HOROSCOPE NOVEMBER 18, 2020

HOROSCOPE NOVEMBER 18, 2020

November 18, 2020 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Dapat magkaroon ng pananalig sa lahat ng gagawin at sariling mga desisyon. Magiging maganda ang takbo ng negosyo o career sa tulong ng pamilya.

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Kung may nagawang pagkakamali, sa halip na pagtakpan ay makabubuti ang agarang pagtutuwid. Darating ang magagandang pagkakataon upang makabangon sa hirap.

 

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Hindi dapat pairalin ang katigasan ng ulo sa minamahal lalo na’t may nagawang pagkukulang. Bigyang prayoridad ang hanapbuhay kaysa pakikipagbarkada o pagdalo sa mga sosyalan.

 

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hahatak ng swerte sa pag-ibig at paghahanapbuhay ang taglay na karisma at katalinuhan. Ngayon lalong magiging mainit ang romansa sa minamahal.

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Kung may inaambisyong posisyon o proyekto sa trabaho, dapat magpakitang gilas sa pamamagitan ng mga gawa. Walang mapapala sa mga panandaliang pakikipagrelasyon.

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Mas maganda ang resulta ng trabaho kung makikiisa sa mga kasamahan sa trabaho. Huwag ipagkait na ibigay sa malalapit na kaibigan ang natatanging kaalaman.

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung may mahahalagang lakad sa araw na ito, sikaping maging handa ang katawan at isipan. Pumapabor ang swerte para sa pagkamit ng pakinabang sa taglay na talento.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —Hindi dapat balewalain ang kutob sa pagpapasya kahit sa usapin man ng pag-ibig. Ngayon mapatutunayan sa sarili kung gaano katibay ang pag-ibig ng pinakamamahal.

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Umaayon ang galaw ng mga bituin upang lalong mapatatag ang pakikipagrelasyon sa minamahal. Huwag hayaang mabasag ang tiwala ng minamahal upang magbunga ng kaligayahan.

 

 




 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) —Balansehin ang pakikisama sa mga kasamahan sa trabaho at may-ari ng kompanya upang maging patas sa lahat. Kung may sariling negosyo, ibigay ang para sa mga empleyado.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Sa araw na ito mapatutunayan ang kahalagahan ng naitanim na pakikisama sa marami. Matutuwa ang mga kapamilya kung aalisin ang pagiging makasarili sa mga pagpapasya.

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —  Maraming proyekto ang maaaring pagkakitaan nang husto kung mananaig sa sarili ang tiyaga. Kung wala pang asawa ay magiging mapalad sa matatagpuang pag-ibig.

 


  •  
  •  
  •  

Loading...