HOROSCOPE MARCH 3, 2022

HOROSCOPE MARCH 3, 2022

March 3, 2022 @ 7:00 AM 4 months ago


 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi pa panahon upang lumagay ka sa tahimik. Pag-isipan mo muna itong mabuti. Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo, na kapag napaso ka ay iluluwa mo ito. Pag-aralan n’yo pa ang ugali ng isa’t isa, mag-ipon at magpundar muna ng mga gamit.

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Hindi tugma ang prinsipyo n’yo ng iyong kaanak tungkol sa pulitika. Kaya, iwasan ang magtalo tungkol dito. Pag-usapan n’yo na lang ang binabalak na pagtatayo ng negosyo. Magkaisa kayo ng diwa rito at tiyak na pagtatagumpayan kayo ng nasa Itaas.

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Mas mabuti pa ngang mapag-isa ka kaysa sa napalilibutan ka ng mga taong toxic at nagbibigay sa ito ng negatibong kaisipan. Sa iyong pag-iisa ay hindi ka naman talaga nag-iisa. Mapatutunayn mo na ang iyong pagiging loner ay tanda ng isang malakas na personalidad na hindi humihingi basta-basta ng tulong sa iba kung kaya rin naman ang isang problema.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi masama ang sobrang mapangarapin. Magkakatotoo ‘yan kung kikilos ka. Walang imposible kung mayroon ka namang kakayahan, kaalaman at kasanayan. Magugulat na lang sila, kahit na ang iyong mga kamag-anak na natupad mo ang isang pangarap na wala sa kanilang hinagap.

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Ang taong maingay, karaniwang walang lamang ang utak. Ang tahimik, ‘yun ang may alam. Kahit tahimik kang tao, ilag ang karamihan sa iyo na makipagtalo. Alam kasi nila na sila’y dehado. Tama kasi ang iyong sasabihin at totoo.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Makabubuting ibulalas sa isang mapagkakatiwalang kaibigan ang iyong problema. Sa gayun ay gumaan ang iyong pakiramdam. Huwag mo itong sarilinin dahil baka sumabog ito ng wala sa pagkakataon. Iwasan din ang sobrang pag-iisip dahil nakasasama iyan sa iyong kalusugan.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Magpakahinahon at pag-isipan munang mabuti ang mga dapat gawin bago umaksyon sa isang problema. Mapatutunayan sa sarili na totoo ang kasabihan na hindi dapat humatol upang hindi hatulan ng iba.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Hindi tanggap ng ilan ang iyong pananaw at prinsipyo. Gusto nila na ang pananaw nila ang masusunod. Huwag kang matakot mawalan ng kaibigan kung dinidiktahan ka naman. Ang totoo kasi, natatakot sila sa iyong karisma at mas pinaniniwalaan ka ng karamihan kaysa sa iba.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) —  Ang iyong pagtulong sa gipit na kaanak o kaibigan ay mainam. Dahil sa may maitutulong ka rin naman lang, mabuti ang iabot mo ang iyong kamay. Bahala na ang nasa Itaas na magbalik ng mga bagay na ibinigay mo sa iyong kapwa na nangangailangan.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Hindi lahat ng blessing ay pawang materyal na bagay ang sukatan. Kundi, panatag na pamumuhay, malayo sa karamdaman at wala kang kaaway. Iyan ang mararanasan mo sa buhay na ito. Gayunman, ibibigay ng langit sa iyo ang mga bagay na wala ka na mayroon ang iba.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ang mainam na payo ay naghahatid ng karunungan. Ngunit ang sulsol at pangingialam ay nagpapalubha ng away. Tama ang pagiging neutral mo sa pagitan ng iyong mga kaibigan na mayroong gap. Mamagitan ka sa kanila at magbigay ng mahusay na payo.

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Huwag kang basta-basta tatanggap ng tulong sa isang taong kakakilala mo pa lang, pero, nakagaanan mo agad ng loob. Baka gawin niya lang itong patibong sa iyo at gawing alas para sumbatan ka balang araw. Subukin mo muna siya. At kung alam mong isa siyang tapat na kaibigan, tanggapin mo ang tulong na wala siyang hinihinging kapalit. Mas mainam na gantihan mo ang kanyang ginawang tulong para wala siyang masabi sa iyo.