HOROSCOPE OCTOBER 10, 2022

HOROSCOPE OCTOBER 10, 2022

October 10, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Kung hindi mo gusto ang luto ng misis mo, quit ka lang. Kainin mo na lang dahil pinag-sikapan niyang lutuin iyon. Para sumarap ang luto niya, bilhan mo ng recipe book. Ganyan ang isang suliranin kasi sa mga newly weds at ang mga ikinasal ay hindi pa lagpas sa edad na 25. Pakiusap lang din ng tadhana, huwag mo muna siyang palobohin dahil hindi pa napapanahon.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Nakahahawa ang iyong pagiging masayahin ngayon. Kahit na kapos ka at may kinakaharap na problema. Positive ka pa rin kaya positive rin ang magiging resulta. Marami kang taong napapasaya sa iyong mga kuwento at liyanta. Kaya, sasakit ang tiyan nila sa katatawa. Tutukan ang mga bagay na magpapadaloy sa iyo ng grasya.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Huwag paaapekto sa mga taong hamak ang tingin sa taong nagtapos sa pag-aaral ngunit may edad na. Ang mga taong gayun ay mananatiling hangal at ang hangal ay di dapat pinapatulan. Ang iyong kasipagan ang magdadala ng tagumpay at pag-unlad sa inyong pamilya. Kaya, panatilihin ang pagiging isang taong tapat at mapagkakatiwalaan upang maraming oportunidad ang mas darating pa sa iyo.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Ang pagmamahal mo sa mga walang malay na mga kinapal o sa mga hayop ay gagantimpalaan. Ipagpatuloy ang iyong pagmamalasakit sa mga aso at pusang kalye. Huwag na ‘yung taong kalye dahil gobyerno na ang bahala run. Hirap ka man sa mga gastusin, may darating na donasyon mula sa mga taong gaya mo rin na mapagkawanggawa.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kung alam mo sa sarili mo na nagkasala ka, manahimik ka. Kadalasan sa mga taong bigla na lamang nilalagnat ay dahil sa nagawang kasalanan na ikinatatakot nila na mabunyag. Magtipid ka rin sa mga pananalita at baka ito ang magpahamak sa iyo. Magsisi na agad sa una upang hindi ka hatulan o ilantad.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Sa wakas, ang isang lugar at mga taong nakita mo sa iyong panaginip ay makikita mo sa reyalidad. Bagay na labis mong pagtatakhan. Gayunman, senyales ito at tanda na alam mo na dapat ang gagawin sa mga susunod na araw. Iwasan din ang pagsasabi ng negatibo sa kapwa at sa mga bagay-bagay, dahil ito ay magkakatotoo nang hindi mo inaasahan.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat kang magbigay sa isang taong humihingi sa iyo ng pabor. Dahil ang iba sa kanila, kahit meron na, kinukuha pa ang para sa bibig ng iba. Kung tutulong ka, kailangan ay iyong talagang karapat-dapat na tulungan. Huwag mong basta-basta ipakikita sa isang taong kakakakilala lang ang iyong ari-arian.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Matamlay ngayon, kaya, huwag mong yayain ang kai-bigan o ang dinidigahan mo na mamasyal sa labas. Kailangan niyang magpahinga. Kung gusto mo siyang makasama, ikaw ang magtungo sa bahay nila. Magkuwento ka lang nang magkuwento habang tulog siya o nagpapahinga. At least, nakita mo siya. Umuwi rin agad ng maaga sa haybol nyo dahil may bisita ka ring nag-aantay sa iyo.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Pagtatawanan ka ngayon ng crush mo dahil sa isang kahiya-hiyang sitwasyon. Hindi naman grabe na kahihiyan, slight lang. Ang pagtawa niya na iyon ay tanda na importante ka rin sa buhay niya. Slight din nga lang. Kapag nakita mong lumubo naman ang sipon niya kapag pupugak-pugak sa paghinga, huwag mong pagtatawanan. Ipakita mong iba ka.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Mag-aaway kayo ng kasuyo mo tungkol sa isang usapin. Siya ay tutol sa simcard registration at ikaw naman ay sangayon. Tinanong mo lang naman siya kung bakit tutol siya at doon na siya magdadabog. Huwag mo na lang siyang patulan kasi mas malawak ang iyong pang-unawa. Kung may nakalaan kang puhunan para sa binabalak mong negosyo, panahon na upang simulan ito. Makabubuting magbenta ng goods na hindi nabubulok. Dahil ito ang akma sa iyo at uunlad ka dito.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Ngayong holiday season ay babalik sa iyo ang isang taong matagal mo nang nais bumalik. Makakamtan mo rin at ng pamilya mo ang justice na matagal na ninyong hinahangad na makuha. Huwag ding magsawalang-kibo kapag may nakikita kang mali ang ginagawa ng iba sa inyong trabaho. Kaya, itago mo ang pagkain mo sa ibang kalugar kaysa ilagay sa pridyeder. Sa gayun ay hindi matukso ang iba na papakin ito.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Kung nakararanas ka man ng name calling, tumahimik ka lang. Kasi, in fairness, napapansin ka kahit papaano at isa na run ang crush mo. ‘Di ba, nakakikilig ‘yun? Kahit na tawagin kang ‘busog-lusog’ o tambutsog, huwag kang masasaktan kasi totoo naman. Problema na nila ‘yun at problema rin nila na maganda ka. Kahit ganun ka, mabilis ka namang kumilos at hindi nagkakasakit. Kahit hindi ka mag-effort, kusa ka namang magiging slim. Kaya, cheer-up.