HOROSCOPE OCTOBER 13, 2021

HOROSCOPE OCTOBER 13, 2021

October 13, 2021 @ 7:00 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Pagtiisan pa ang kalbaryong nararanasan sa ngayon patungkol sa isang kaibigang pasanin. Lilipas din ang mga malulungkot na mga araw. Makatatanggap ka rin ng biyaya ng hindi mo inaasahan.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Hindi masama kung magsasabi ka minsan ng totoo. Ito ay sa ikabubuti rin ng iyong kasuyo. Bukod sa naitatama mo ang kanyang mga pagkakamali at pagkukulang, naililigtas mo pa siya sa bibig ng madadaldal na mga tao.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Pinagdamutan ka man noon, huwag mo itong gawin sa taong gumawa sa iyo nito noon. Magkaiba kayo ng ugali. Likas kang maamo at mabait. Pagpapalain kang lalo kapag ginawa mo ito.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Panahon na upang patawarin ang isang kaibigang nagkasala sa iyo patungkol sa usaping pampuso. Pinagsisihan niya na ang ginawa sa iyo noon. Pareho lang kayong biktima ng taong pareho n’yong minahal. Ibalik n’yo ang dating alab ng inyong pagkakaibigan.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Huwag nang gawing big deal ang pulitika sa inyong konbersasyon. Huwag n’yo itong pag-usapan ng inyong mga kaibigan. Baka kayo’y magkatampuhan lang at magkalamat ang inyong pagkakaibigan.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Mapagtatanto mo na ang iyong ginawang kawanggawa noon ay ‘di pala kalugihan gaya ng iyong inaakala. Babalik ito sa iyo sa pamamagitan ng isang magandang kapalaran sa ibang bansa.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Huwag mag-atubiling sabihin ang iyong sitwasyon sa isang mapagkakatiwalaang kaibigan. Hindi ka mabibigo sa kanya. Tutulungan ka niya sa abot ng kanyang makakaya.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung nabibigatan ka na sa sitwasyon mo ngayon, makabubuting umalis muna sa iyong comfort zone habang may pandemya. Saka mo na uli ito balikan kapag maayos-ayos na ang kalagayan mo.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —  Tataba ang iyong puso sa hindi inaasahang papuring matatanggap. Ito ay pagkilala sa iyong mabubuting gawa at pagtulong sa kapwa.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Makatatanggap ng isang magandang balita kaugnay sa binabalak na proyekto. Gayunman, pag-aralang mabuti kung alin doon ang kaya mong gawin at tapusin. Mahirap makompromiso kapag nagkataon.

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Magiging kawili-wili ang mga susunod na araw kung babalaking bisitahin ang mga kamag-anak at mga kaibigang ‘di nadalaw dahil sa pandemya. Kailangan nila ang iyong presensya.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) —  Mayabang ka na kung sa mayabang. Pero, may isa kang salita. Na ginagawa mo ang iyong sinasabi at nagiging maganda at mabuti ang resulta. Ito ang katangiang gusto sa iyo ng boss mo.


  •  
  •  
  •