HOROSCOPE NOVEMBER 4, 2022

HOROSCOPE NOVEMBER 4, 2022

November 4, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Hindi na uso ang magpakamartir ngayon. Sinampal ka na ng harapan, kaliwa’t kanan, gusto mo pa ay ikaw ay tadyakan. Labis-labis na pang-iinsulto na iyon sa iyong pagkatao. Ang pinakamainam na paghihiganti ay ang pananahimik at pag-iwas at ang iyong pagtatagumpay. Kapag ikaw ay umaasenso na, sampal ito sa mga taong kinakaya-kaya ka. Huwag ka ring basta-basta magtitiwala sa mga taong labis kang pinupuri kahit wala naman sa iyo ang mga katangiang sinasabi nito.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Masama ka kung magalit, kaya hangga’t maaari ang pigilan mo ito. Kawawa ang taong mapagbubuntunan mo nito dahil sa iyong kakaibang katangian. Na mahirap sa iyo ang magpatawad at hindi nakakalimot sa mga kasamaang ginawa sa iyo ng kapwa. Baka abutin na ng katapusan ng mundo, hindi ka pa rin lalambot.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Pakinggan mo ang mabuting payo lalo na’t may pinaghahandaan kang transaksyon na malakihan ang pasok ng pera. Makatutulong ito upang makapagpasya ka ng maayos at magkakaroon ka ng gabay sa bawat hakbang kaugnay dito. Lakasan mo ang iyong loob na sumugal minsan sa isang bagay na gusto mong subukan, pero ika’y nag-aalangan.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Dahil sa iyong pagkilos, sumasama ang suwerte. Kumbaga sa isang basketball team, ikaw ang leading scorer. Anoman ang gawin mo at mapagpatungan ng iyong kamay ay nagtatagumpay. Hu-wag ka ring basta-basta mabalisa sa mga pangyayaring mababaw lang. Kalabisan kasi ito at baka magkasakit ka pa. Huwag mong problemahin ang isang bagay na wala namang dapat problemahin.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Magsalita ka ng ayon sa hinihihingi ng pagkakataon. Baka kapag magsalita ka ng wala sa lugar kasabay ng init ng ulo, para kang aso na umiinom ng lason. Maging mahinahon ka sa lahat ng pagkakataon lalo na’t halimbawa’y isa kang lider o pinuno sa isang grupo. Matuto ka ring makinig sa iba dahil hindi lang ikaw ang magaling. Sapagkat, kung magtagumpay ang inyong proyekto, ikaw rin naman ang unang-unang mapapansin.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Anomang hakbang basta positibo at tama ay ituloy mo at ito ay magiging produktibo at magtatagumpay. Umiiwas man sa iyo ang pera at lovelife, kusa na itong lalapit sa iyo dahil ito na ang panahon para sa iyo. Muli mong buksan ang iyong puso dahil panahon na upang tumibok ito at para lumigaya ka na rin. Kung ano man ang iniisip mong itinda ay itinda mo sa online selling.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Ang dati mong kaaway pero away itik lang ang peg nyo; ay magiging kaibigan mo nga-yon. Kasi, matutuklasan nyong pareho pala kayo ng hilig at tipo ng itatayong business. Mapagkakatiwalaan siya kaya go ka na dahil may tiwala rin siya sa iyo. Maliit na puhunan muna ang ilabas ninyo pero, malaki ang kita at tubo.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Pumanatag ka ngayon dahil ikaw naman ang bida sa iskrip ng langit. Kung dating kontrabida ka, bida ka naman ngayon kaya magiging maayos na ang iyong kapalaran sa mga susunod na araw. Gayunman, kapag napasaiyo na ang malaking perang biyaya, matuto kang kumilatis ng mga taong didikit sa iyo. Sapagkat, kapag ang isang tao ay paldo, maraming pupuri at susunod dito. Kapag wala, dedma ka na sa kanila. Kaya, mag-ingat.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Mailap ang suwerte sa iyo ngayon. Pero, agad ding itong dadapo dahil sa isang hindi inaa-sahang pangyayari. Kaya, huwag kang masyadong overacting, okay. Huwag kang umastang parang pinagsakluban ka na ng langit at lupa. Bakit, namamalimos ka na ba sa lagay mo ngayon? Ayusin mo rin ang mga bagay na dapat ayusin habang may libre kang oras. Sa gayun, ay magawa mo pa ang mga bagay na dapat mong gawin gaya ng paglilibang kasama ang mga kaibigan at kaanak.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Ihanda ang sarili para sa isang malaking proyektong susuungin sa susunod na mga araw. Kailangang nasa kondisyon ang iyong katawan at isipan upang maisagawa ito ng maayos at pulido. Huwag iwawaldas masyado ang perang kinita sa barkada, lalo na kung sila naman ang magbibida sa kwentuhan at kapalaluan. Piliin mo lang ang kaibigang papasukin at pakakainin mo sa loob ng iyong pamamahay.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Ipakita mo sa iba na kaya mong tumayo sa sariling paa. Silang hindi naniniwala na ka-ya mo ay mapapahiya kung kikilos ka na habang maaga upang ayusin ang buhay mo. Kung lalakipan ng sipag at tiyaga at panalangin sa Lumikha, magtatagumpay ka. Kung naiinis ka sa isang tao, huwag ka nang magsalita. Kundi, umiwas kang makita mo siya sa lahat ng pagkakataon at oras. Kung makita mo man, huwag mong papansinin. Dedma lang. Sa ganito ay makararamdaman ka ng kakaibigang sigla at kapayapaan sa iyong isipan.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Kung magpapalapad ka ng papel sa mga tao, siguraduhin mong gagawin mo ito at totoong meron ka nito gaya ng sinasabi mo. Dahil kung hindi, lalabas na nagyayabang ka lang. Hindi naman masama ang maghayag ng mabubuting gawa basta ugaliing manahimik lang. Nakikita man ng tao ang ginagawa mo, huwag kang magbubuka ng labi para ipagmalaki ang iyong gawa. Hayaan mo silang gumawa nun. Pag-aralan mo rin at basahing mabuti ang mga pinalalag-daan sa iyong mga papeles.