HOROSCOPE MAY 2, 2022

HOROSCOPE MAY 2, 2022

May 2, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kapos ka sa pera? Hindi na ngayon. Isang kababatang kaibigan mo ang magbibigay sa iyo ng datung pagbalik niya sa Pilipinas. Bukod diyan, yayain ka niyang magtayo ng business. Ikaw ang mamahala nu’n.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —  Halos ilang araw ka nang pinahihirapan ng ubo mo. Para ka nang si Woody Woodpecker tuwing gabi na pugak ng pugak. Dahil sa hindi ka gaanong lumalabas ng bahay, mami-miss ka ng isang babae at dito mo malalaman na hinahanap ka niya. Crush ka pala niya.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Magiging kakompetensya mo ang crush mo sa negosyo. Aba’y nu’ng nagtinda ka ng halo-halo, nagtinda rin ang loka. Nu’ng nagpasabit ka ng poster ng isang kandidatong suportado ng pamilya mo, nagpakabit din siya. Nu’ng may nagpakabit ng banner ng isang brand ng pizza sa gilid ng gate n’yo, nagpakabit din ang loka para may libreng pizza buwan-buwan. Aba’y iba na ‘yan. Baka nagpapansin na ‘yan sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Para kang bagyo sa daan, lalong lumalakas kapag nakikita ng iba ang iyong appeal. Gamitin mo ang iyong karisma sa iyong pagtitinda sa online. Tiyak maraming bibili sa iyo. May makikita kang mga goods at pera sa mga ukay-ukay na binili mo. Kaya suwerte ka.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  May toyo ngayon ang ermat mo. Kaya huwag mong hingan ng pera. Kala niya, pangtataya mo lang ng lotto. Sa lola mo ikaw humingi. Sobra pa ang ibibigay niya sa iyo. May ipasasangla siyang alahas sa iyo sa isang pawnshop, sa gayun ay paghatian n’yong dalawa. Samahan mo na lang siya magpa-make-over sa parlor.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Gumaan ang pakiramdam mo dahil ang akala mong wala na, nandiyan lang pala. Makabubuting alisin sa isipan ang pangamba dahil apektado rin ang iba sa bahay n’yo. Isang magandang balita tungkol sa kaperahan ng matatanggap mo. Matutuloy ang transaksyon para ru’n.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) —  Kahit hindi ka naman kagandahan, marami ang nagkakagusto sa iyo. Ang lakas din kasi ng sense of humor mo. Pati boss mo natutuwa sa iyo. Kukunin ka niyang MC sa isang event. Sunggaban mo ito dahil extra income rin ito.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —  Isang tao ang hindi inaasahang darating sa buhay mo. Siya ang magbibigay ng kulay sa malabo mong mundo. Huwag ka munang magpa-fall sa kanya kasi love ka niya. Magpalibre ka muna ng magpalibre kasi ‘yun naman ang gusto niya.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Panahon mo na ngayon. Ngayong buwan ay makukumpleto na ang iyong pangarap na makapagpatayo ng bahay. Gayundin ang negosyo. Pagkakatiwalaan ka rin ng isang kaibigan upang humawak ng kanyang pera na pampautang. May porsyento ka sa bawat masisingil doon.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Good news, babayaran ka na ng kaibigan mong ‘di nagbayad sa iyo sa pustahan noong nagdaang NBA playoffs at finals. Paldo kasi siya dahil pinadalhan ng anak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Muli siyang makikipagpustahan sa iyo. Pero, huwag mo nang kagatin dahil baka ‘di na naman siya magbayad ng matagal kapag natalo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Walang masama kung may pera ka at mamimili ng gamit na gusto mo. Pinaghirapan mo naman ang pera. Bigyan mo ng reward ang iyong sarili. Umasa kang babalik at babalik din ang mga magagastos mong pera dahil sa dami ng raket na mapupunta sa iyo.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Kung galit siya sa iyo dahil sa hindi mo pagiging thoughtful, mawawala rin iyon. Nag-iinarte lang ang hubby mo. Kulang lang sa goodnight kiss ‘yun. Ikaw na kasi ang gumawa nu’n. Kapag natuwa siya, pwede ka na ulit um-order sa online shopping na siya ang magbabayad.