HOROSCOPE NOVEMBER 19, 2022

HOROSCOPE NOVEMBER 19, 2022

November 19, 2022 @ 7:00 AM 2 weeks ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) β€” Ang pagiging magiliw at masayahin ang magiging daan para sa isang bagong negosyo o trabaho. Hindi naman makaiiwas na makadama ng selos sa iyong kasuyo dahil sa kanyang ipinakikita. Masasadya mo ngayon ang ilang importanteng bagay sa loob ng bahay. Matatanggap mo rin sa susunod na linggo ang maagang bonus sa empleyadong gaya mo.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Hindi makabubuti sa iba ang iyong pagtitimpi at pagsiklab ng galit. Kaya, maiging ikaw ang magpigil kaysa makasakit ka ng damdamin ng iba kapag nagbitaw ka ng salita. β€˜Di baleng sila ang magsalita sa iyo huwag lang ikaw. Kung inaakala ng iba na down na down ka na, gugulatin sila ng langit. Kahit may pera ka, ipakita mong wala kang pera, pero nangungusap naman ang tunay na kalagayan mo sa iyong ikinikilos.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Maging totoo ka sa sarili mo. Magiging masaya ka sa iyong kaarawan kung pakakawalan mo ang matagal mo nang itinatago. Hayaan na lamang na ikaw ay maging tulay para malutas ang isang problemang matagal nang di nalulutas. Marami ring mga sorpresang darating sa iyong buhay kaya matuto ring magbigay.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Mas mainam na ikaw na ang kumilos kaysa sa asahan ang iyong mga kasamahan sa trabaho sa isang mahalagang proyekto. Kailangan mo rin ang masusing pagsusuri at ng ibang kasamahan mo sa ilang kasamahang nagmamanipulang hindi magtagumpay ang proyekto. Kailangang may sapat na ebidensya bago magbintang at tablahin sila rito. Kailangang alisin ang mga bulok na kamatis sa hindi nabubulok upang magtagumpay ang mga plano.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” May darating na sorpresa sa iyo sa linggong ito. Magiging masaya ka rin sa piling ng iyong kapareha dahil isang magandang balita ang sasabihin niya sa iyo. Kung di ka naman sigurado sa isang sinabakang transaksyon, makabubuting huwag na itong ipursige. Kung sigurista ka, walang masama dahil nag-iingat ka lamang na huwag nang maulit ang hidi magandang nangyari sa nakaraan.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Kakapusin ka ngayon, kaya aligaga ka kung papaano mo mapagkakasya ang perang hawak sa ilang gastusin. Huwag kang mahihiyang lumapit sa isang matalik na kaibigan. Dahil hindi siya mag-aatubiling magbigay sa iyo dahil binibigyan mo rin siya noong walang-wala ito. Sandali lamang ang kakapusang ito at papalit ang masaganang biyaya sa susunod na mga araw.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Malakas ang karisma mo ngayon at sa mga susunod na araw. Ito ang magiging dahilan kung bakit patuloy ay marami ang humahanga’t nahuhumaling sa iyo kahit may-asawa o kasintahan ka na. Huwag patatangay sa bugso ng damdamin at huwag pumayag na mabuwal ang iyong katatagan sa kaway ng tukso. Maging tapat sa kasuyo. Ang perang pinaghirapan ay igastos sa tama huwag sa magugulong barkada. Ibili ng masarap na pagkain para sa pamilya at hindi sa mga taong wala ka man lang pakinabang sa kanila.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” May hindi inaasahang bisitang darating sa araw na ito. Kahit nabigla ka, maging maingat sa bibitiwan mong mga kataga. Sa gayun ay hindi ka mapulaan. Makabubuti rin ang pagbakasyon sa weekend upang maging kamlado at masaya ang iyong pakiramdam. Sa gayun ay makabubuti ito sa iyong kalusugan.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Madaling maramdaman kung mahal ka pa ng iyong kasuyo. Kung hindi man kayo magkahiwalay ang pormal, ang pagtatago niya at pagpapakita ng panlalamig ay isang senyales na ayaw na niya sa iyo. Agapan mo na agad ito lalo na kung ikaw ang nagkukulang. Bumawi ka sa kanya, ipasyal siya ngayong araw para sumaya. Madali namang manumbalik ang nararamdaman niya sa iyo.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Madali mong magagawa ang mga bagay na iyong gugustuhin dahil maamo sa iyo nga-yon ang suwerte. Makukumpleto mo ang isang papeles sa tulong ng isang mataas na katungkulan sa opisinang gumagawa niyaon. Huwag mo ring palalampasin ang isang mahalagang appointment dahil magpapapasok ito ng isang magandang oportunidad.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β  β€” Huwag mong kalimutan ang iyong obligasyong pinansiyal sa iyong pamilya. Magiging masaya ang linggong ito sa piling ng iyong pamilya. Makikita mo ang isang bagay na matagal mo nang hinahanap. Ihiwalay ang problema sa trabaho sa ilang suliranin sa ilang kaanak nang hindi pa lumala pa. May lakad aasikasuhin sa linggong ito.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β  β€” Kailangan mo ang tulong ng iba para matupad ang isang pangarap. Huwag pairalin ang taas ng pride upang makamit ang gusto. May lakad ka ring malayuan kaya mapipilitang ilabas ang naipong salapi. Hindi rin tamang panahon ngayon ng pagloloterya o pagpapakawala ng pera ng hindi pinag-aralan. Iwasan ang kaibigang nagsasamantala sa iyong kabaitan.