Lagot ka dahil maro-wrong send ka. Sa halip na sa crush mo maipadala ‘yung message, naipadala mo sa erpat niya. Huwag kang matakot sa magi-ging kahahatungan nito. Boto naman sa iyo ang daddy ng crush mo. Bukod kasi sa may matatag kang trabaho, mabait, magalang at taong relihiyoso ka.

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Hindi mo na kasalanan kong ‘di ka tumupad sa inyong usapan. Nadala ka na kasi sa kanya. Limang beses ka na niyang inind’yan. Tama lang ang iyong ginawa para matuto na siya at magtanda. Mahirap magka-GF ng ganyan. Bata pa lang, nag-uulyanin na.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Maluwag ang mga susunod na araw upang magrelaks. Wala namang masama rito dahil may extra budget ka naman. Sa gayun ay mabigyan mo ng kasiyahan ang iyong pamilya.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Mahal ang mga bilihin ngayon kaya magtipid ka. O kaya, turuan mong magtipid ang misis mo. Huwag kang maghinayang sa mga ibibigay mong pera dahil may kapalit naman ‘yan. Madaragdagan ka pa ng isang raket sa susunod na linggo.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Mahilig ka talaga sa videoke kahit ‘di kagandahan ang boses mo. Pwede na ring pagtiyagaan. Actually, nag-i-improved ka na. Kakatukin ka ng crush mo dahil d’yan. Kasi, aabutin ka na ng madaling araw sa kakakanta.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Tamang hinala sa iyo ang isang tindera ng bigas. Mahilig ka kasing mag-object sa kiluhan na ginagamit niya tuwing bibili ka ng bigas. Gayunman, makukuha mo ang tiwala niya sa bandang huli at makakautang ka na sa mga susunod na araw.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Focus ka lang sa iyong ginagawa. Kung kaya mo rin lang maging “Jack of all trades’ gawin mo. Sa gayun ay marami kang mapagkakakitaan. Isang secret admirer din ang magpapadala sa iyo ng regalo. Lalo na ‘yung paborito mong panutsa at chicharon.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) —  Kalimutan mo na ang nangyari sa inyo ng kapitbahay n’yo. Laos na ang COVID-19 hindi pa rin kayo nagpapansinan hanggang ngayon dahil lang sa agawan sa ayuda. Ikaw na ang unang gumawa ng hakbang. Sa gayun ay magkabati na kayo. Magiging mabuti kayong magkaibigan.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Darating din ang panahon na makapupunta ka sa ibang bansa. Matutupad naman ‘yan. Huwag na muna sa ngayon dahil may tensyon sa Ukraine at Russia. Taga-Ukraine ang magiging bagong amo mo. Magtiyaga ka na muna sa amo mong Hapon. Kahit papaano ‘e malaki-laki rin ang pinapasuweldo sa iyo.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kabaliktaran ang iniisip mo sa isang tao. Wala siyang iniisip na masama sa iyo o sinisiraan ka sa ibang tao. Magtiwala ka sa kanya kahit asiwa ka sa kanyang pagmumukha. Ang taong ito ang makatutulong sa iyo upang mahanap mo ang isang taong matagal mo nang hinahanap.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Huwag monghayaang lumala ang tampuhan ng iyong beshy dahil lamang sa magkaiba kayo ng sinusuportahang politiko. Pangit tingnan ‘yan sa magkaibigan sapul pa noong mga bata pa. Piliting tanggapin ang kanyang opinyon at gayun din dapat siya sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —  Tao ka lang na nagkakamali. Pero, paminsan-minsan lang. Hindi mo naman ito sinasadya. Kaya humingi ng paunmanhin sa kasintahan mo kung nasunog ang niluluto mo. Iwasan mo rin ang iyong ex na magpaparamdam muli sa iyo. Lalo na ngayong na-promote ka sa trabaho. Hahabulin ka na niya kasi napagtanto n’yang mahal ka pa niya.