HOROSCOPE OCTOBER 16, 2020

HOROSCOPE OCTOBER 16, 2020

October 16, 2020 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Mapatutunayan ngayong araw na mahalaga ang pakikinig sa katwiran ng ibang tao. Ang maayos at payapang pamilya’y may hatid na ibayong biyaya.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) —  Huwag tumulad sa ilang kasamahan na palasuko at reklamador upang makaasa ng magandang pagbabago sa buhay. Kung ano ang kakayahan o talento ay huwag mag-atubiling ipakita upang magkaroon ng pakinabangan.

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Matutupad ang magagandang hangarin sa buhay dahil sa talento at tiwala sa Diyos. Hindi magbubunga ng mabuti ang itinanim na kabutihan sa kapwa kung may pangit na motibo.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Isang magandang balita na may kaugnayan sa trabaho ang maagang makararating sa kaalaman. Sa araw na ito matatapos nang maayos ang mga gawain sa loob ng tahanan at opisina.

 

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Magagamit sa pag-aayos ng gusot sa loob ng pinagtatrabahuhan ang pagtataglay ng malakas na magneto ng pagkatao. Ngayon na makukuha o matitikman ang magandang bunga ng isinusulong na proyekto.

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Maganda ang pagkakataon upang maisakatuparan ang plano na mabig­yan ng magandang sorpresa ang minamahal. Makabubuti sa pansariling interes at sa pamilya ang pag-iwas sa pakikipagbarkada.

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Isang kaibigan ang magtuturo kung papaano ipopokus ang atensyon sa career o negosyo upang umasenso. Ituring na isang hamon sa kakayahan ang mga pagbabago sa trabaho sa mabilis na pagsulong ng panahon.

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Kung magpapairal ng disiplina sa pamilya, kailangan pa ring mangibabaw ang pagmamahal kaysa kamay na bakal. Mararamdaman ang pagmamalasakit ng minamahal kahit sa maliliit at simpleng bagay.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Napapanahon ang paglalakbay na nauukol sa nililinyang trabaho o negosyo subalit kailangang dagdagan ang pag-iingat sa mga bagong makikilala. Kung patuloy na magiging masipag, makaaasa ngayon ng magandang kita sa hanapbuhay.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Pagmalasakitan na punahin at ituwid ang kamalian o pangit na pag-uugali ng isang kapamilya o kaibigan. Hindi dapat masira ang magandang araw sa masasagap na tsismis.

 

 




 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Maraming makabuluhang bagay ang makukuha sa maayos at magandang pakikipagrelasyon sa mga kasamahan sa trabaho. Isang magandang pangyayari ang magaganap sa araw na ito sa pagitan ng minamahal.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Tamang pag-ukulan ng pansin ang nauukol sa kabuhayan pero hindi dapat makaligtaan ang mga bagay na pang-ispiritwal. Kahit nasa gipit na kalagayan, isang kaibigan ang hindi matatanggihan na pagkalooban ng tulong.

 


  •  
  •  
  •  

Loading...