HOROSCOPE MAY 18, 2022

HOROSCOPE MAY 18, 2022

May 18, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Bihira lang dumating sa tao ang oportunidad na gaya ng sa’yo kaya naman huwag mo na itong pagdalawahang isip pa. Matuto kang makinig sa sarili mong instinct paminsan-minsan dahil kadalasan ay tama ang ibinubulong nito sa’yo.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Isa sa mga hinahangad mong makuha ang mapapasa’yo ngayon. Hindi mo ito inaasahan pero isang tao na sa tingin mo ay hindi mo pa ka-close ang magbibigay sa’yo nito. Kaya naman mula sa araw na ito ay mapapalapit na siya sa’yo.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Isang kaibigan ang malalagay ngayon sa alanganing sitwasyon at hindi mo siya matitiis na hindi tulungan. Malapit siya sa’yo at lagi ring nakaagapay. Ito na ang tamang pagkakataon para maibalik mo sa kanya ang mga kabutihang ipinakita niya sa’yo.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi mo magugustuhan ang magiging panauhin mo ngayon. Gayunpaman, may mabuti pa rin siyang idudulot para sa’yo at sa pamilya mo ngayong araw. Kaya mas makakabuti kung mananahimik ka na lang at hindi makikialam.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Medyo aalatin ang araw mong ito para sa negosyo. Kailangan mong tanggapin na hindi lahat ng araw ay hayahay. May mga pagkakataon din na tutunganga ka at mananalangin na may dumating na customer. Manatiling positibo dahil babaliktad ang resulta kapag nagkataon.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Ipagpaliban mo na muna ang balak mong pagpasok sa isang online business. Hindi pa ito ang tamang panahon para pumasok ka sa ne-gosyong nais mo dahil marami ka pang hindi alam tungkol dito. Kabisaduhin mo muna ang mga detalye bago ka sumabak.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Mag-ingat sa mga taong may hindi magandang intensyon sa iyo. Sila ‘yung mga tao na nasa paligid mo lang at laging nakasubaybay sa bawat kilos mo. Sila ang ilan sa iyong mga kapitbahay na hindi gustong makita kang masaya. Gayunman, may ilan na nais kang maging kaibigan kaysa sa kanila. Magkakapera ka rin ngayon.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —  Ang tao na nagbibigay sa’yo ngayon ng inspirasyon ay ilalapit ng tadhana. Subalit huwag ka munang gagawa ng kahit anong aksyon para higit kayong maging malapit. Hayaan mong ang tadhana ang kumilos para sa inyo.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Hindi ka niya matitiis kaya sa wakas ay makatatanggap ka na ulit ng chat mula sa kanya. Ang muli niyang pagpaparamdam sa’yo ay isang senyales na hindi ka pa niya gustong mawala sa buhay niya.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Malalaman mo lang talaga ang tunay na halaga ng isang tao kapag siya ay nawala na sa’yo. Sa ayaw mo man at sa gusto ay hahanap-hanapin mo siya at hindi mo maiiwasang makadama ng sakit sa kalooban. Gayunman, may agad na papalit at magbibigay ng saya at pera.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Isang kasamahan sa trabaho ang hindi na makatitiis at magpaparamdam ng inggit sa’yo. Magdadalawang isip kang patulan siya dahil maiisip mo rin na wala kang mapapala kapag ginawa mo ito. Manatili ka lang humble para iwas gulo.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Magiging balanse sa positibo at negatibo ang araw mo. Ibig sabihin ay may tao na makapagdudulot sa’yo ngayon ng suwerte at saya. Sa kabila nito ay may hindi magandang pangyayari rin ang magaganap at ito ang bahaging negatibo.