HOROSCOPE NOVEMBER 16, 2020

HOROSCOPE NOVEMBER 16, 2020

November 16, 2020 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — May mabuting kahihinatnan ang pagtalima sa payo o gabay ng mga magulang tungkol sa pagpapamilya. Magkakaroon ng magandang pagkakakitaan sa araw na ito.

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Mapanghahawakan ang pangako at pagmamahal ng kasuyo na malalayo sa’yong piling. Upang hindi matukso o magkasala, panatilihin ang regular na komunikasyon sa minamahal.

 

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Patatagin sa sarili ang disiplina at pagiging responsable sa lahat ng bagay upang gumanda ang takbo ng buhay. Walang mapapala kung panay barkada ang aatupagin.

 

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — May ilang makakasama ngayon na kaibigan o kasamahan sa trabaho na maaaring maging sakit ng ulo. Upang hindi masira ang buong araw, panatilihin ang pagkamahinahon.

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —   Magiging maganda ang mood sa araw na ito kaya maraming kapaki-pakinabang na gawain ang matatapos. May bagong kaalaman at kakayahan ang matututuhan sa araw na ito.

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Para gumaan ang patong-patong na bagabag ng buhay ay lumapit sa Poong Maykapal. Kung wala sa plano ang lakad, huwag nang tumuloy upang makaiwas sa aksidente.

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —Iwasan na maging palabiro dahil makahaharap sa araw na ito ang isang kaibigan na mainitin ang ulo. Huwag ipagpaliban ang gawain na magagawa sa araw na ito.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Ang mabilis na pag-aksyon sa problema sa loob ng kompanyang pinaglilingkuran ang magliligtas sa’yo sa mga taong may lihim na inggit o galit.

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kahit na nararamdaman na magiging sunod-sunod ang biyaya, panatilihin ang maingat na mga pagkilos. Huwag basta maniwala sa proyektong pangkabuhayan na may nakalululang pakinabang.

 

 




 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Maging maagap sa pag-asikaso ng mga personal na dokumento o papeles na may kinalaman sa career o negosyo. Makaaasa ng moral support sa pamilya at minamahal ngayon.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Magiging maganda ang impresyon ng mga bagong makikilala sa araw na ito. Iwasang mangako nang mangako upang mapanatili ang mabuting reputasyon.

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —   Huwag panghawakan ang pangakong tulong ng isang kaibigan o kamag-anak sa araw na ito dahil maging sila ay nasa kagipitan din. Upang makaiwas sa kakapusan, doblehin ang kayod.

 


  •  
  •  
  •  

Loading...