HOROSCOPE OCTOBER 11, 2021

HOROSCOPE OCTOBER 11, 2021

October 11, 2021 @ 7:00 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Panahon na upang ipakita sa madla ang iyong galing. Sa gayun ay magulat sila at ‘di ka na nila kaya-kayanin. Piliin mo rin ang iyong kakaibiganin at kaibiganin ang mga taong tumulong sa iyo noong ikaw ay nasa ibaba dahil sa pagsubok.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ingatan mo ang bawat salitang iyong bibitawan. Maaari kasing maging gaya ito ng pulot o sundang sa makaririnig. Matutunan mo rin ang isang kasanayan na magagamit mo sa isang bagong proyektong sasabakan.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Kahit simple ka, ikaw ang magugustuhan ng taong nagugustuhan ng karamihan. May sense ka kasing tao at makabuluhan ang bawat lumalabas sa bibig mo.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kung ‘di kayang tumulong sa ngayon, sabihin ito ng tapat sa iba. Hindi lang naman sila ang may pangangailangan, kundi ikaw rin. Isang magandang balita naman ang matatanggap kaugnay sa aspektong pinansyal at espiritwal.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hindi pa sapat ang ginawa mong tikas sa isang pinasukang proyekto. Kailangan mo pa ng ibayong sipag at diskarte. Upang mapadale ang pagtapos nito, kailangan mo ng tulong ng iyong mga kasamahan. Kaya, mainam na hingin ang kanilang suhestyon.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Maaari mo nang simulan ang isang makabuluhang proyekto na makabubuti sa iyo at sa iyong pamilya. Mula rito, papasok ang biyaya o pagpapalang pinansyal.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Huwag munang ituloy ang mga pinasukang transaksyon sa ngayon. Hindi pa ito ang tamang panahon. Pag-aralan mo muna itong mabuti, nang sa gayun ay ‘di ka mabigo.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Makabubuti rin ang maging palaban kung minsan. Gayunman, kontrolin mo lang ang iyong galit. Daanin mo sila sa verbal na atake. Ipagtanggol mo rin ang sarili mo at pasinungalingan ang mga kumakalat na tsismis tungkol sa iyo.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —  May isang paparating na tao na magpapabago sa iyong buhay. Mag-ingat dahil mabulaklak siya kung magsalita. Tutuksuhin ka niya. Kaya iwasan mo siya para ‘di kayo mag-away ng kasuyo mo.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Masasaktan ka sa una. Pero, magiging maligaya ka naman sa huli. Sa umpisa lang ang kabiguan sa iyo. Pero, magtatagumpay ka ng sunod-sunod dahil sa isang bagong kasanayan at kaalamang natutunan mo.

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ikaw ang salamin ng iyong mga magulang kung papaano ka nila pinalaki. Mabuti at mabait kang tao. Kaya isang tao na lihim na natutuwa sa iyo ang aalukin ka sa isang makabuluhang proyekto.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) —  Likas sa iyo ang pagiging tapat. Inaayos mo at hinuhusayan ang iyong trabaho, may nakakakita man o wala. Kaya, maluwag ang superbisyon sa iyo sa iyong pinagtatrabahuhan dahil malaki ang tiwala sa iyo ng iyong boss.


  •  
  •  
  •