HOROSCOPE NOVEMBER 8, 2022

HOROSCOPE NOVEMBER 8, 2022

November 8, 2022 @ 7:00 AM 4 weeks ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — May pagkakataong ang katotohanan minsan ang siyang mabibigay ng sakit ng iyong kalooban. Kung nakatatangap ka ng kritisismo, ito ay sa ikabubuti mo rin kaysa sa hindi. Kasi, kung talagang asar o galit sa iyo ang isang tao, hindi nya pupunahin ang mali mong ginagawa. Bagkus ay tatahimik lang siya upang patuloy kang malubog sa pakakamali. Kung may trabaho kang hindi pa natapos sa loob ng bahay, tapusin mo na ito at baka may biglan magyaya sa iyo sa isan salo-salo.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Hindi ka man masyadong nagpapasikat o napapansin sa iba, ikaw talaga ang ma-papansin sa inyo. Ito ay dahil sa nahihiwagaan sila sa iyong pagkatao at misteryoso ang dating mo sa karamihan. Tahimik ka kasing tao pero rock kapag gumana ang pakahenyo at talentong ipinakaloob sa iyo ng Maykapal. Kaya, nagugulpi de gulat mo ang iba sa katangian mong ito. Ipagpatuloy mo pa ang paggawa makabuluhang content ng iyong vlog at malapit na itong mag-boom.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ang pagmamahalan ay manunumbalik sa inyong dalawa kung isa sa inyo ang gagawa ng hakbang upang siyang unang makipag-ayos. Huwag ninyong sayangin ang inyong magandang pinagsamahan dahil lamang sa isang hindi pagkakaunawaan. Hindi na kayo mga bata at dapat taglay na ninyo an maturity sa relasyon. Mahirap magmahal ng iba na sa katotohana’y ang isa’t isa pa rin ang nasa puso’t isipan ng bawat isa. Bigyan nyo ng bagong pagkakataon at change ang inyong pagmamahalan. Magiging masaya na kayo na sa pagkakataong ito.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — May namumuong bagong kasiyahan sa piling ng mga kakilala at kaibigan dahil sa isang aktibidad. Sa pakakataong ito, mapanunumbalik ang dating sigla ng katawan dahil sa pagkakasakit. Ang mga tao o bagay na matagal nang hinahanap ay mahahanap sa hindi inaasahang pagkakataon. Na magdudulot ng hindi inaasahang biyaya.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ang kape kapag malamig na, hindi na masarap inumin. Hindi ka mainit, hindi ka rin malamig ay isang nakababahalang pagkatao na baka iwasan ng iyong kapwa. Sa kaso mo, kung alam mong waa kang ginagawang masama o tinatapakang tao, wala kang dapat ipangamba. Hayaan mong mag-isip sa ugali mo ang iba sapagkat ang gayung tao ay insecure.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kung nasimulan mo na rin lang ang isang gawain o proyekto, ituloy mo na. Hu-wag mong isipin sumuko dahil sa pag-aakalang wala rin namang mangyayaring maganda. Kagaya iyan ng isang taong naghuhukay ng ginto, na kung kelan malapit na niyang mahukay ang baul ay saka siya tumigil. Ang pagtatagumpay ay darating sa sandaling hindi mo inaasahan.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Kung takot kang mawalay siya sa piling mo, huwag mo siyang pigilan sa kung ano ang gusto niyang gawin. ‘Yan ay kung ito ang makapagpapaligaya sa kanya. Baka kasi masakal siya sa pagmamahal mong iyan. Basta suportahan mo lang siya. Sa ganito ay baka mas matutuwa sa iyo at mamahalin ka niya ng husto at masosorpresa ka sa kanyang gagawin.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Hindi mawawala sa buhay mo ang mga intrigo’t intrigera gayung hindi ka naman artista. Masyado lang silang puzzled sa buhay at pagkatao mo kasi mailap ka sa kanila. Tama lang ang ginagawa mong ito dahil kung paaapekto ka, aba’y kawawa ka. Paghandaan ang mga ibibigay na task sa iyo sa susunod na linggo na magdudulot ng produktibong pagbabago at pagpasok ng mga biyaya.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Huwag mong seryosohin ang mga nari-nig niyang sinabi sa iyo. Ito ay isang pagkukunwari lamang. Sapagkat iba ang nilalaman ng kanyang dibdib kaysa sa ibinubuka ng kanyang bibig. Kaya, huwag kang mag-sasawang suyuin siya at pag-ukulan ng pansin, purihin at pahalagahan. Sapagkat, gustong-gusto niya ito. Nakabusangot man ang mukha niya kapag kaharap ka, pero kapag wala ka na, todo kilig ang loka.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Panahon na upang patawarin mo ang dating pinakamatalik na kaibigan na malaki ang pagkakasala sa iyo. Na dinorobo ka nun sa aspektong pinansiyal na naging dahilan kung bakit dumanas ka at ang iyong pamilya ng hirap sa nagdaang mga panahon. Wala nang dahilan upang manatili pa ang matinding poot mo sa kanya dahil nasa banig na siya ng malubhang karamdaman. Ang pagpapatawad mo na lang ang kulang upang maging panatag siya sa nalala-bing sandal ng kanyang buhay.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Hindi nadadaan sa biro ang lahat para matakasan mo ang isang gusot. Masmainam ang pagsasabi ng katotohanan at paghingi ng tawad at paumanhin. Sa gayun ay mas gagaan ang loob sa iyo ng taong nagawan mo ng kasalanan. Iwasan mong pumasok sa isang kompromiso kung sa tingin mong hindi ito uubra o hindi mo kayang gawin. Mas maigi na gawa muna bago salita upang magtiwala ang costumers mo sa iyo.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — May darating na biyaya sa iyo sa linggong ito. Kaya, hintayin munang mapasaiyo ang pera bago mo sabihin sa isang kaibigan na ililibre mo siya. Dahil kung hindi, siya ang manlilibre sa iyo at nakakahiya naman ito dahil siya lagi ang taya. Samakatuwid, kung meron ka namang madudukot, huwag mo nang hintayin na sabihan ka pang magbigay ng ambag. Bagkus, magbigay ka o magkusa na. Sa gayun ay hindi lalabas na kuripot o molestiyador ka ng iyong mga kasama sa trabaho.