HOROSCOPE OCTOBER 14, 2021

HOROSCOPE OCTOBER 14, 2021

October 14, 2021 @ 7:00 AM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Tatlong kahit isang tuka ang peg mo. Pero, nakararaos ka pa rin at feeling mo sobra pa. ‘Yan ang himala ng langit sa iyo. Hindi ka Niya pababayaan. Pagpapalain ka Niya sa mga darating pang araw.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — May mga taong lihim na naninira sa iyo. Pero, sila ang mas apektado. Dedma at ‘di sila big deal sa iyo. Dahil ang turing mo sa kanila ay basura. Mainam ito kaysa patulan mo sila.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Isang taong dating sanggang dikit ang babati sa iyong kaarawan sa darating na mga araw. Isang regalo ang ibibigay niya sa iyo na hindi mo malilimutan.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Malakas ang iyong spiritual aspect kaya ‘di ka natatakot sa mga sasagupaing pagsubok. Gayung napaghandaan mo na, hindi ito darating sa iyo. Ang inaakala mong kagipitang pagsubok ay pagpapala palang materyal. Mag-ingat at baka mapagbago nito ang iyong pag-uugaling mahinahon at mapagpakumbaba.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Masakit talaga na mawalan ng mga mahal sa buhay. Pero, dapat mo ring tanggapin ang proseso at reyalidad ng buhay. Na may umaalis at may dumarating. Piliting maging masaya at makisalamuha sa kapwa. Nais ng nasa Itaas na maging maligaya ka. Kaya, darating ang isang pangyayari sa yugto ng iyong buhay na labis kang magagalak.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Inilalagay mo ang sitwasyon mo ngayon sa sitwasyon ng iba. Kaya, tumutulong ka sa mga nagigipit na mga kaibigan ng walang hinihinging kapalit. Gayunman, wala man silang maitulong sa iyo sa ngayon, ang langit na ang magpupuno nito sa iyo.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Pagbutihin pa ang maa-yos at sistematikong paghawak ng pera. Huwag gumastos kung ‘di naman kailangan. D’yan mapatutunayan ng iba na magbubunga ng maganda kung minsan ang iyong kakuriputan.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Ang inaakala mong talo ka sa hamon ng buhay at panalo pala. Ibig sabihin, hindi lahat ng ginagawa mong pagpapagal ay nauwi sa wala. ‘Yan ang nagagawa ng sipag at lakas ng loob kaya maunlad ang pamumuhay mo ngayon.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —  Sa buhay na ito ay ‘di batayan ang pera para sa iyo upang lumigaya. Hindi rin ito lang ang batayan ng pagpapala. Kundi ang mapayapa ang panatag na pamumuhay. Kung kaya, ang pera ang lalapit sa iyo.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Huwag mong ipagdamdam ang nangyayari sa iyo sa ngayon tungkol sa iyong kalusugan. Bagama’t nagkataong nauwi na sa kritikal, buhay ka pa rin. Iyon ang ipagtaka mo sa kabila na sabi ng doktor. Hindi nila hawak ang buhay mo, kahit ikaw. May ibang plano ang nasa Itaas para sa iyo.

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Siyang napopoot sa kanyang buhay ay lalo pang mabubuhay. Ilang beses mo nang gustong sumuko, pero, buhay ka pa rin. Hindi pa katapusan ng iyong kasaysayan sa mundong ito. Nagsisimula pa lang ang bagong kabanata na may hatid na pagpapala.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) —  Siyang inaakala mong asar sa iyo ay iyong tapagtanggol. At siyang nagtatanggol ay naninira naman. Pakisamahan ang mga taong ayaw mo at baka sila pa ang maging tapat mong mga kaibigan.


  •  
  •  
  •