HOROSCOPE MAY 12, 2022

HOROSCOPE MAY 12, 2022

May 12, 2022 @ 7:00 AM 2 weeks ago


 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Hayaan mong magpanggap na magaling ang iyong kaibigan. Na kahit hindi niya kaya ang ginagawa mo, sasabihin niya, kaya niya. Siya rin ang mapapahamak at hindi ikaw. Sa iyo pa rin mapupunta ang deal.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€”Β  Kung magnenegosyo ka, ngayon mo na simulan. May pera ka naman sa bangko β€˜di ba? Huwag mo nang itengga ang perang pampuhunan. Mapapalago mo ang iyong business kaakibat ng sipag at tiyaga at pananalig sa nasa Itaas.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β β€” Walang taong banal. Kaya, huwag nilang hanapin sa iyo ang katangian ng isang lider na perpekto. Ang mahalaga, malinis ang iyong hangarin at layunin para sa bayan. Masosorpresa ka na lang. Ikaw ang mananalo.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β β€” Makabubuting huwag mong iasa sa ibang tao ang iyong gagawin. Baka madismaya ka lang. Sa iyo may tiwala ang iyong boss. Kaya, pagsikapan mong gawin ito ng walang aberya sa oras. Bibigyan ka niya ng gantimpala kapag nagawa mo iyon sa takdang oras.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)Β β€” Masyado kang hinahamak ng nililigawan mo. Bagay na hindi dapat. Huwag ka nang mag-aksaya ng oras sa kanya kahit mas matimbang siya sa iyo. May dalawa ka pa namang option. Sila ang diskartehan mo. Tiyak, sasagutin ka nila.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Bumuhos man sa iyo ang unos ng buhay, β€˜di ka naman mabibigatan. Sisilay agad ang sikat ng araw sa buhay mo. Huwag ding mag-alala kung medyo kapos ka na dahil darating agad ang biyaya sa takdang oras.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Mas mabuti na β€˜yung sinubukan mo siyang kausapin kaysa sa hindi. Sa gayun, malalaman ng kasuyo mo na wala kang tampo sa kanya. Baka siya ang may tampo sa iyo. Ayusin mo na agad para isama ka niya sa outing.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Gamitin mo ang talent mo para magkaroon ng ekstrang raket. Magaling ka namang magpatawa kaya gumawa na ng vlog. Tutal, magaling kang manggaya ng boses ng mga sikat na personalidad at ng mga hayop. Malay mo, sumikat ka at β€˜di malayong mangyari.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Sa iyo ang araw ngayon. Magiging masaya ka sa buong maghapon. Una, makakasama mo ang iyong balikbayan na beshy at bibigyan ka niya ng regalo. Ikalawa, papautangin ka ng GF mo at kiss lang, bayad ka na.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Huwag mong sabihing malas ka sa pera. Subukan mong iwasan ang pera at siya ang kusang lalapit sa iyo. Makapupulot ka ngayon ng isang envelop na may lamang pera. Isauli mo ito sa may-ari at bibigyan ka niya ng reward at trabaho.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Kung tapos na kayong dalawa ng dyowa mo, tanggapin na tapos na kayo. Kaso, makikipagbalikan siya sa iyo pagkatapos ng isang linggo. Prank ang gagawin niya sa iyo. Makipagbalikan ka sa kanya dahil bibilhan ka niya ng bagong sapatos at damit.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€”Β  Huwag kang mabagabag sa araw na ito. Easy ka lang. Darating siya sa usapan n’yo, Late nga lang ng isang oras. At least darating. β€˜Di bale, sagot na niya ang foods at pamasahe n’yo pag-uwi after mag-date.