HOROSCOPE OCTOBER 1, 2022

HOROSCOPE OCTOBER 1, 2022

October 1, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Mas madaling makita ang pera kaysa sa mabuti at tapat na kaibigan. Kaya, huwag mong abusuhin at molestiyahing masyado ang kaibigan mo. Alalahanin mong tao rin siya at may limitasyon ang pasensiya. Ibibigay niya ang gusto mo, huwag ka lang mapahiya. Ikaw naman ang bumawi sa kanya. Ilibre mo siya kahit na goto lang sa labas at sabihing ituloy niya ang binabalak na business, dahil alam mo kung sino ang kakausapin kung saan kukunin ang suplay at materyales.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Makakalimutan mo ang problema at sama ng loob mo dahil sa sakit lang ng ngipin. Agad ding itong mawawala basta iwasang kumain ng sobrang matamis. Matamis na nga, matigas at malutong pa. Gayundin ng sobrang mainit at maaalat. Sasaya ka dahil sa ang perang inaasahan mo ay ipadadala sa iyo. May bago ring proyekto na ibibigay sa iyo. Kaya, pag-igihan pa ang sipag at dedikasyon sa trabaho.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Hindi kalebel ng IQ mo ang kaisipan ng ibang tao. Kaya, maging maingat sa pagbibitiw ng mga salita upang hindi makasakit ng damdamin. Ipagpaliban muna ang lakad kung hindi pa humuhupa ang masamang lagay ng panahon. Sa ibang araw na lang ito gawin para hindi kayo kapwa maabala ng iyong kausap. Mahirap kasing umuwi na susuong ka sa baha.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Isang magandang balita ang makararating sa iyo mula sa isang kaibigan o malapit na kaanak. Bigyan pansin din ang paglilibang sa simpleng pagtulong sa takdang-aralin ng mga bata, pagsasaayos ng halaman at bulaklak sa hardin. Maaari ring pagkakitaan sa angking husay sa pagtatahi at paggawa ng pantries at panghimagas gaya ng yema, banana chips at ice cream. Kahit malamig, may bibili niyan.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Hayaan mo ang iba mong kasamahan sa trabaho kung negatibo ang pinag-uusapan nila patungkol sa iyo. Nagmumukha kasi silang tanga sa totoo lang. Alam naman iyan ng amo nyo. Kaya, sinisira kang nila ang sarili nila sa kanya. Pagbutihin mo na lang ang pinapagawa sa iyo at may mga kasamahan ka naman na magtatanggol sa iyo. Magkakaroon kayo ng teambuilding pagkatapos ng bagyo at ikaw ang gagawing lider ng isang grupo.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Huwag palilinlang sa mga taong may hitsura at matatamis ang dila sa pakikipagtransaksiyon sa trabaho o negosyo sa social media. Iyon ngang nakakausa ng personal ‘e nagagawang manloko, yun pa kaya? Karaniwang huwad ang mga iyan o manloloko. Kaya, huwag kang kakagat sa alok ng isa na mamumuhunan, dahil drawing lang ang sinasabi niyang produkto. Makipagtransaksiyon ka sa talagang kilala mo.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Huwag mong ipagsabi sa iba ang problema sa loob ng inyong tahanan. Pag-usapan ninyo nyo itong mangsing-irog. Isangguni sa isa’t isa ang inilatag na suhestiyon. Mas gaganda ang pakiramdam nyo sa isa’t isa. Kung papasok sa isang negosyo, pag-usapan nyong mabuti kung anong uri o nature ng business ang dapat gawin. Magtatagumpay ito kapag may basbas ang pasya ninyo sa bawat isa. Sa gayun ay magtagumpay ito at umunlad.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Sadyang mahirap tanggapin ang katotohanan at masakit ito. Kagaya ng sundang na malalim ang hiwa ng talim. ‘Yan ang damdamin niya para sa iyo. Na habang lalo ka niyang kinasusuklaman ay lalo ka naman niyang minamahal. Ang gulo ano? Huwag mo siyang gantihan ng masama. Dahil nagkukunwari ang siya na galit siya sa iyo. Kaya, sorpresahin mo siya sa anibersaryo ninyo. Kahit break na kayo, i-date mo siya at mamamalayan mo na ang na napaamo mo na ang tila tigreng gaya niya.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Namamalayan mo, na kahit malaki ang kinikita mo, para lang itong nagdaraan sa kamay mo.Ito ay dahil sa nakatuka ka sa maraming bayarin. Bahay, kuryente, tubig. Isama pa ang ilang hinuhulugan mo. Iwasang bumili ng hindi mo naman kailangang talaga. Huwag ka ring papayag ngayon na maging co-guarantor sa utang ng iba. Baka pati pinaghirapan mo ay kunin ng pinagkakautangan niya. Ipunin ang perang kinikita at mag-impok. Para kakapusa’y siguradong tepok.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Huwag mong gayahin ang ibana kapag tumulong, ibibida pa sa harapan ng iba ang kanilang effort. Na kailangang malaman ng iba o karamihan ang kanilang ginawa. Karaniwang pakitang-tao o paimbabaw ang mga gayung tao. Kung hindi maiiwasang iyon ang magawa mo, tumahimik ka lang. Hayaan mong ang ibang tao ang magkuwento at magbida ng iyong ginawa. Ang langit naman ay kikios upang itaas ka at pagpapalain pa.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Ang singsing na isinuot ninyong mag-sing-irog sa isa’t-isa noong kayo’y ikinasal ay hindi dapat isinusuot sa bawat sandali. May basbas ito ay ito’y banal. Kaya hindi dapat isinusuot kapag nakikipag-inuman o nakikipagtsismisan. Ibang singsing ang suutin nyo. Ang perang naipon ninyong mag-asawa ay mainam na ilagak sa negosyo ang kalahati nito. Swak sa inyo ang money remittance o kaya auto supply.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Kung ikaw ay may kaalit na kaanak, kausapin at makipagkasundo ka bago lumubog ang araw. Alaahanin mong magkadugo kayo. Laman siya ng iyong laman at dugo ng iyong dugo. Upang hindi kayo maging kahiya-hiya sa harapan ng mga tsismoso’t tsismosa. Ang pagiging malikhain sa larangan ng social media ay makatutulong upang magkamit ng biyaya. Kung meron ka nang page o vlog, dagdagan mo pa.