HOROSCOPE NOVEMBER 18, 2021

HOROSCOPE NOVEMBER 18, 2021

November 18, 2021 @ 7:00 AM 1 week ago


 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Walang pananim na agad na aanihin. Kaya, maghintay ka sa tamang panahon upang kunin ang iyong pinaghirapan. Darating din ang time na aanihin mong lahat ang iyong pinagpaguran at tiyak na liligaya ka ng lubusan.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Huwag mong tangkaing magkaroon ng diskusyon sa mga taong kinaiinisan mo. Dahil unti-unti silang maaakit sa iyo. Habang naaakit sila sa iyo, lalo ka nilang magugustuhan. Kapag nagustuhan ka nila nang husto, mamamangha ka, dahil sila mismo ang mag-aabot sa iyo ng biyaya.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Walang epekto sa iyo ang paninira ng mga dati mong kaaway at ng mga naiinggit sa iyo. Ito ay dahil sa may mga taong nakaaalam kung sino ka at kung ano ka. Ang langit mismo ang magkakaloob sa iyo ng proteksyon. Kaya habang ginagambala ka nila, sila ang mamalasin at ikaw naman ay pagpapalain.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kakaiba ang magiging aura at magiging hatak ng suwerte sa susunod na mga araw. Ang totoo ay nakagugulat pa nga dahil ‘di mo ito inaasahan. Sila na naghahangad ng iyong kamalasan at pagbagsak, sila ang mabibigo at mapapahiya. Habang ikaw naman ay patuloy na pagpapalain ng langit.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Anoman ang gustuhin at nais ay makakamtan mo, kusang mapupunta sa iyo. Subukan mo kayang hangaring magpayaman, makikita mo, ipagkakaloob sa iyo ‘yan ng langit.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Magiging masaya ka sa linggong ito dahil sa mga taong nakapaligid sa iyo dahil maghahatid sila ng biyaya. Gagaling din ang matagal mo nang iniindang karamdaman dahil sa labis na kagalakan.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung ‘di siya para sa iyo, hindi talaga. Kaya huwag mo nang ipilit na salbahin ang inyong relasyon. Kasi, ikaw lang talaga ang nagmamahal sa inyong dalawa. Mas liligaya ka kapag kumalas ka na sa kanya.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —  Gaya ng isang ilog, matutuyo ito sa sobrang init. Ganyan din ang nararamdaman ng iyong mga magulang. Huhupa rin ang kanilang galit sa iyo kapag nakita nila ang malaki mong pagbabago sapul nang umanib ka sa ibang relihiyon. Pati sila ay maeengganyo ring umanib dito.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Kumbaga sa kape, ‘di na masarap inumin ito kapag wala nang init. Ganyan ang tiwalang nawala sa isang kaibigan. Gayunman, hayaan mo siyang makabawi dahil patutunayan niya na nagsisisi na siya sa kanyang ginawang panloloko sa iyo.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Masyado kang malambing sa iyong kasuyo kaya bibiyayaan na kayo ng supling. Ang supling na ito ang magiging susi upang manumbalik ang sigla ng pakikisama sa iyo ng iyong mga magulang.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Huwag kang basta-basta maniniwala sa mga sabi-sabi. Lalo na kung ito ay tungkol sa pagpupuri sa iyo. Kasi, ang puring wala sa hulog ay isang paninirang puri. Baka inaasar ka lang. Sa halip, mag-ingat din sa bawat bibitawang salita.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Kahit na mahirap ang sitwasyon, nalalampasan mo. May ibang puwersang nagpapalakas sa iyo. Kinagigiliwan ka ng lahat dahil sa pagiging humble mo. Kaya, sunod-sunod na biyaya ang darating pa sa iyo.