HOROSCOPE NOVEMBER 11, 2022

HOROSCOPE NOVEMBER 11, 2022

November 11, 2022 @ 7:00 AM 3 weeks ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Upang hindi ka na matakot kay due date, maglaan na ng pera sa bawat bayarin sa bahay. Lalo na sa kuryente at tubig. Kapag nagtabi ka, huwag mo nang gagalawin o ibili ng kung ano-ano. Malaking pakinabang sa katawan ang pagtakas sa pagkabalisa sa bawat araw. Isang maimpluwensiyang tao ang tutulong sa ikinakasa nyong programa sa inyong pamayanan. Malamang na mag-isponsor ito sa inyo.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Kahit pahapyaw o pabiro lang ang iyong mga sinabi, labis itong inaasahan ng mga taong nakarinig nito. Na nais nilang papangyarihin mo ang iyong tinuran na kanila namang mapapakinabangan. May biglaang magandang balitang matatanggap kaugnay sa dagdag raket na labis mong ikatutuwa sa linggong ito. Kung naiinis sa sa ibang tao dahil sa karakas nila, umiwas ka sa kanila at makadarama ka ng labis na saya.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ingatan ang iyong ka-lusugan. Huwag masyadong over-acting sa trabaho. Kung oras ng pamamahinga, sikapin mong makapagpahinga lalo na sa gabi. Ang aspekto sa romansa ay magiging masaya dahil ang iyong minamahal pa mismo ang mangangalabit sa iyo. Kailangan ito sa relasyon upang ma-ging matatag at matibay ang bagong mag-asawa.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Iwasan mo na kapag nagkukusa ka sa trabaho, yung sisinghal ka at magpaparinig sa mga kasamahan mo. Ano pa ang silbi nun at wala ring pinagkaiba sa pipitik-pitiks sa trabaho. Gawin mo ito ng kusa at gawin mo ito dahil masaya ka at hindi nagbibilang ng pagod at kalugihan. Sa bandang huli, ikaw din ang mapaparangalan at magiging magiliw sa iyo ang mga ka-samahan.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Noong hindi pa kayo, nangakong ibibigay mo kahit bituin. Ngayong kayo na, binigyan mo nga siya, pero nasasaktan naman ang kanyang damdamin. Hindi ito ang tama. Kung binubungangaan ka, manahimik ka lang muna para humupa ang kanyang galit. Basta, pag-uwi mo at nakakain ka ng masarap at nabusog ka, ayos na.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Ang pagiging produktibo sa trabaho ay magbubunga ng maganda. Aani ka ng mas dobleng biyaya na matatanggap mo ilang araw mula ngayon. Mas madali at magiging epektibo ang iyong panunuyo dahil may matatag kang trabaho. Alam mo namang ang ilan samga babae ngayon ay naghahanap din ng paldo. Bukod sa may hitsura na, dapat pogi pa.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Ang labis na pagbibigay ng halaga sa sarili o mataas na ego ay baka magbunga ng hindi maganda. Baka maging dahilan ito ng paglayo ng kalooban ng iyong mga mahal sa buhay. Kaya, stay humble lang. Alam na kasi nila ang estado mo kaya di mo na kailangang ipangalandakan ito. Ang pagbibigay halaga sa isang taong humingi ng pabor at tinupad ito ay may nakatakdang gantimpala sa susunod na araw.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Mahaharap ka sa isang malaking responsibilidad ngayong linggo. Okay lang ito dahil dito dadaloy ang mga biyayang darating sa iyo. Umiwas ka sa mga kaibigang sa halip na mag-ayos sa kanilang bahay ay nawiwili sa pagpunta sa mga bahay-bahay. Mas masahol pa sa isang suplada ang magsabi-sabi ng buhay ng ibang tao.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Mahalin mo ang iyong kasintahan. Larawan siya ng iyong ina at hindi imahe para sa tawag ng laman. Seryosohin mo siya upang magkaroon ng direksiyon ang buhay at mga pangarap nyong dalawa. Iwaksi mo ang iyong sariling interes sa kanya. Ang proyekto at bagay na pinag-aralang mabuti ay magtatagumpay kapag ito’y isinagawa na.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Hindi naman masama ang pakikipagsosyalan kung minsan. Mainam ito upang sumigla ang iyong pakiramdam dahil nakikita at nakakasalamuha mo ang iyong mga kaibigan. Ang masama ay ikaw ang laging taya, dapat pantay-pantay lang. Hindi mo kako pinupulot ang pera. May pakinabang din sa isang bagay na hindi pinapansin ng iba.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Mag-ingat ka sa iyong paglalakbay lalo na sa pagmamaneho. Wala ka namang ka-drag race sa daan kaya easy ka lang. Paghandaan ang isang paglalakbay sa susunod na linggo na may kinalaman sa iyong trabaho. Tungkol sa pera, magtabi ka ng ekstrang panggastos. Hangga’t maaari, bilhin lamang ang talagang mahalaga at hindi ‘yung luho lang.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Sa hindi inaasahan, magiging panauhin ng iyong kaanak ang isa sa taong iyong pinaghihinakitan. Ito’y dahil sa nakagawa ito sa iyo ng malaking kasalanan sa mga panahong nagdaan. Pairalin mo ang pagkamaginoo at huwag padadala sa galit. Baka kung hindi ka makapagpigil, baka ang araw ng kasiyahan at maging araw ng karahasan. Mainam na sandal ito upang tanggapin mo ang kanyang pakikipagbati.