HOROSCOPE MAY 13, 2022

HOROSCOPE MAY 13, 2022

May 13, 2022 @ 7:00 AM 2 weeks ago


 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Kung alam mong wala kang mapapala sa iyong ginagawa, huwag mo nang ipagpatuloy. Ituon mo ang pansin sa panibagong bagay na makabuluhan para sa iyo. Sapagkat ito ang maghahatid sa iyo ng tagumpay.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€”Β  Walang masama kung ihahayag mo ang iyong ideya at suhestiyon sa iyong boss, kung ang hangad mo ay para sa ikabubuti ng isang proyekto. Huwag kang matakot na sabihin iyon sapagkat ituturing niya na isang pagmamalasakit.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β β€” Hindi mo na dapat patulan ang kasintahan mong nang-iinis sa iyo dahil magkaiba kayo ng ibinotong kandidato. Nakuha pa niyang makipagpustahan sa iyo at kinagat mo. Dahil ang manok mo naman ang nanalo. Siya ang magbabayad ng hinuhulugan n’yong unit.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β β€” Kung magiging positibo ang iyong pananaw, positibo rin ang resulta. β€˜Yan ang da-pat mong taglaying kaisipan. Kusang papasok sa iyo ang suwerte dahil nagsisikap ka naman at masipag sa buhay.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)Β β€” Hangga’t maaari, iwasan mo ang kaibigan mong toxic at mahilig makipagtalo. Pati ikaw ay madadamay sa pagiging mainitin ng kanyang ulo. Pagmalasakitan mo siya at gagantimpalaan ka naman niya bilang pagkilala sa iyong pagiging tunay na kabigan.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Huwag kang mabalisa sa iyong pangangailangan sa bawat araw. Ang langit na ang magbibigay sa iyo. Lalo pang pagbuhusan ng panahon ang mga bagay na magiging daan sa pagbibigay sa iyo ng biyaya ng kalangitan.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Subok na ang pagiging tapat at loyal mo sa iyong pinapasukan. Kaya naman, may naghihintay sa iyong gantimpala dahil sa magandang katangian mong iyan.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Ang pagiging mahinahon mo at mapagtimpi ay nagpapakita na isa kang taong matalino. Dahil diyan, ikaw ang mananalo kumpara sa iba mo pang katunggali sa tinatakbuhan mong posisyon sa gobyerno.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Sa iyo ang araw na ito dahil sa pagiging magiliw sa kapwa. Kakapit sa iyo ang suwerte at pagpapala. Isang magandang balita rin ang matatanggap mo mula sa isang malapit na kaibigan.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Malalampasan n’yong mangsing-irog ang mga pagsubok ngayong buwan. Mas maaga iyong lalayas sa inyong sistema. Sapagkat, mabubuksan na ang pagpapala mula sa langit para sa inyo. Kaya, huwag nang matakot o mangamba sa bawat araw.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Diskarte ang kailangan upang umunlad sa buhay. Tama ang ginagawa mong pagsusumikap sa mabuting paraan. Huwag kang mainggit sa ibang tao lalo na sa kapitbahay mo na umu-unlad sa paggawa ng kasamaan. Darating na sa iyo ang suwerte basta’t maghintay ka lamang.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€”Β  Malaki ang tsansa mo na masungkit ang matamis niyang oo. Basta, ipagpatuloy mo lang ang effort mo kahit marami kang karibal sa kanyang puso. Kumbaga sa survey, ikaw ang numero uno sa kanyang puso out of 7 karibal.