HOROSCOPE NOVEMBER 22, 2022

HOROSCOPE NOVEMBER 22, 2022

November 22, 2022 @ 7:40 AM 1 week ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Iinit ang ulo mo nga-yong araw dahil lamang sa isang taong pilosopo at mataray. Sukat ba namang kay haba ng hinintay mo sa pila, tapos nung ikaw na ay sasabihing cut-off o break muna. Gayunman, may hatid na spark ito sa bawat isa at ang karugtong nito ay isang makulay na lovelife. Umutang ka rin ngayong araw sa isang kaibigang nag-uulyanin na dahil susuwertihin ka. Kapag nasa iyo na kasi ang pera, uutangin din niya ito kaya siya na ang may utang sa iyo.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Isang bagong kaibigan ang magdudulot sa iyo ng suwerte kahit ito ay loloko-loko. Kasi, mula pala ito sa Buena pamilya. Kaya, labas-masok ka sa bahay nila dahil mapagkakatiwalaan ka kahit malikot ang iyong mata, pero hindi naman malikot ang iyong kamay. Ikaw ang pahahawakin niya ng pera mula sa mga koleksyon. Gayunman, huwag mo itong pangahasang tingnan o bilangin sa bag.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Pabilisin mo ang iyong paggawa kahit na umabot sa itinakdang tuka o iskedyul para tapusin. Nagpapakita ito na hindi pera ang iyong habol, kundi pagtatanim ng kumpiyansa at tiwala. Tapusin ito ng maayos, tama at pulido.Sa gayun ay irerekomenda ka nila sa iba pang kakilala’t kaibigan. Kaya, hindi mapapatid ang iyong raket na magdudulot naman ng sunod-sunod na pagdaloy ng biyaya’t pagpapala.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Isang mabuti’t maimpluwensiyang tao ang iyong mababangga sa isang mataong lugar. Humingi ng paumanhin at purihin siya na may paggalang. Dito na magsisimula ang iyong katakot-takot na kapalaran dahil magugustuhan niya ang iyong ugali. Malalaman niya ang iyong kakayahan at ang taong tulad mo ang kanyang kailangan sa kanyang ikinakasang proyekto. Magiging masaya ang iyong kaarawan dahil sahindi inaasahang handa at mga bisita.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Lahat ng bagay ay may katapusan. Kaya, may katapusan din ang iyong kalungkutan. Papalit ang naiibang kasiyahan dahil sa mga taong sumusuporta sa iyo. Tutulungan ka nilang makabangon sa iyong pagkakadapa at susuportahan sa iyong mga adhikain. May darating na hindi inaasahang bisita na magbibigay sa iyo ng oportunidad upang magkaroon ng tungkulin sa isang kooperatiba.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Magkakaroon ka ng isang bagong pag-ibig na wala sa panahon. Gayunman, uubra ito dahil matinong tao ang magmamahal at mamahalin mo. Kapag may isang taong maingay magsalita, huwag mo nang intindihin. Tutal, masarap naman ito pakinggan. Tuparin mo ang iyong pangako sa isang taong labis na umaasa sa iyo. Ang pamamasyal sa linggong ito upang mamili sa mga tiangge ay mainam kung may dala kang pamadyak. Bigyan ng reward ang iyong sarili.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Kung may naiisip kang bagong ideya para dagdag pagkakitaan, gawin mo na agad. Pwede kang mag-online selling dahil may hitsura ka naman. Kaysa naman nakatambak ang mga bagay sa bahay nyo na hindi naman na kailangan. Kung may isang taong kinaiinisan mo ang nagbigay sa iyo ng bagay o pera, huwag mong tatanggapin kung masama ang iyong kutob. Baka galing iyon sa nakaw o masamang gawa. Maliban na lang kung ikaw ang nanghihingi o umuutang tapos gagawin niya iyon.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Mainam na magrelaks ka muna sa linggong ito. Huwag mong pagurin ang iyong katawan sa sobrang paggawa. Kung masama ang pakiramdam, huwag munang mag-set ng appointments.Sa ibang araw mo na lang ito itakda. Ang perang kinita sa isang transaksiyon ay huwag mong gagastusin ng pabigla-bigla. Sa gayun ay may magagastos ka sa mga susunod na mga araw.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kahit kasintahan mo na siya, huwag mo siyang nanakawan ng halik. Mabuting magpaalam ka sa kanya bago gawin iyon upang hindi lumabas na parang kang manyakis. Mahalin mo siya kahit mahal na mahal mo na at mahal na mahal ka. Patunayan mo iyon kaysa sa material na bagay na maaari mo ring mapakinabangan sa kanya. Sa kalusugan, iwasan ang masyadong maalat na pagkain at matulog ng sapat sa oras.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Habang mainit pa ang kanin ay huwag mo munang kakamayin. Samakatuwid, huwag ka munang basta makipag-usap sa isang taong nagtampo sa iyo ng hindi pa gumaganda ang kanyang mood. Sa gayun ay hindi ka niya singhalan kapag lumapit ka sa kanya. Ang pinasukang proyekto ay magdudulot sa iyo ng problema. Pero, ito ‘y magandang problema dahil popogi ka na sa mata ng mga dilag, este dilag. Hahabulin ka nila dahil sa laki ng iyong kikitain.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Magiging maganda ang daloy ng pangyayari sa iyo sa mga susunod na araw. Labis itong makapagbibigay sa iyo ng tuwa at saya. Bukod sa may paparating na biyaya, papaya din ang isang kakilalang ituloy ang plano nyong magtayo ng negosyo at ito ang mamumuhunan. Tapos, ikaw ang mamamahala. Huwag mong pansinin ang mga taong lanbis na nagpapansin sa iyo. Kasi, kapag pinansin mo na sila, tiyak na laging butas ang bulsa mo.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Kung masama ang panahon at may bagyo, huwag mo munang ituloy ang biyahe mo sa malayo. Baka mabulilyaso lang ito. Mahirap maubusan ng krudo’t masiraan ng gulong sa gitna ng kawalan at walang istasyon ng gasolinahan. Tapos zero visibility pa ang wisyo ng kapaligiran. Kung trip mo namang ituloy, ayos lang. Basta, magbaon ka ng masaganang panalangin na ikaw at ang mga kasamahan mo ay ingatan. Kung ikaw ay magtagumpay, tiyak na malaking biyaya ang darating.