HOROSCOPE NOVEMBER 26, 2021

HOROSCOPE NOVEMBER 26, 2021

November 26, 2021 @ 7:00 AM 2 months ago


SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Maliit man sa tingin, kung pinagsama-sama ay malaki na rin. Ganyan ang iyong kaisipan. Kaya, nasa tadhana mo na sa batang edad ay magtatagumpay ka, lalo na sa larangan ng pinansyal at pulitika.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Aminin mo man o hindi, may pilat pa rin sa iyong puso ang nakalipas. Ang nakaraan mo sa taong minahal mo. Pero, naghiwalay kayo dahil sa hindi inaasahang pagkakataon. Mahal mo talaga siya, ‘di ka na nagmahal ng iba. Pero, ang magandang balita, magiging kayo uli.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hindi kalugihan ang pagpapakumbaba. Panahon na para mag-adjust ka sa iyong pag-uugali. Ibayong suwerte at tagumpay pa ang makakamit mo kapag pinairal mo ito.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Matuto kang mamigay kung ikaw ay maramot. Sa badang huli, ikaw naman ang pagbibigyan. Kaya, kung may natitira ka pang pera, ibigay sa iyong nagugutom na kaibigan.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Mas mainam na maging tahimik ka na lang. Kaysa sa gumaya sa iba na nakikisabad sa usapan, pero mangmang naman. Napapahiya lang sila dahil lalabas na sila’y timawa.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung mahal mo ang iyong kasuyo, ‘di mo dapat siya pinagdadamutan sa pera. Ni pagdudahan na ikaw ay ginagatasan lang niya. Hindi ka niya niloloko. Nagkataon lang na wala siya. Ikaw ang sagot sa panalangin niya.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Huwag masyadong magpaka-self-pity. Hindi makabubuti ang sobrang pag-iisip sa problema. Maging positibo kahit na nahihirapan. Laging isaisip na ang lahat ng masamang panahon o pagsubok ay lilipas din. Mapapansin mo na lang isang araw, pawang ngiti na ang dulot sa iyo nito.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Darating ang isang balita buhat sa malayo. Ikaw ay magkakaroon ng trabaho roon. Patusin ito dahil ito ang pagkakataon upang maiangat mo ang iyong pamilya sa hirap. Lalo na’t unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Huwag mong titigan ang panlabas na anyo ng isang tao. Titigan mo ang kanyang bulsa, este, kalooban pala. Kumukupas ang gandang panlabas. Ibigin mo ang katangiang panloob. Dahil kapag ito ang nagustuhan mo sa isang tao, hindi ka magsasawa rito.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Masakit sa loob ng ibang tao ang pagkabigo. Pero, ikaw, tanggap mo ito. Ikaw ay may matatag na katauhan ukol dito. Ginagawa mong inspi-rasyon pang lalo ang mga ito, na magiging dahilan ng ibayong tagumpay.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Huwag mong isipin ang isang masamang panaginip tungkol sa nasuungang baha. Lahat ng iyong karanasan doon ay kabaliktaran sa totoong buhay. Kalabisan na kung mangyayari pa ito sa iyong buhay.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Bahagi ng buhay ang kasiyahan at kalungkutan. Nasa panahon ka nga-yon na patapos na ang nararamdamang lungkot. Sasaya ka na. Babalik na sa piling mo ang iyong kasuyong lumisan, kasama ang inyong mga anak.