HOROSCOPE NOVEMBER 19, 2020

HOROSCOPE NOVEMBER 19, 2020

November 19, 2020 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Gawin ang lahat ng magagawa upang hindi maipit sa isang commitment sa trabaho. Ang pagpapakita ng malasakit sa minamahal ay magpapatatag sa samahan.

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Paborable ang panahon upang makabayad ang isang kamag-anak o kaibigan sa ipinautang na pera. Wala ngayong suwerte sa anomang uri ng sugal at paglalakbay kaya mabuting mamalagi sa tahanan.



 

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Magiging maswerte sa negos­yo kung personal na hahawakan o pamamahalaan ang pera o pondo. Hindi dapat mawala ang kulay red, violet o pink sa pang-araw-araw na kasuotan na ginagamit.

 

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Masosolusyunan ang problemang hatid ng isang kapamilya sa inyong tahanan dahil sa pag-iral ng talas ng iyong isip. Hindi na kailangang ipamalita ang kabutihang nagawa sa kapwa upang makaasa ng good karma.

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Pabor ang galaw ng mga bituin ngayon upang sumugal o mamuhunan ng mahabang oras at talino sa isang proyektong pangkabuhayan. Matutulungan ang ilang taong nakaagapay sa pagpapaunlad sa nakalipas na taon.

 

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Mas mainam na mapauunawa ang mensahe sa minamahal o isang kapamilya sa pamamagitan ng magandang halimbawa sa kanila. Mangangailangan ng malalim na pagsusuri sa isang bagong direksyong tatahakin.

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Ang pagbabagong buhay ay maaaring simulan sa ugali ng mismong sarili. Mapapasalang sa araw na ito sa mga usap-usapan na walang patutunguhan kung lalabas ng bahay para umistambay.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Magiging mabagal ang pag-asenso pero hindi dapat mag-alala dahil magiging stable naman ang kalagayan sa trabaho. Dapat magkaroon ng kontrol sa emosyon upang hindi maapektuhan ang pagdedesisyon.

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag mainip sa magandang resulta ng mga pagtitiyaga at pagsisikap sa hanapbuhay sa mabuting kaparaanan. Dagdagan ang maningas na panalangin upang matupad ang pangarap sa buhay.

 

 

 




 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Mabilis at tuloy-tuloy ang daloy ng salapi sa kabuhayan ng pamilya pero wala pa ring kontrol ang sarili sa paggasta. Hahangaan ng mga kakilala at kaibigan dahil sa malinis at matuwid na pamumuhay.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Makaaakit ng suwerte sa buhay ang positibong enerhiya na idinudulot ng maayos at malinis na tahanan. Maaaring matagpuan sa dadaluhan na isang pagtitipong sosyalan ang magiging compatible partner.

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —  Sa impluwensya ng galaw ng mga bituin ay madali ngayong makakukuha ng proyektong pangkabuhayan. Panahon na upang gawing organisado ang mga gawain sa paghahanapbuhay.

 


  •  
  •  
  •  

Loading...