HOROSCOPE MARCH 7, 2023

HOROSCOPE MARCH 7, 2023

March 7, 2023 @ 7:00 AM 3 weeks ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) β€” Habang hindi pa lumalala ang problema, aksyunan na ito kaysa sa pagtakpan. Dahil kung hindi, lilikha lang ito ng mas malaki pang problema. Ang pagdalo sa isang handaan ay makabubuti kung magiging pino at maayos ang kilos. Baka pinapainan ka lang ng nag-anyaya kung anong klase kang tao.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Ang pag-iwas mo sa ilang tao ay makabubuti sa iyo dahil hindi magiging toxic ang buhay mo. Tama ang iyong ginagawa at huwag kang malungkot. Layuan mo ang mga taong maliit ang tingin sa iyo at maging maingat pa rin sa kilos at pananalita sa mga taong malapit sa iyo. Medyo short ka ngayon pero darating ang grasya sa susunod na araw.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Kung may bago kang bili na cellphone, ingatan mo ito lalo na kung may kamahalan. Huwag mo itong hahawakan na may hawak kang iba gaya ng panyo o pitaka habang nakasakay sa motor, standing ovation sa bus o sa LRT, paakyat at pababa rito, gayun din sa dyip at baka mahulog. Kasi, madulas ang kapalaran ngayon, pero malagkit ang daloy ng biyaya dahil sa pagiging content creator mo.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Saka mo masasabing masarap din palang maging senior citizen dahil sa biyayang natatanggap mo. Ang pagbabayad ng utang sa takdang oras na iyong tinuran ay magbubunga ng mabuti dahil pwede ka pang makautang uli. Kahit β€˜di mo man sabihin, ang taong nautangan mo na ang mag-o-open.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Ang inaakala mong salbaheng riding-in-tandem, stalker mo pala na katrabaho mo. Mahiyain kasi siya kaya sinusubaybayan ka na lang ng palihim. Ang mga matagal nang naka-stock na mga de lata ay idispatsa na dahil may biglaan kang darating na bisita. May maganda siyang balitang sasabihin sa iyo.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Hindi ka man kagandahan o kaguwapuhan ay malakas ang iyong dating. Ito ay dahil sa angkin mong karunungan, sense of humor at pagiging talented. Kaya, marami ang nahuhumaling at nagkakagusto sa iyo. Kung masama ang pakiramdam ngayon, huwag nang mag-overtime. Umuwi ng maaga at magpahinga.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Ang pagiging tahimik mo ang siyang magliligtas sa iyo at sa mga taong malapit sa iyo. Kahit may nalalaman ka sa ibang tao, mabuti man ito o masama ay maiging itikom mo na lang ang bibig mo. Ipatatawag ka ng boss n’yo hindi dahil sa sasabuhin ka niya ngayon. Kundi, may ipagagawa siya sa iyo at may tiwala siyang magagawa mo iyon.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Mahiwaga man ang pag-ibig ay mabibigyan mo ito ng kahulugan at kasagutan. Kahit mahirap arukin ng iba ang taong iyong napupusuan, ikaw ang makauunawa sa kanya at ikaw naman ang kanyang magugustuhan. May kakaibang pagbabagong mangyayari ngayon tungkol sa iyong career.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Anoman ang estado ng iyong kapwa-tao, malapit man o hindi sa iyo ay huwag mong huhusgahan. Wala rin naman silang karapatang husgahan ka. Dahil kapag nagkataon, para silang dumakot ng dumi at ikinulapol sa kanilang mukha. Kapag may utang sa iyo ang isang kaibigan, huwag mong sisingilin sa harap ng maraming tao. Pagpapalain ka kapag ginawa mo ito.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Bahagya kang mababagot at maiinip sa kahihintay ngayon sa isang kausap. Subalit, ang pagtitiyagang hintayin siya ay may kaakibat na suwerte. Libangin na lang ang sarili habang hinihintay siya, lalo na kung mahalaga talaga ang transakyon. Tumambay ka muna sa mall, kumain o maglaro ng ML sa loob para β€˜di mainip.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β  β€” Pagsabihan mo ang iyong sweety na iwas-iwasan ang pag-inom ng kape. Baka lumala ang UTI nito. Ang mga bagay na naudlot gawin ay ituloy sa susunod na buwan. Sapagkat, magtatagumpay na ito dahil itutulot na ng tadhana, kahit may kokontra o hahadlang pa.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β  β€” Kapag itinatali ang aso ay lalo itong tumatapang o nagiging marahas. Huwag mong masyadong higpitan ang iyong mga anak at baka mas lalo pa silang maghangad ng gawin ang ibig nila. Unawain sila at gabayan sa kanilang ginagawa kaysa sa pagbawalan. Ang pagtanggap sa isang gawain kasama ang mga kaibigan ay magbubunga ng grasya.