HOROSCOPE NOVEMBER 21, 2020

HOROSCOPE NOVEMBER 21, 2020

November 21, 2020 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Walang masamang resolbahing mag-isa ang problema ng pamilya kung talagang makakayang gawin. Hindi dapat patulan ang sumpong ng minamahal para hindi mauwi sa matinding tampuhan.

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) –  Makapagpupundar ng magandang koneksyon kung ipagpapatuloy ang pakikihalubilo sa kinabibilangang sirkulo. Maging maingat sa pagpili ng kakaibiganin at pagtitiwalaan nang lubusan.



 

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kung walang magiging pagbabago sa pagdiskarte, malamang makarating sa dulo ng tagumpay. Pag-aralang mabuti ang matatanggap na payo at suhestyon sa araw na ito bago sundin.

 

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Ipagpatuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga sa paghahanapbuhay upang magkaroon ng pagkakataong makaahon sa krisis-pinansyal. Kung hindi magiging mainipin ay makararating sa pag-asenso.

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Mapatutunayang totoo na sa panahon ng kalungkutan ay matatagpuan ang sarili na nag-iisa. Dapat munang unahin ang kapakanan ng pamilya kaysa magpakaligaya sa kinahuhumalingang kalayawan.

 

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Manatiling nagtitiwala sa sariling kakayahan upang magawang mapangibabawan ang problemang darating. Makakukuha ng magandang resulta kung magiging positibo ang lahat ng hakbang.

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Panatilihin ang kasiglahan at katapatan sa nililinyahang trabaho kung gustong may magandang mapala sa darating na bukas. Ngayon magiging mahalaga ang pagkakaroon ng ambisyon sa buhay.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Dagdagan ang pasensya at pang-unawa kung nais maging maayos ang relasyon sa mga kasamahan sa trabaho. Walang mapapala sa pagiging mapagmataas kung ‘di ang makainisan.

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Magiging malakas ang dating ng personalidad sa mga opposite sex kaya umiwas sa tukso. Laging isaalang-alang ang mga bagay na mahalaga upang hindi mawala.

 

 

 




 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Isang malaki at masayang pagtitipon ang dadaluhan sa araw na ito. Huwag hayaang magkaroon ng dahilan na magselos ang minamahal upang hindi magkalamat ang magandang samahan.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) May makakamit na tagumpay sa araw na ito kaya mapupuno ng saya ang buong maghapon. Ngayon na magagamit at pakikinabangan ang taglay na galing at talino sa trabaho.

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —  Isang magandang oportunidad ang makakamit sa paghahanapbuhay kung nasa matuwid at tamang landas. Hindi pabor ang galaw ng mga bituin sa binabalak na pagtatayo ng negosyo.

 


  •  
  •  
  •  

Loading...