HOROSCOPE NOVEMBER 17, 2020

HOROSCOPE NOVEMBER 17, 2020

November 17, 2020 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Malulungkot sa araw na ito sa makikitang kabiguan ng kaibigan o kapamilya. Maglaan ng kahit kaunting oras para dumamay o magpalakas ng kanyang loob.

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Isang kaibigan o kapamilya ang pipigil sa’yong plano na paglalakbay sa malayong lugar sa araw na ito. Isa itong babala na magiging malapit ka sa aksidente.

 

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Magagawan ng aksyon o paraan ang anomang kakulangan sa pagpapagamot ng kamag-anak o kapamilya. Magiging magaan ang kalooban sa pagtitiwala sa Maykapal.

 

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kalimutan ang baluktot o negatibong plano sa araw na ito upang hindi magsisi sa bandang huli. Magtiwala sa kakayahan at talento upang hindi mahulog sa pagkakasala.

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —  Lumayo sa mga bagay na ikagagalit ng minamahal upang maging matamis ang pagsasaluhan kinagabihan. Huwag paapekto sa tsismis nang makagawa ng tamang desisyon.

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —Mapalalabas sa araw na ito ang tunay na saloobin ng pinatutungkulan ng pag-ibig dahil sa mataas na sense of humor. Magiging kasiglahan o inspirasyon ang pag-ibig.

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —Magkakabuhol-buhol ang iskedyul sa araw na ito kaya malaki ang tsansa na mabigo ang pangako sa minamahal. Magiging mabunga ang lahat ng gawain na may kinalaman sa negosyo.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —Mapapansin ng mga kasamahan sa hanapbuhay ang ilang pagbabago sa iyong kilos. Huwag indahin ang negatibong komento sa pagtupad mo sa’yong mga pangarap.

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Mapapanatag ang kalooban dahil sa pagdamay ng kaibigan at mga mahal sa buhay sa pinagdaraanang kabiguan. Alisin ang galit sa puso at iwasang manisi.

 

 




 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) —Hindi masasayang ang oras sa pagsama sa isang Taurus o Capricorn dahil may mapupulot na mabuting aral sa buhay. Huwag kainisan ang pakikinig sa pagtatampo ng minamahal.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) May mabuting karma na kakatok sa tahanan sa araw na ito bunga ng paghahasik ng kabutihan sa kapwa. Patuloy na isabuhay ang aral ng Maylikha.

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —  Maging mapagpaubaya ngayong araw dahil makasasalamuha mo ang isang taong mataas ang tingin sa sarili. Iwasang makialam sa gulo o away upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan.

 


  •  
  •  
  •  

Loading...