HOROSCOPE NOVEMBER 23, 2021

HOROSCOPE NOVEMBER 23, 2021

November 23, 2021 @ 7:00 AM 5 days ago


SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Pumapabor ang mga sitwasyon para ituloy ang balak na paglalakbay. Magiging kapaki-pakinabang ang buong maghapon at sa gabi naman ay isang pagkakataon na makapag-relax.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Sa araw na ito makatatagpo ng taong makapagbibigay ng linaw sa inaambisyong trabaho o negosyo. Pahalagahan ang payo ng nagmamalasakit na kaibigan.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Isang magandang karanasan ang makukuha sa pakikipagsosyalan. Posibleng maganap sa araw na ito ang isang pangyayari na magbibigay ng saya at sigla sa damdamin.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Higit na magiging epektibo ang inaambisyong pagbabago sa buhay, career o negosyo kung magsisimula ang lahat sa mismong sarili. Hindi napapanahon ang pagharap sa usapin ng puso.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Ang usaping pangkabuhayan at kalusugan ay mahalagang mabigyan ng pansin. Ang pag-aalala ng minamahal at kapamilya ay mas mahalaga kaisa sa kinikitang pera.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Huwag hayaan ang sobrang kaligayahan na maging dahilan para makaligtaan ang isang mahalagang usapan. Ang angking katalinuhan ang magiging daan para makasungkit ng proyekto.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —  Mamalaging nakabatay sa reyalidad ng buhay ang pagpapasya. Kung may pamilya na, huwag bigyan ng anomang kahulugan ang pagiging malapit ng isang kasamahan sa trabaho.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Ibatay ang mga isasagawang hakbangin sa mga naging karanasan upang maiwasto ang nagawang mga pagkakamali. Makatutulong sa mga pagpapasya ang minamahal.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Kung may mga pagkukulang sa minamahal o miyembro ng pamilya, ngayon ang tamang panahon para makabawi sa kanila. Maging maingat sa pagbibitiw ng anomang pangako.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Maging mahinahon sa pagpapahayag ng katwiran upang makaiwas sa anomang gulo o pakikipag-alitan. Patatagin muna ang kabuhayan bago maging maluho sa pamumuhay.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Kung nasa panig ng matuwid, pangatawanan ang binitiwang desisyon at huwag mag-urong-sulong. Makaaasa ng matatag na suporta sa mga kasamahan sa hanapbuhay.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Iwasan ang pagpapautang kung sapat lang sa pangangailangan ang hawak na pera. Kung may pamilya, matutugunan ang mga obligasyon sa tahanan. Maging matalino sa paggastos kahit pa sa ikasisiya ng minamahal.