HOROSCOPE NOVEMBER 29, 2022

HOROSCOPE NOVEMBER 29, 2022

November 29, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Huwag magdali sa mga hinahangad, ngunit kung may magandang pagkakataon ay kumilos kaagad at huwag nang pakawalan pa. Sa gayun ay umayos at umunlad ang iyong pamumuhay. Pag-aralang mabuti ang tinatahak na landas nang hindi maligaw at maging tama ang iyong pagpapasya at mga taong pinakikisamahan. Huwag mo munang ipagsabi sa iyong kaanak ang paparating na pera. Baka kasi ipangalandakan nila ito sa taong kanilang pinagkakautangan.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Maganda ang panahon ngayon para magdate kayo ng iyong kasintahan. Alam mo kung bakit, siya kasi ang manlilibre sa iyo basta yayain mo lang siya. Huwag ka ring mabahala sa mga mangyayari dahil kakampi mo ang panahon at ang langit. May kaunting sasagupaing suliranin, subalit huwag kang mabahala dahil dadaan lang ito na parang tinaboy na langaw. Pera na ang kusang lalapit sa iyo.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Kung mayroon kang isang taong napupusuan, makabubuting mag-imbestiga at alamin mo muna ang mga bagay tungkol sa kanya bago magpahayag ng damdamin. Hindi naman masama ang maging praktikal, ngunit huwag namang maghangad ng labis. Sapagkat batid ito ng taong napupusuan mo at ibibigay niya naman ang para sa iyo. Magiging mapalad ka rin ngayon dahil sa matatanggap mo ang perang para sa iyo.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Lahat ng bagay na pinasimulan ay tatakbong maginhawa dahil sa kakaibang taglay na kasiglahan. Kaya, magagawa mo ang bagay na mahirap para sa iba. May kasamahang maghahangad sa iyong puwesto sa opisina. Kaya dapat kang maging alerto at pag-ibayuhin ang pagganap ng iyong tungkulin.Sa palaro na lang siya ng kompanya mag-agaw ng puwesto. Ibigay mo ang posisyon mo sa kanya na sentro kahit uno ang laro nito.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Maraming dapat gawin at tapusing gawain sa araw na ito at sa mga araw pang darating. Subalit, ang pagkalito ng isipan ang magiging dahilan ng kaabalahan. Kaya, maging focus at tutukan muna ang isang gawain bago gawin ang isa. Sapagkat, sa ganito ay mas mabilis makamit ang tagumpay kung makukuha ang suporta ng minamahal. Kagaya ng iba, tiba-tiba ka rin sa matatanggap na bonus kaya mag-istak na ng foods.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Maging maingat sa pagpapahayag mo ng iyong damdamin. Sapagkat, maaaring humantong ito sa hindi pagkakaunawaan at dahilan ng sama ng loob. Kaya, maiging umahin mo muna siyang magsalita bago ikaw. Para walang problema. Ang binabalak na negosyo ay sa susunod na taon muna isakatuparan. Sa unang buwan mo ito ilatag. Ilaan ko muna ang panahon mong makapagrelaks kasama ang mga mahal sa buhay ngayong holiday season.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — May sasalungat o tu-tutol sa iyong ikinakasang balak. Ngunit, ang iyong husay at galing pa rin ang mangingibabaw. Magiging maganda ang takbo ng pananalapi o negosyo kung patuloy na susuriin at pag-aaralang mabuti ang mga detalye ng transaksiyon bago magpakawala o mag-invest ng pera. Ang pagtutok sa isang bagong pag-ibig ay magdudulot ng kasiyahan mo sa bawat araw.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Kung anuman ang iyong suliranin ay tiyak na madali naman itong malulutas kahit gaano pa pa kabala sa iyong tinututukang gawain. Ang pagbabaka-sakali ay dapat iwasan dahil tiyak na negatibo ang resulta nito. Maganda na yung alam na alam mo ang isang bagay o gawain na sasabakan. Sa gayun ay wala kang kaabog-abog at kumpiyansa kang magtatagumpay ito.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Magiging malakas ang iyong aura at ESP ngayong araw. Ito ay magagamit sa paglutas sa iyong problema. Magiging pabor ang gawaing mental kaysa pisikal at walang magiging sagabal sa mga gawain. Mas unahin muna ang mga gawaing pagkakakitaan kaysa sa gawaing magbibigay lamang ng lugod sa sarili gaya ng pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan habang nasa harap ng masarap na tagayan at inuman.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — May magandang balitang matatanggap sa isang tawag sa cellphone. Magbibigay ito sa iyo ng labis na ligaya. Ang nasimulang proyekto na pinagbubuhusan ng pagod ay hindi muna gagana. Pero sa katagalan ay uubra na. Kaya, huwag kang panghihinaan ng loob. May kasiyahan ding maibibigay sa mga magulang, kaibigan o kaanak na matagal na nilang inaasahan o hinihintay.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Huwag basta-basta magtitiwala at ibigay ang responsibilidad sa ibang tao. Sa gayun ay maisagawa mismo nila ang pagpapabida nila sa ibang tao. Hindi yung ikaw ang kikilos at pagkatapos ay sila ang magbibida. Magiging batayan sa ikaliligaya ng minamahal ang iyong pangako. Kaya’t huwag mangako kung di kayang tuparin ito. Magsabi ka na ng gayun kapag nariyan na ang iyong ibibigay kaysa sa pagpapagalan pa lang.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Makatutulong nang malaki ang payo ng mga nakatatanda upang maging matatag sa pagtanggap ng responsibilidad. Iwasang mapikon o magalit sa mga biro at kantiyaw dahil sisirain nito ang iyong araw. Para maiba naman, ikaw naman ang magbiro sa kanila para malaman nila ang bunga ng pagbibiro ng wala sa lugar. Kapag may pera ka na, iwasan mo ang mga taong nagbibigay sa iyo ng loob at ku-sa silang maaalis sa iyong sistema.