![]() |
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Kung lilipat ka ng bahay, huwag mo muna itong gawin kung kulang ka pa sa pamadyak. Kung ang dahilan lang ay dahil sa naiinis ka sa mga kapitbahay mong tsismosa at maingay, pagpasensiyahan mo na lang. Sa halip, kaibiganin mo sila dahil gusto ka rin nilang kaibigan. Positibo naman ang pinag-uusapan nila tungkol sa iyo. |
![]() |
LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Mabibigo ka sa mga taong hihingan mo ng tulong ngayon. Subalit, huwag kang panghinaan ng loob. Sapagkat, darating ang biyaya sa hindi inaasahang pagkakataon. May ibang mga taong handang tumulong sa iyo, ang dapat lamang ay magbukas ka at magsabi para malaman nila ang hinihingi mong pabor. |
![]() |
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Mahirap kumita ng pera at saglit lang itong tatagal sa iyong kamay. Kaya, sinupin ito at maging matalino sa paggastos. Ang mga lumang gamit o bagay ay mapagkakakitaan sa pamamagitan ng online selling. Yaman din lamang na biniyayaan ka ng magandang mukha, gamitin mo ito bilang lucky charm. Ngunit, huwag sa kaakit-akit na pamamaraan. Maging mahinhin pa rin sa pagbebenta. |
![]() |
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Pakiramdaman mo ang iyong sarili kaugnay sa pagbili ng isang lupain o ari-arian. Piliin mo ang lupa na malayo sa iyong kamag-anakan, kaysa sa mapalapit sa kanila. Sa gayun ay magiging panatag ka. Kung hindi ka sanay na makasama sila, hindi mo ito ipagkakasala. Dahil kaya mo na naman nang tumayo sa sarili mong mga paa. |
![]() |
CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kahit may pinag-aralan kang tao, mapapatunayan mo ngayon na marami ka pang mga bagay na dapat matutunan. At matutunan mo ito sa isang taong mas bata pa sa iyo. Ang gagawing pananahimik ngayon at pagmumuni-muni ay may kaakibat na pagbuhos ng biyaya. |
![]() |
AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Huwag mong isiping wala nang pag-asa para sa iyong minimithi. Ilang beses ka mang nabigo ay huwag mo itong bilangin. Sapagkat, magbibigay ito sa iyo ng mabuting karanasan at pagpapaunlad ng kasanayan. Kapag hinog ka na, magtatagumpay ka sapagkat sisiw na lang sa iyo ang sasagupaing hamon sa isang patimpalak. |
![]() |
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Maiipit ka ngayon sa pagitan ng dalawang bato. May gap ang dalawa sa iyong kaibigan at kinukuha nila ang iyong pagkiling. Huwag kang papanig kahit kanino sa kanila, kahit tama man ang argumento ng isa at kabaliktaran naman ng isa. Pareho mo pa rin silang pakisamahan at huwag iiwas sa isa. Bagkus, ipaliwanag mo at ipatama rito ang kanyang pagkakamali. |
![]() |
ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Aayon sa iyong balak ang takbo ng pagkakataon ngayon. Kung positibo ang pananaw sa isang nakatakdang gawin o proyekto, ito ay magtatagumpay. Kung wala kang maitutulong ngayon sa isang taong humihingi ng pabor, huwag itong ipagdamdam dahil nagsasabi ka naman ng totoo. |
![]() |
TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung magiging balat-sibuyas sa bawat sinasabi ng iba, lalo ka lamang nilang aasarin. Maging matatag at huwag paaapekto sa kanilang sinasabi. Mabibili ang gusto mong bagay, umpisahan mo nang mag-ipon, total malaki-laki naman ang iyong kinikita. |
![]() |
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Kung ikaw ay inuupat at sinisiraan dahil sa kalagayan mo ngayon, magalak ka. Sapagkat pagpapalain ka at bubuhos ang biyaya ng langit sapagkat itutulot ito ng Maykapal. Ang pagbibigay ng mabuting payo sa isang taong humihingi nito ay makabubuti at ituturing ka niyang tunay na kaibigan. |
![]() |
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Darating ang panahon na malalaman ng iyong kasuyo kung gaano ka kahalaga. Na bagama’t may nagawa kang pagkakamali ay kanya na itong kakalimutan at magdedesisyon siyang bigyan ka ng isa pang pagkakataon. Kung magsusuot ka ng ng damit na kulay magenta, may lilibre sa iyo ng tsitsa. |
![]() |
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Nasa itaas ka ngayon ng pedestal sapagkat tapos na ang pagsubok sa iyo. Pagpapalain ang iyong kabuhayan at kalusugan. Magkagayunman, alalahanin mo ang isang taong tumulong sa iyo noong panahong walang-wala ka. Sapagkat ikatutuwa ito ng langit at magiging maligaya ang iyong puso’t damdamin. |