HOROSCOPE NOVEMBER 21, 2022

HOROSCOPE NOVEMBER 21, 2022

November 21, 2022 @ 7:00 AM 1 week ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Mainam na magpasalamat agad sa isang taong nakagawa sa iyo ng kabutihan. Sa gayun ay hindi maputol ang kanyang gagawin pang kawanggawa sa mga susunod na pagkakataon. Ganito rin ang iyong gagawin sa kanya. Ang pakikinig at pagsunod sa isang maganda at mabuting payo ay magiging susi sa pagtatagumpay ng iyong gagawin. Sasama ang iyong pakiramdam dahil masama rin ang pakiramdam ng iyong alagang aso o pusa. Aliwin at gamutin mo ito upang mawala ang iyong pag-aalala sa kanya.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Ang positibong suhestiyon at payo ay makapagbibigay sa iyo ng positibong pananaw sa buhay. Kaya, ang sa tingin mo na isang bagay o gawaing mahirap ay para bagang napakadali lamang dahil sa kaisipang iyon. Ang isang proyekto o plano patungkol sa musika, sining, palakasan o gawaing pangsibiko ay maisasakatuparan kung ikaw ay makikipagkaisa. May paparating na pera sa iyo na hindi mo inaasahan.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Malaki ang tsansang makapapasok ka sa iyong inaplayang part time job ngayong holiday season. Higit mong kailangan ngayon ang magpakasipag at magpakatiyaga. Magtatagumpay ka dahil mabuti ang iyong hangarin at layunin para sa iyong sarili at sa iyong pamilya. Huwag kang masilaw at magpatangay ng madali sa pangako ng iyong manliligaw ngayon. Huwag mo ring tingnan ang panlabas niyang katangian. Ito ay pagsubok lamang sa iyo ngunit hindi siya ang para sa iyong tunay na pagmamahal.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Malalampasan mo ang ilang alalahanin at suliranin ngayong araw dahil sa tamang pagpapasya at pagpapakahinahon. Ang problema ay malalampasan kung ikaw ay maghahanap, kakatok at hihingi sa tamang taong lalapitan. Kapos ka ngayon pero may paparating na grasya sa susunod na araw. I-enjoy mo ang mga araw na wala kang pinagkakaabalahan sa pamamasyal sa mga kaibigan at kaanak. Natural lang na may usapan at tsismisan kapag ganun, subalit ang mga pinag-usapan ay huwag nyong iparinig o sabihin sa iba.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Maging masipag at may padating na biyaya para sa iyo sa linggong ito. May isang mahalagang bagay kang matutuklasan tungkol sa iyong kaibigan. Ngunit, huwag mo itong ipagkalat at sabihin sa iba. Makabubuting itago mo na lang at wala namang mawawala sa iyo. Magtatagumpay ang isang ikinakasang transaksiyon kung iiwasan ang sobrang pagiging segurista.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kung gusto mong makuha ang gusto mo o makapanood ng concert ng paborito mong K-Pop artist, mag-ipon ka na ngayon para run. Malaking kasayahan ang idudulot nito sa iyong kalooban. Gayunman, huwag mo itong ipangutang. Bagkus, ito ay iyong pagsikapang pag-ipunan at rumaket ka ng dalawa hanggang tatlo. Huwag mong gagalawin ang savings mo kaugnay dito dahil para iyon sa iba mong gastusin.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Huwag mong sasabihin sa iyong sarili na ikaw ay napag-iiwanan na. Akala mo lang yun pero ang totoo, hindi naman. Bahagi ng buhay ang ups and downs at hindi mo dapat ikahiya ang kalagayan mo ngayon kung wala ka namang ginagawang masama o tinatapakang tao. Sa susunod na linggo, makakaahon ka na. May pera ka na, may bago ka pang makikilala na magiging lover mo.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Mahalaga ang iyong tamang desisyon ngayon tungo sa ikapagtatagumpay ng isang proyekto o programa. Mahalaga rin ang pagbibigay ng konsiderasyon sa opinyon ng iba para sa ikagaganda pa ng resulta nito. May dadaluhan kang pagpupulong na magbibigay sa iyo ng bagong kaalaman at oportunidad upang simulant ang isang small enterprise.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Madaling gastusin ang pera ngunit mahirap kitain. Kaya, hinay-hinay lang sa paggastos at sikaping magtipid. Hindi layunin ng isang tao na saktan ang iyong ego, pero gayun ang mangyayari. Makabubuting pagpaumanhinan mo na lamang siya kaysa sa magsulian kayo ng kandila. Matutuwa ka ngayon sa sasabihin ng iyong minamahal tungkol sa inyong pagsasama.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Ipinapagunita ng isang awit ang mga alaalang nakalipas na nagdudulot naman sa iyo ng kalungkutan. Kaya, iwasan munang makinig ng mga kantang may sundot at hugot na may kinalaman sa iyong nakaraang lovelife. Lalo ka lang kasing masasaktan. May kakatok na bagong pag-ibig ngunit hayaan mo lang muna ito at huwag agad susunggaban.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Ang isang matagumpay na gawain o proyekto ay hindi nadaraan sa pabilisan. Kundi, sa maayos at sistematikong pagpapaplano at pagsasagawa nito. Suriin at pag-aralan mo munang mabuti ang isang proposal bago ito aprubahan. Sasaya ka rin ngayong araw dahil sa anyaya ng isang kaibigan na makipagkwentuhan kasabay ng masarap na tagay at kaunting pulutan. Pagkakaperahan ang inyong pag-uusapan.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Hindi makabubuti ang minsang pagkukunwari kung ito ay may halong panlilinlang. Makabubuting ipakita mo o kung ano ka sa iyong sinusuyo. Kung low class ka lang, huwag kang mahiya kaysa sa magpanggap ka na big time. Baka ikaw rin sa huli ang mapahiya. Kung magiging totoo ka, baka sakaling matanggap ka pa niya. Ayusin ang dapat ayusin sa bahay kung may paparating kang panauhin sa linggong ito.