HOROSCOPE NOVEMBER 25, 2021

HOROSCOPE NOVEMBER 25, 2021

November 25, 2021 @ 7:00 AM 3 days ago


SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Kung magsasalita sa minamahal iwasan ang pagkukubli ng nararamdaman. Ang pagiging totoong tao ang magbubukas ng pinto para sa isang masayang pagsasama.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Makatatagpo ng mga maimpluwensyang tao subalit hindi dapat gamitin sa kalokohan. Ang pakikipagkaibigan ay huwag haluan ng masamang hangarin.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Huwag maniniwala agad sa anomang sumbong na matatanggap dahil may halo itong kasinungalingan. Mabuting imbestigahan mabuti bago gumawa ng hakbang.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Iwasan ang labis na pagkain upang maingatan ang kalusugan. Makatutulong sa pagpapasya kung maglilibang sa malalamig na lugar para maginhawaan ang isipan.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Anomang aktibidad na may kinalaman sa paglalakbay sa malalayong lugar ay iwasan muna lalo na’t hindi naman mahalaga. Malapit sa tukso at disgrasya ang iyong kapalaran ngayon.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Umiisip ng paraan kung paano maitataguyod ang negosyong seasonal. Dapat maging mapagmasid upang makakuha ng bagong pagkakakitaan na nasa paligid lang.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —  Panatilihin ang magandang samahan kahit sa gitna ng suliraning pampamilya. Nasa bawat miyembro ng pamilya ang lakas upang makapagbigay inspirasyon sa isa’t isa.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Kung pera ang pagtatalunan sa tahahan ay makabubuting magpatalo na lang nang hindi na lumala ang gulo. Ang mapagbigay ay mas mabibiyaan sa ibang paraan.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kumilos hindi ayon sa sulsol ng kapwa kundi sa itinatakbo ng konsensya. Ang pasyang walang kalakip na pagmamahal sa kapwa ay kalimitang pagsisisi sa huli.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Wala sa sugal ang swerte ngayong araw kundi nasa pag-ibig. Ang pagbabagong buhay o paglayo sa kasalanan na nakasanayan ay mahirap lalo na’t kung hindi mo pagtitiyagaan.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) May makikitang pakinabang sa isang transaksyon ngunit marami ang mapeperwisyo. Mas mabuti ang kayamanang walang halong alalahanin sa buhay o walang inaapakang tao.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Magsikhay ng karunungan ngunit hindi dapat maapektuhan ang tiwala sa Maylikha. Ang bagong kaalaman ay higit na mapakikinabangan kung gagamitin sa mabuti.