HOROSCOPE MAY 20, 2022

HOROSCOPE MAY 20, 2022

May 20, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Sigurista ang iyong nililigawan at huwag ka nang magtaka dahil pogi ka. Kasi, alam niyang maraming nagkakandarapa sa iyo. Pero, dahil mahal mo siya, patunayan mo iyon sa pamamagitan ng pagbibigay pa ng matinding atensyon at pagpupuri sa kanyang mga ginagawa.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi ka nila basta-basta magagaya dahil higit na mas angat ang iyong kakayahan kaysa sa kanila. Gayunman, huwag mong ipagdamot ang iyong nalalaman. Mas lalo kang pagpapalain ng nasa itaas kapag ginawa mo iyon.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Kung nais mong gawin ang mga bagay na sa tingin mo ay makabubuti sa iyo at sa iyong pamilya, gawin mo. Ito na ang panahon upang dumapo sa iyo ang suwerte. Mapalad ka rin sa larangan ng pag-ibig dahil matatagpuan mo na ang taong para sa iyo na mamahalin mo ng sobra.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi mainam sa iyo ang maglakbay sa mga susunod na araw. Makabubuting magpahinga ka dahil may iniinda kang karamdaman. Huwag mag-alala, ikaw pa rin naman ang pipiliin ng kliyente mo dahil may tiwala siya sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Tama lang ang naisip mo na magpatawad sa isang taong matagal nang nagkasala sa iyo. At dahil d’yan, mas pagpapalain ka sa iyong gagawin. Dahil nalulugod sa iyo ang langit dahil hindi ka nagtatanim ng sama ng loob.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Huwag mong isipin o ‘di ka dapat mabalisa sa iyong napanaginipan. Na ikaw at ang iyong kaibigan ay mapapahamak. Na napasama sa isang airplane crash. Malayo ito sa reality dahil wala naman kayong pupuntahan na sasakay kayo ng eroplano.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Pag-isipan mong mabuti kung ano ang susundin mo. Ang isip ba o ang puso? May pagtatanggi ka sa kanya, pero naghihirap ang kalooban mo dahil alam mong walang disposisyon ang buhay mo kapag naging kayo. Harapin ang reyalidad dahil ‘yan ang makabubuti sa iyo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay akma ang kasabihang “kung ano ang nasa puso mo, sundin mo.”

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21)   Bakit hindi mo crush ang crush ng karamihan? Aba’y problema na nila ‘yan. Tama na huwag kang sumabay sa agos o sa uso. Hindi porke hook ang iba sa Oppa, ‘yung tipong Oppa guy na rin ang gugustuhin mo.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — May mga bagay kang dapat asikasuhin sa mga susunod na araw. Lalo na ang may kinalaman sa pagtatayo ng negosyo. Isang taong kakakilala pa lang ang magtitiwala sa iyong kakayahan na magpatakbo nito. Kaya, mamumuhunan siya sa iyo.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — May namumuong unos sa pagitan mo at ng iyong kaibigan. Gayunman, agad itong lilipas. ‘Yan ay dahil sa biktima lamang kayo ng isang taong nais kayong pag-awayin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Huwag nang magpatumpik-tumpik sa mga bagay na nais gawin. Hindi ka mabibigo dahil gagawin mo naman ‘yan ang buong sikap at may sistema. Ang iyong ideya ay mas mabisa kaysa sa iba. Kaya huwag mag-atubiling ipresenta ito sa iyong boss.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Suwerte ka ngayong araw. Mabibiyayaan ang iyong tapat na suporta sa isang kandidato. Bukod sa mabibiyaan ka sa pinansyal na aspeto, mabibigyan ka pa ng trabaho at magandang puwesto sa kanyang liderato.