HOROSCOPE OCTOBER 14, 2022

HOROSCOPE OCTOBER 14, 2022

October 14, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Hindi naman masama kung masabihan kang ‘nagmumurang kamatis. Problema na nila kung ikaw ay young at heart pa rin hanggang ngayon. Wala silang pakialam kahit na senior citizen ka na ay nanonood ka pa rin ng Looney Toons, Dragon Ball at Sailor Moon sa YouTube. ‘Yan kasi ang iyong gamot sa iyong karamdaman. Dahil ang masayang puso ay nakagagamot ng sakit. Isang magandang balita rin ang matatanggap mo sa isang kaibigan na may kaugnayan sa kaperahan.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Ang pagiging mapili mo minsan sa magiging kaibigan at nagdudulot ng mabuti. Iwas stress at sakit ng ulo. Ikaw ay bumabatay sa quality over quantity. Hindi ka tulad ng iba na nagpapabongga ng paramihan ng friends sa social media. E sa oras ng kagipitan, ‘yang 5,000 kaibigan d’yan, isa hanggang sampu lang ang tutulong sa iyong problema. Ang natira at palamuti lang. Magiging abala sa mga susunod na araw na magiging daan naman upang pumasok ang mga biyaya.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Pagsabihan mo ang kaibigan mo na huwag masyadong overacting. Selos ng selos ‘e hindi naman sila nung tao. Pati mga kapatid at nanay ng crush niya, pinagseselosan. Kung nagbabalak kayong magkasa ng ‘trick or threat’ ngayong papalapit na Halloween, huwag nyong ituloy at baka kayo’y malintikan. Ayusin mo rin ang papeles na pinalalakad sa iyo ng iyong boss. Sa gayun ay maisakatuparan ang tagumpay sa aspektong pinansyal.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Mahuhuli ka ng boss mo na nagsasalitang mag-isa sa salamin at pa-emote-emote pa. Sa halip na magalit at matutuwa pa siya. Alam niya naman kasing nagbibiro ka lang. Magagamit mo raw kasi ang talento mo na baliw-baliwan, este… pagiging mahusay sa monologue sa darating nyong ‘Christmas Party’.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ayusin ang hindi ninyo pagkakaunawaan ng iyong kasuyo. Tapos na ang eleksyon ‘e nag-aasaran pa rin kayo. Kapag nagpatugtog ka ng Andrew E, magpapatugtog naman siya ng kanta ni Gab Valenciano. Gustong mong umorder sa ganito, ayaw niya. Hindi na kayo mga bata. Ikaw na ang umunawa sa kanya dahil ikaw ang nanalo, este ikaw ang malaki ang ulo; este, malawak ang pang-unawa.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Manghihinayang kang bigla sa pagmamahalang biglang nawala bago pa sumikat ang araw. Hindi niya kasi agad pinaniniwalaan ang iyong mga sinasabi. Hindi lahat ay nadaaan sa biglaan. Hindi uubra na sabihin mo sa kanya na mahal mo na siya gayung isang gabi pa lang kayong magkakilala. Ang pag-ibig ay kinakailangang alagaan, unawain, dapat na maghintay at maging matiisin.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Ingatan mo ang iyong kalusugan. Huwag masyadong magpakabatak sa trabaho para lamang mahabol ang tinatarget na kita. Ipahinga mo ang iyong katawan. Tandaan mong tao ka at hindi makina. Saka ka na mag-overtime ng mag-overtime kapag nasa isandaang porsyento kang nasa kondisyon. Gawin ding maging kawili-wili ang bawat weekends sa pamamasyal sa magagandang pook

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Hindi bakla ang iyong nobyo. Hindi porke naglalagay siya ng lip gloss ay gayun na siya. Madalas kasing bumibitak ang labi niya. Huwag mo siyang subukan at baka ikaw ay mapasubo at mapahiya. Magduda ka kung naglalagay na siya bukod sa lip gloss ng make-up, eyelashes at bra. Ipagpatuloy n’yo ng iyong beshy ang binabalak na online selling ng inyong mga ginagawang delicacies.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Huwag kang mahiya sa iyong trabaho dahil marangal ito. Kesyo, pagtitinda man yan ng palamig, balut at lobo. Dahil sa pawis ng iyong mukha mula rito, itinataguyod mo ang pamilya mo. Sa iyong ibayong sipag at tiyaga at pagtitiwala sa Diyos, uunlad ang iyong hanapbuhay. Dahil lahat naman ng negosyo ay sa maliit nagsimula.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — May bagong kotse ang iyong kapitbahay, huwag kang mainggit. May bagong house and lot ang isa pang kapitbahay, huwag ka ring mainggit. May bagong motor, cellphone ang isa, huwag kang mainggit. Sapagkat hindi lahat ng iyong nakikita ay gayun na, maliban na lang kung binili nila ito sa buong halaga.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  —Magtiwala ka sa mga anak mo. Hindi sila katulad ng ibang millenials na mahilig kumindeng-kindeng sa harap ng camera at ipo-post sa social media. Kasehodang masira na halos ang dangal ng iba. Sukat ba namang magsasasayaw kahit walang bra! Iba ang kanilang ginawa dahil sa bawat pagpitik nila sa harap ng camera, pera ang nakataya.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Dahil sa sobra mong pagiging sosyal minsan, matatagalan ang pag-aprub ng iyong inilalakad na loan sa Social Security System (SSS). Bawas-bawasan mo ito at baka magulat ka naaprub na ang iyong loan. Pagsabihan mo rin ang iyong mga kaibigan at mga kaanak na huwag maging over sa pangungutang sa mga lending.