HOROSCOPE MAY 11, 2022

HOROSCOPE MAY 11, 2022

May 11, 2022 @ 7:00 AM 2 weeks ago


 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Maraming pakinabang sa mga koleksyon mo na nakatabi lang. Pahalagahan mo ito. Ang iba ay pwede mong pagkakitaan. May mga bagay rin na sa akala mo ay walang pakinabang, pero makatutulong sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€”Β  Matatapos na rin ang iyong pasakit sa buhay. Kumbaga sa tasks n’yan sa iyo, deadline na. Puro swerte na ang darating sa buhay mo. Sikapin lamang na manatiling nakayapak ang iyong mga paa sa lupa.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β β€” Makabubuting magpahinga ka muna sa araw na ito. Irelaks sa katawan. Sa gayun ay manumbalik ang iyong lakas at focus. I-enjoy mo ang mga libreng oras kasama ng iyong pamilya dahil makatutulong ito upang lalo kang maging inspirado sa trabaho.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β β€” Iwasan mo munang magmukmok at hindi bagay sa iyo. Hindi lang naman kasi pera ang sukatan ng tagumpay sa buhay. Kundi ang mabuti at mainam na kalusugan. Ihanda mo ang iyong sarili dahil mapapasabak kang tiyak sa isang trabaho.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)Β β€” Wala namang mawawala kung susubukan mong gawin ang bagay na hindi mo noon ginagawa. Mga bagay na hindi mo nakasanayan. Mas mainam na marami kang alam at kasanayan. Dahil makatutulong β€˜yan para lalo kang magkaroon ng raket.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Habang lalo kang pilit inilulubog, lalo ka namang itataas ng langit. Kasi, labis-labis na ang ginagawa nilang paninira sa iyo. Huwag kang magdamdam. Ang langit na ang magtatanggol sa iyo. Ang pananahimik mo sa gitna ng kawalang katarungan ay papalitan ng biyaya at kapayapaan.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Huwag mong isipin na butas ng karayom ang papasukin mo. Mas makabubuti sa iyo β€˜yun kaysa sa maluwag na daan. Mapapahamak ka kapag sa huli ang pinili mo. Pero, kapag pumasok ka sa makipot na daan, ligtas ka. Hindi nadaraan kasi sa mabilisan ang pag-asenso.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Makabubuting isaisip mo muna ang bawat salitang bibitiwan, lalo na nga’t mainit ang usaping pulitika ngayon. Maraming masasaktan sa iyong sasabihin at ipo-post sa social media. Makatatanggap ka ng regalo sa susunod na araw sa taong hindi mo kilala.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Ipuhunan mo sa mga bagay na hindi nasisira ang iyong salapi. mainam sa iyo ang pagbebenta na may kaugnayan sa butil at pagkain. Mas sanay ka rito at mas may kakayahan. Uunlad ka dahil marunong ka rin makisama sa kapwa.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Kapag ang kape ay lumamig, hindi na masarap inumin. Ganyan ang kanyang pakiramdam sa pagsinta sa iyo dahil sa panlalamig mo sa kanya. Bago pa mawala iyon, agapan mo na. Sayang din kasi e. marami na siyang naipundar para sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Ang nakaraan ay lumipas na. Mahalaga rin ito sa iyong pagmumuni-muni upang makapagdesisyon ng tama. Gamitin mo ang iyong karanasan upang maipagtagumpay ang mga gawaing nabigo mong gawin noon. Kumbaga sa bunga, hinog ka na, kaya sisiw na sa iyo ang mga susunod na transaksyon.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€”Β  Malas mo sabi ng iba, pero suwerte ka. Kasi masyado ka nilang hinugusgahan gayung β€˜di ka naman nila lubusang kilala. Huwag mong intindihin ang nagpapahaging sa iyo dahil mas magtatagumpay ka kung focus ka lang.