HOROSCOPE OCTOBER 15, 2020

HOROSCOPE OCTOBER 15, 2020

October 15, 2020 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —  Magiging masaya sa buong maghapon dahil magagawang tapusin ang maraming gawain. Mapapasiglang muli ang komunikasyon sa mga kaibigan kaya may mapapalang paki­nabang.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) —  Dapat tuparin ang anomang bibitiwang pangako sa sinomang makakausap. Magiging mahalaga ang pakikinig sa payo ng pamilya, lalo na’t galing sa minamahal.

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Makagagawa ngayon ng mga bagay-bagay na magiging kapaki-pakinabang sa buong pamilya. Ang kawalan ng tiwala ang posibleng kumitil sa relasyon ng minamahal.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Magtutuloy-tuloy ang pag-unlad sa buhay sa nililinyang negosyo. Isang kaibigan ang sasaya sa araw na ito kung magbubukas-palad sa pagkakaloob ng kaukulang tulong.

 

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Iwasan ngayon ang pangungutang at magarbong pamumuhay. Isang malapit na kamag-anak ang makakasamaan ng loob kung magiging materyoso sa pakikipagrelasyon sa kapwa.

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Kung hindi ka nakasisiguro sa kawastuhan ng gagawin dapat magpatulong. Kung may kinalaman sa trabaho ang pinaplanong paglalakbay, walang dahilan upang hindi ituloy.

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Magkakaroon ng isang hindi makalilimutang karanasan sa araw na ito. Magsisimula ang umaga sa pagiging abala sa katakot-takot na gawain.

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Ang problema sa ilang kasamahan sa trabaho o pag­hahanapbuhay ay madaling maisasaayos. Mapatutuna­yan sa araw na ito na walang buting maidudulot ang pagiging mapagmataas.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Pag-aralang mabuti ang suliranin ng isang kapamilya  bago magpayo. Kung may suliranin sa puso mas makabubuti ngayon ang pananahimik u­pang makapag-isip ng mabuti.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Magiging malakas ngayon ang pakiramdam kaya dapat sundin ang idinidikta ng kalooban. May nakalaang swerte sa pagtatrabaho sa abroad at pagbubukas ng sariling negosyo.

 

 




 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Sa araw na ito ay hindi dapat magtiwala agad sa mga bagong kakilala. Huwag makisawsaw sa hidwaan ng dalawang kasamahan sa trabaho u­pang hindi magkaroon ng sakit ng ulo.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) May masayang pangyayaring magaganap sa loob mismo ng sariling taha­nan. Ang pagbebenta ng gamit at ari-arian o pangungutang sa araw na ito ay hindi magkakaroon ng magandang resulta.

 


  •  
  •  
  •  

Loading...