HOROSCOPE MAY 31, 2022

HOROSCOPE MAY 31, 2022

May 31, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Nasa iyong kamay nakasalalay ang pagtatagumpay ng inyong team. Ikaw ang mas may karanasan, ikaw na ang manguna. Sa gayun ay makatanggap agad kayo ng bonus sa boss n’yo.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Umiwas ka muna sa tagay. Kapag nakita mo ang kaibigan mo na tumutoma, umiwas ka. Mabubutas din ang iyong bulsa. Dumikit ka sa mga kaibigan mo na masipag dahil magkakapera ka.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Darating din ang oras na makukuha mo ang gusto mo. Basta ibayong tiyaga at pagsusumikap pa ang gawin. May matatanggap ka ring pasalubong sa isang kaibigang balikbayan.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Mahilig ka lang din magpa-tweetums sa harap ng camera, makabubuting gumawa ka ng TikTok account kahit thunders ka na. Magiging tulay ito upang dumaan sa iyo ang mga biyaya.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Kailangan mo ng sapat o higit pang paghinga mula sa pakyawang trabaho. Huwag sagarin ang sarili. Dahil kapag nagkasakit ka, sa gamutan din mauuwi ang pera mo. Magrelaks ng kaunti, manood ng comedy movies.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Huwag mong bigyan muna ng kulay ang pagiging sweet niya sa iyo. Baka may kailangan lang siya. Huwag mo ring ipahalata masyado na type mo siya. Hayaan mo siya ang maghabol sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Sikapin mong huwag magkamali sa bagong proyekto. Maselan ang pagkilatis ng bagong kliyente. Kung ano ang totoo, ‘yun lang ang sasabihin mo. Sa gayun ay pagkatiwalaan ka nito at sa iyo rin mapupunta ang proyekto.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Makabubuting makipagkasundo agad sa taong malapit sa iyo na nakatampuhan. Sa gayun ay di ka madamay sa kanyang kamalasan. Mas masarap matulog kung walang iniiisip na problema.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kung kaya mo rin lang gawin ang isang bagay, huwag mong sabihing hindi mo ito kaya. Mas mainam na subukan pa rin kaysa sa hindi. Hahangaan ka pa ng iyong kapwa kapag ipinamalas mo ang iyong galing.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi man naging maganda ang karanasan mo sa nakaraang taon, kalimutan mo na iyon. Mag-move on ka na. Sa susunod na buwan, magiging maganda na ang takbo ng buhay mo sa pinansyal at kalusugan.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Masarap talaga ang magmahal lalo na kung minamahal ka rin. Ngayong natagpuan mo na ang tunay na pag-ibig, huwag mong hayaang makaalpas ito. Susuwertihin ka sa kanya dahil mabait siyang tao.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Dahil ikaw ang may malawak na pang-unawa, ikaw na ang umunawa sa kaibigan mo. Sarado kasi utak nu’n. May utang ka pa kasi sa kanya kaya kinakaya-kaya ka niya. ‘Pag nakabayad ka na, magbabago rin ang trato niya sa iyo.