![]() |
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Masusukat mo ang lalim ng ilog sa pamamagitan ng agos nito. Kapag mababaw, maingay at kapag tahimik ay malalim. Ganyan din ang gawin mong pamantayan sa tao, lalo na sa pagkilatis ng isang kaibigan o empleyado. Karaniwang tahimik lang ang taong talagang may modo’t may pinag-aralan sa kabila na marami itong alam. |
![]() |
LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Ikaw ay magiging masaya ngayong araw dahil sa isang magandang pangyayari. Bukod sa magkakapera ka na, maitatanyag pa ang pangalan mo sa isang eskuwelahan. Maging totoo ka lang kung ano o ano ang narating mo at iyon ang ipakita mo sa tao. Mas kagigiliwan ka nila dahil nagsasabi ka ng totoo. |
![]() |
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Mabuti ang nagmamalasakit sa hindi mo kaano-ano at gayundin ang pagbibigay ng tulong. Subalit, bigyan mo ito ng limitasyon upang ‘di lumabas na pakialamero’t pakialamera ka. Ang pagtututok sa ginagawa mong content sa social media ay may magandang patutunguhan at resulta; kaakibat ang pagsusumikap. |
![]() |
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Kapag dumarating ang grasya sa iyo, unahin mo munang ambunan ng biyaya ang pamilya mo kaysa sa hindi mo kaano-ano. Dahil kapag nagipit ka, sa pamilya ka pa rin makaaasa ng tulong. Kahit na makarinig ka pa ng bad words sa kanila, okay lang dahil lumalapot lang ang dugo pero dugo pa rin. Kaysa sa marinig mo ito sa ibang tao. |
![]() |
CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Iwasan mo minsan ang pagiging dominante at ang laging umaayon sa iyo ang pabor. Hindi man ito sabihin ng kasamahan mo sa iyo ay kinayayamutan nila ang gayun mong ugali. Ang pagiging masipag mo at matulungin ang babawi para sa iyo. Kontrolin lamang ang emosyon at galit upang hindi ka mapintasan. |
![]() |
AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — May mahalaga kang lakad bukas, kaya tumanggi muna sa alok ng mga kabigan sa inuman. Baka sa halip na makapaghanda ka ay baka tanghaliin ka ng gising at lilipad ang magandang oportunidad. Huwag kang papaya kung sabihin nilang isang shot lang. Baka ang isa ay mauwi sa paisa-isa at isa pa hanggang sa tuluyan ka nang mapasubo. |
![]() |
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Kahit na gustong-gusto mo ang isang bagay na tila gintong kumikislap at kaakit-akit sa iyong mga mata; huwag kang kukuha kung alam mong magiging dahilan iyon upang kapusin ka. Tumanggi sa pautang na bagay o pahulugan. Lalo na kung hindi naman ito kailangan. Anoman ang wala sa iyo ay pupunan ng isang kaibigan o malapit na kaanak. |
![]() |
ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Sundin mo ang gintong aral mula sa iyong mga magulang, iyong natutunan sa paaralan at sa simbahan. Ito ang iyong magiging gabay sa pagtahak at pagkamit ng magandang kapalaran at kinabukasan. Ito rin ang araw na simulant mo nang ayusin ang iyong sarili at baka may lihim pa lang pagtingin sa iyo ang taong hinahangaan mo. |
![]() |
TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Huwag kang makikisali sa mga taong nagbabangayan ngayon at naghahanap ng kakampi. Para kang kunehong pumasok sa dalawang yungib ng leon kapag ginawa mo iyan. Tutukan ang ginagawa mong libangan pero iyong pinagkakakitaan. Sa ganyang paraan dadaloy ang biyayang hindi mo inaasahan. |
![]() |
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Makaririnig ka ng masasakit na salita. Pero, sa halip na magdamdam ay iyo itong ipagpasalamat. Sapagkat itinutuwid ka nito at tinuturuang gawin ang mabuti. Mangamba ka kung ang naririnig mong salita ay papuri gayung kahit ikaw ay alam mong ‘di naman tamang iukol ito sa iyo. Umiwas sa mga taong sipsip dahil pakinabang lang ang habol nito. |
![]() |
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Bagama’t nagpapakababa ka, kusa ka namang itataas ng langit. Kung nalalaman mong nakahihigit ka sa iba, maiging manahimik at huwag patulan ang mga kulang pa sa kakayahan at karanasan. Huwag mong sabayan ang kanilang kayabangan. May importanteng ipagagawa sa iyo ang iyong boss. Kaya, iyo itong paghandaan. |
![]() |
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Malakas ang iyong karisma ngayon. Ngunit, maging maingat sa pagkilos. Kung balak mong mamangka sa dalawang ilog ay huwag mong gawin. Hindi ito makabubuti sa iyo. Kung ikaw lang laging taya sa hang-out nyong magkakaibigan, magsabi na ambagan naman. Sa gayun ay hindi sila mawili na laging nagpapalibre. |