HOROSCOPE NOVEMBER 16, 2022

HOROSCOPE NOVEMBER 16, 2022

November 16, 2022 @ 7:00 AM 2 weeks ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) β€” Sinasabi ng iba at sinasabi ng iyong sarili na ikaw ay nagmamahal. Gayunman, tiyakin mong mabuti sa iyong sarili na talagang ito nga ay iyong nararamdaman. Kaya, mag-isip-isip kang mabuti bago pumasok sa isang relasyon. May tamang panahon na-man para sa sariling kaligayahan kung hindi ka pa handa sa ngayon. Magkakapera ka sa mga susunod na araw, kaya sa gaya mong manok, kusa nang lalapit ang itlog, este, palay pala.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Ito ang sandaling higit na makabubuti ang pagkukunwari kaysa sa pagsasabi ng totoo lalo na sa isang problema ng kaibigan kung ito ay makabubuti para sa kanya. Gayunman, maging handa sa anomang reyalidad na maibubunga nito. Gaya ng iba, magiging suwerte ka rin sa salapi dahil may raket na pagkakaabalahan ka sa mga susunod na araw.Na ang siste ay bigayan muna bago trabaho. Kaya, pagbutihin ito dahil is aka sa taong pinagkatiwalaang mapasama sa isang proyekto.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Ang dapat unahin mo sa ngayon ay ang pagpapasan ng mga mabibigat na responsibilidad sa mga nakatatanda. Kaya, kung may naitatabi ka o may ekstrang pera, makabubuting magbigay ng pakimkim sa iyong mga matatandang kaanak. Ito kasi ang mapagpapasaya sa kanila. Kapag may pera ang mga iyan, good mood iyan. Tiyak namang isasama ka nila sa kanilang mga panalangin. Na ang panalanging iyan ay lagi kang magkaroon ng maraming pera.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Kahit ayaw mo ay kailangang magharap kayo at magkabati ng iyong nakatampuhan. Ito ay dahil sa kayong dalawa ang maaatasan ng isang gawain. Pera rin ang usapan dito kaya maging propesyunal sa iyong damdamin. Hindi masama ang magbigay, ngunit hindi rin naman maganda kung ikaw minsan ang nauubusan. Hindi rin maganda na tinitipid mo ang iyong sarili para lang may maiabot ka sa iba. Matuto ring magdamot lalo na sa ayaw magbanat ng buto.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Nakatakdang maganap sa linggong ito ang magagandang bagay. Magbubunga kasi ang iyong mga pagsisikap sa mga nagdaang panahon. Magiging maayos rin ang pakikitungo ng mga tao sa iyong paligid. At panghuli, ikaw ay hahangaan dahil sa iyong pagsali at pagkakapanalo sa isang patimpalak.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Kung hangad mong magtagumpay o makabingwit ng malaking isda, nararapat na maging optimistiko ka sa lahat ng bagay. Baguhin mo ang iyong pananaw sa buhay at iwasan na ang papatay-patay at kaisipang negatibo. Ilabas ang angking kahusayan na magbibigay sa iyo ng oportunidad. Nandiyan lang sa tabi ang biyaya basta igawa mo lang ang iyong kamay. Sa gayun ay matuwa naman ang iyong honey dahil ikaw ay marami nang money.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Maigi sa huling kwarter ng taong ito ang pagsasakatuparan nang matagal nang binabalak na makapagsimula ng maliit na negosyo. Ang kaunting puhunan na pakakawalan ay tiyak namang magiging doble o triple pa nga sa mga susunod na araw. Kung dating patay napatay ka sa kanya, kung kailan ka naman nalamig at nagpasyang itigil na ang panunuyo sa kanya ay saka naman siya na-inlove sa iyo. Kaya, siya na ang maghahabol sa iyo.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Maaaring ikalito sa linggong ito kung sino ang mga taong dapat mong pakinggan. Kaya, sikaping mapaglabanan ang ganitong kilos upang mai-wasan ang mga negatibong kaisipan na maaaring makaapekto sa iyo. Sa pananalapi, hindi mo inaasahan ang pagdating sa iyo ng malaking pera. Kaya, maging maingat sa paghawak nito at paggastos.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Magiging bahagi ka sa isang pagtalakay sa isang potensiyal na oportunidad na magpapaunlad ng inyong kabuhayan. Makakapulot ka rin ng mga magagandang ideya tungkol sa tamang hakbang na magiging bagay mo kung papaano simulant ang isang pagkakakitaan. Mai-inlove ka sa isang taong matagal mo nang kinaiinisan at β€˜yan ang isa sa malaki mong problema.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Para sa iyo ang mga nalalabing araw sa buwang ito lalo na sa aspektong pinansiyal. Maaga mong matatanggap ang inyong bonus, kaya magalak ka. Kaya kahit medyo may kamahalan ang bilihin, hindi ka nababalisa dahil financially stable ka. Habang maaga pa, bumili na ng panghanda sa mga kabi-kabilaang okasyon ng pamilya. Sa gayun ay hindi mo na magalaw ang mga susunod na paparating na pera.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β  β€” Mag-aabot-abot ang iyong mga naipon at bunga ng iyong pinagpaguran sa trabaho sa taong ito. Kaya, masasabing buwenas ka rin. Kaya, mabibili mo na ang iyong gusto at gustong kainin. Isang kaibigan ang maghahatid sa iyo ng mabuting balita tungkol sa nilalakad na dokumento. Sa kalusugan, iwasan ang sobrang pagpupuyat. Sa opisina mo na gawin ang mga papeles at huwag sa bahay.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β  β€” Kahit anong trabaho o tasks ang ipagawa sa iyo ngayon, garantisadong magbibigay ito ng magandang pakinabang. Kung ikaw ay malaya pa, babae ka man o lalaki, hindi mawawalan ng pagmamahal dahil sa likas mong kabaitan at husay sa pakikisama. Hindi maiiwasang mapagtsismisan kang minsan, pero ito ay hindi negatibo. Kundi, positibong feedback ng mga taong nakapaligid sa iyo.