HOROSCOPE MAY 17, 2022

HOROSCOPE MAY 17, 2022

May 17, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Hindi mo mapipigilan ang sarili mo na humanga sa isang tao. Subalit bago mo isiwalat ang iyong nararamdaman ay siguruhin mo muna na wala kang ibang tao na masasaktan at maaapektuhan sa gagawin mong pagtatapat.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —  Kahit na alam mong hindi dapat , ikaw na ang mag-adjust. Ikaw naman ang mas higit na nakauunawa sa’yong pamilya. Ipakita mo sa kanila na hindi ka mauupo sa isang tabi para panoorin lang sila sa pag-aayos ng kanilang problema.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Mapatutunayan mo ngayon ang tibay ng inyong samahan. Hindi ka niya iiwan sa ere sa gitna ng mga problemang kasasangkutan ninyong dalawa. Kaya kahit may kabigatan ang inyong pagdaraanan ay magiging magaan lang ito para sa’yo dahil alam mong may katuwang ka at hindi nag-iisa.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Huwag kang magtaka kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa umaasenso. Marami ka kasing bitbit na bagahe na hindi mo kailangan sa buhay mo. Subukan mong bumitaw sa mga alalahanin na hindi mo na dapat iniisip at makikita mo ang magandang balik nito sa’yo.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Pipilitin mo na mawala siya sa isip mo. Pero mabibigo ka lang. Kahit na anong gawin mo, sa araw na ito at sa mga darating pang araw ay mananatili siya sa puso’t isipan mo. Gayunpaman maaari ka namang manahimik na lang at huwag gagawa ng anomang aksyon para mapalapit sa kanya.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Ang trabaho mo ang magiging sandalan mo para makapag-move on. Ipagpatuloy mo lang ang positibo mong pananaw sa iyong trabaho at hindi ka nito bibiguin na agad makalimot sa dami ng achievements na makukuha mo mula rito.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) —  Mabibigo kang makuha sa araw na ito ang isang bagay na matagal mo nang hinahangad. Huwag mawalan ng pag-asa. Ang mararamdaman mong kalungkutan ay pansamantala lang. May iba pang pagkakataon na darating sa ibang araw.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —  Hindi sasapat ang hawak mong pera para sa isang pagkakagastusan kaya kakailanganin mong lumapit sa isang kamag-anak o kaibigan para makahingi ng tulong. Huwag magdalawang isip dahil kilala ka naman nila na marunong magbayad sa pagkakautang.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Hindi mo na kailangan pang maghanap ng bagong inspirasyon. Nasa paligid mo lang siya at naghihintay na mapansin mo kaya huwag laging masyadong malayo ang tingin. May mga bagay talaga minsan na akala natin walang halaga dahil sanay na tayong nasa tabi natin.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) —  Masyado kang maraming iniisip kaya nahihirapan kang humanap ng solusyon sa iyong mga problema. Subukan mo munang dumistansya sa mga tao at bagay na nagpapagulo sa isip mo. Huminga ka muna at mag-relax para magliwanag ang isip mo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi imposibleng maabot mo ang iyong mga pangarap. Hindi pa nga lang ngayon pero kailangan mo nang umpisahan ang pagbuo rito at pagtuklas sa mga paraan at daan na maaari mong sundan bilang direksyon patungo sa hinahangad.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  May isang tao ang magpaparamdam sa’yo ngayon. Masosorpresa ka dahil sa lahat ng tao siya ang hindi mo inaasahang maa-attract sa’yo. Hayaan mo lang at huwag ka munang magpakita nang kahit anong emosyon hangga’t hindi siya umaamin sa’yo.