HOROSCOPE NOVEMBER 29, 2021

HOROSCOPE NOVEMBER 29, 2021

November 29, 2021 @ 7:00 AM 2 months ago


SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Isang magandang balita ang matatanggap mo sa iyong kaarawan. Ito rin ang panahon na magkakaisang muli ang magkakaanak. Kalimutan na ang kompetisyon at inggitan.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kagaya ng araw, ito ay sisikat at lulubog, gayundin sa susunod na mga araw. Nasanay ka na sa mga hamon ng buhay. Unfair kung puro na lang ganu’n. Ikaw naman ang bibida ngayon sa buhay.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Iwasang makipagtalo sa isang taong mangmang. Hayaan mo silang magmarunong dahil sa huli ay magmumukha silang kahiya-hiya. Sa bandang huli, ikaw pa rin ang iaangat sa inyong trabaho at mas mataas na posisyon.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Mahirap makisalamuha sa mga taong sarado ang isip at ‘di ka pinahahalagahan. Kung alam mong naa-out of place ka, bumalikwas ka na. Kasi, mapipighati ka lang. Dumikit ka sa mga taong tunay na nagpapahalaga sa iyo. Dahil d’yan ka mas magiging inspirado at produktibo.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Pagtuunan ng pansin ang mga bagay na sa hinuha mo ay walang pakinabang o halaga. Baka r’yan ka pa suwertihin. Baka ang inaakala mong basura ay ginto pala.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Sadyang may kaakibat na saya at lungkot ang mga bakas ng larawan ng lumipas. Mahalagang matimbang mo ang iyong karakter kung gaano ka kalakas sa paglaban sa lungkot. Kapag nasanay ka na, mahihirapan kang ilugmok. Pero ang mga susunod na araw ay magiging maligaya.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kung alam kong nahihirapan ka, pero ‘di mo siya mabitiwan, then let her go. Lalo ka lang kasing masusugatan kapag hawak-hawak mo ang isang kutsilyo. Kapag ginawa mo ito, baka matauhan ang iyong kasuyo. mare-realized n’yang hindi lang pala siya ang dapat mahalin.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Nasa sa iyo naman ang ikaliligaya mo sa buhay. Basta wala kang tinatapakang tao. Maging positibo at laging magtiwala sa nasa Itaas. Mas lalo kang liligaya kung matututo kang magpatawad.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Huwag mong ilagay sa iyong kamay ang paghihiganti. Alam ng nasa Itaas ang iyong nararanasang hirap at pagdurusa. Siya na ang bahala roon. Ang mabuti mong gawin ay manahimik muna at ipakitang ‘di ka apektado sa patutsada ng ibang tao. Sa kabaliktaran, sila pa ang mas mabibigatan kaysa sa iyo.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Hindi ka dayuhan sa sariling bayan. Pero, huwag mong isiping ikaw ay itsapuwera na dahil sa kinalakihan mong kultura. Maging mapagpakumbaba at lingunin ang iyong pinanggalingan, para mas lalo kang hangaan ng iyong mga tagahanga.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Pilit mong tumatakas sa mga gusot at suliranin sa buhay. Na sa tingin mo ay mahihirapan kang takasan. Hindi na iyan basta pagsubok lang, ‘yan ay manipulasyon na ng ibang tao para ilugmok ka. Ang nasa Itaas na ang bahala sa iyong magtanggol. Dahil hirap na hirap ka na.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Isipin munang mabuti ang sasabihin bago bitawan ang mga salita. Dahil maaaring lumikha ng giyera kahit ang dila. Mainam na itikom ang bibig kapag may mga nagsasalita nagdudunong-dunungan.