HOROSCOPE MAY 10, 2022

HOROSCOPE MAY 10, 2022

May 10, 2022 @ 7:00 AM 3 weeks ago


 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Mahirap man siyang pakisamahan, mare-realize niya sa bandang huli na masarap ka palang magmahal. Kaya, β€˜di ka na niya pakakawalan. Gagawin niya ang lahat para ikaw naman ang sumaya. Magkakaroon na siya ng effort at oras para sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€”Β  Walang malaki na nakakapuwing. Kundi, nakakabukol lang. Ikaw man ay maliit sa paningin nila, mapupuwing sila sa iyong karunungan. Ang iyong ideya at proposal ang kakagatin ng kliyente.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β β€” Hindi masamang ma-inlove. Pero, ibigay mo ito sa taong karapat-dapat at hindi lang dahil sa nahuhumaling ka. Kailangan mo ang lovelie para lalong maging inspirado sa iyong ginagawa.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β β€” Kung walang-wala ka na, huwag mahiyang lumapit sa isang kaibigan. Hindi ka niya bibiguin dahil hindi mo rin siya binigo noong mga panahong labis siyang nangangailangan. Tumatanaw lang siya ng utang na loob sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)Β β€” Kung kaya mo rin lang gawin ang isang bagay na mahalaga, huwag mo nang ipagpaliban pa. Mahalaga ito upang matapos mo pa ang iba pang proyekto. Sa gayun ay mas magiging madalas ang pasok ng pera sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Kahit β€˜di mo man hinihingi ang pera, kusa itong darating sa iyo. Kasi, hindi mo naman pinagbabatayan ang pera na siyang sukatan ng tagumpay. Waring naiinis ito sa iyo, kaya ang salapi na kusang papasok sa bulsa mo kaakibat ng sikap, sipag at paghihintay.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Mabunga ang araw mo ngayon. Parang isang bulaklak na namumukadkad at humahalimuyak. Gamitin mo ang pagkakataong ito upang maikasa ang isang adbokasiya na labis na makapagbibigay ng ligaya sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Malalaman mo ang ugali ng isang tao na matagal nang may hina-nakit sa iyo. Hindi mo man batid na may nagawa ka palang kasalanan sa kanya. Gayunman, magiging daan ito upang mabuo ang inyong malalim na pagkakaibigan. Malaki ang maitutulong niya upang maisagawa mo ang matagal mo nang binabalak.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Taliwas sa iyong inaasahan, papayag ang iyong boss na ibigay ang pondo para sa gagawin n’yong team building na may kasamang excursion. May tiwala siya sa iyo. Kung kaya, mas mapatutunayan mo pa sa kanya na isa kang mabuting leader ng team at hindi astang boss.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Mapalad ka ngayong araw dahil aambunan ka ng suwerte. Anoman ang hilingin mo o kahit umutang ka sa tindahan, pauutangin ka kahit kaya mo namang magbayad.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Ikaw ay parang tutubing lilipad-lipad sa parang hinahabol ng mga bata. Ibig sabihin, ang iyong talento at aura ang hahatak sa iyong pagkatao. Ang iyong taglay na kakayahan ay parang diyamanteng kumikislap na nagbibigay ng gayuma upang magustuhan ka nila. Kaya, ang masasabi mo na lang, “relaks lang kayo, girls’.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€”Β  Magdiwang ka na ngayon sapagkat darating na sa iyo ang suwerte. Anoman ang gawin mo, talagang magtatagumpay. Kasi, itinulot na ito ng nasa itaas. Ito ang bunga ng iyong labis na pagtitiwala sa Kanya.