HOROSCOPE MAY 5, 2022

HOROSCOPE MAY 5, 2022

May 5, 2022 @ 7:00 AM 3 weeks ago


 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Mag-ingat sa mga taong lihim na may galit sa iyo. Gagawa sila ng paraan upang mabutasan at siraan ka sa iyong amo. Kaya, sikaping maging maayos ang iyong galaw at maging maingat sa pananalita. Sa kabila nito, hindi ka pa rin nila kayang hilahing pababa.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€”Β  Mag-iingat sa isang kaibigan na madaldal. Ang gayung kaliit na bahagi ng katawan ay maaaring pagmulan ng hidwaan o away. Isang kaibigan naman ang mag-aalok sa iyo ng negosyo. Pero, pag-isipang mabuti kung kakagatin ito.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β β€” Walang masama sa pagiging matipid sa pera. Nagtatabi ka lang kasi ng para sa kinabukasan. Ang mga bagay na maliliit na inipon mo noon ay lumalaki na. Kaya, makatutulong ito sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β β€” Nararapat lamang na hindi sinasayang ng ibang tao ang iyong oras. Mahalaga ito sa iyo dahil isa kang taong abala sa buhay. Pera at kapakanan ng pamilya ang laging inuuna mo. Gayunman, huwag mo ring kalilimutan ang iyong obligasyon sa nasa itaas. Sa gayun ay lagi ka niyang pagpapalain.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)Β β€” Hayaan mo munang matawa o pagtawanan ka ng iyong mga katunggali sa puwesto. Ang inaakala mong kahinaan mo ay siya pa lang lakas. Magugulat na lang siya sa resulta. Ilang araw ka na lang magtitiis. Sa bandang huli, ikaw naman ang hahalakhak sa kanila.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Aabusuhin ng iba ang iyong kababaang-loob at pagiging mabait. Hahanapan ka rin ng butas ng mga taong may inggit sa iyo. Hahalungkatin nila ang iyong mga kamalian upang sirain ka. Mainam na nag-iingat ka na rin. Pero, sila’y mabibigo. Abalahin mo na lang ang sarili mo sa trabaho at magkakapera ka pa.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€”Β  Tuparin mo ang iyong mga ipinangako sa isang tao. Sapagkat ang iyong salita ay tila punyal sa kanilang kaisipan at puso. Kung sakaling palarin ka na humawak ng tungkulin sa pamayanan, sikapin mong tuparin ang iyong mga sinabi at mamahalin ka nila ng lubusan.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Iba ang nakikita nila kaysa sa nilalaman ng iyong puso. Kaya naman, isang tao ang may lihim na pag-aaralan ang iyong pag-uugali. Matutuwa ka naman sa sorpresa ng iyong kaibigan sa araw na ito.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Wala siyang magagawa kung ayaw mo pa siyang sagutin. Masyado siyang assuming hindi naman siya bagay sa beauty mo. Kung hindi mo siya kayang mahalin, tapatin mo na siya upang wala ka nang sakit ng ulo. Sayang din kasi ang kape at tinapay na pangmeryenda sa tuwing dadalaw siya sa inyo.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Kung kaya mo rin lang gawin ngayon ang isang bagay, gawin mo na habang maaga. Sa gayun ay wala ka nang iintindihin sa susunod na araw. Sa gayun ay makapagrelaks ka naman at makabubuti ito sa iyong kalusugan at kaisipan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Hindi totoong hindi niya gusto ang iyong presentasyon. Tinitiyak lang ng boss mo na ikaw talaga ang gumawa nu’n at hindi ang kasama mo na inaakala niyang mas magaling kaysa sa inyo. Kapag napatunayan niyang ikaw, mapo-promote ka sa opisina n’yo.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€”Β  Mapapanatag ang iyong kalooban dahil sa pag-alalay ng isang kaibigan. Tutulungan ka niyang makaahon sa iyong kalungkutan. Hindi lang ‘yan, magbibigay siya sa iyo ng pera ng walang hinihinging kapalit.