HOROSCOPE OCTOBER 17, 2022

HOROSCOPE OCTOBER 17, 2022

October 17, 2022 @ 10:00 PM 1 month ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Kung nakaaangat ka sa buhay, lumingon ka sa kaliwa’t kanan, likod at harapan. Maraming palad ang umaasa sa iyong grasya na kaloob ng langit. Sa pamamagitan mo ay mabibiyayaan mo sila. Mas masarap sa pakiramdam na tumulong ka sa mga taong karapat-dapat kaysa sa magsawalang-bahala sa kanilang kalagayan. Tulungan mo ang mga taong sa Diyos na lang umaasa at huwag ang mga taong kay lalaki ng katawan ay ayaw magbanat ng buto.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Umasa kang buo na matatanggap mo ang biyaya sa tamang oras o panahon. Ang iyong pagiging matiyaga at matiisin ay bibiyayaan ng karangalan, kayamaman at kasikatan. Sapagkat, sa mga panahong ikaw ay nasa ibaba ay nanahimik ka lamang at nagtiis at wala kang sinumbatan na kahit sino. Kundi, nanalig ka sa Diyos na ikaw ay muli Niyang iaangat at pakikinggan ang iyong palihim na paghibik sa iyong kuwarto.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Kagaya ng ating mundo, may liwanag at dilim. Kung ang isang tao ay nasa dilim, may pag-asang lumagay siya sa liwanag. At ang kamandag ng kasalanan at batay sa batas at kautusan. Kung nagkasala sa iyo ang iyong minamahal at nagbago na, patawarin mo siya. Bigyan mo siya ng ikalawang pagkakataon. Papaano niya mapatutunayan na nagbago na siya kung hindi mo siya bibigyan niyaon? Makabubuti ito upang gumanda rin ang katayuan nyong mag-iina sa buhay. Aalahanin mong siya ay isang ama na kailangan ng iyong mga anak.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Walang mangyayari sa buhay kung ikaw ay magmumukmok na lagi sa isang tabi at malulungkot. Huwag kang masyadong mabalisa at mabagabag dahil hindi ka pa naman pulubi. Pumili ka ng mga taong malalapitan upang sila ang gamiting kasangkapan upang tulungan ka. Ang inaasahan mong padala mula sa mga kaanak ay iyong matatanggap sa oras na akala mo’y wala na. Sa gayun ay maisalba ka nito sa mga alalahanin sa mga bayarin ay may magamit sa araw-araw.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kung ikaw ay sasali sa isang kompetisyon, huwag kang papayag na kaya ka nandoon ay kasama ka lamang sa kalahok. Ibahin mo ang iyong mind set na kaya ka nandoon upang manalo. Ibigay mo ang iyong makakaya at ibuhos mo ang iyong kasanayan at lakas upang magtagumpay. Ang iyong karisma ay makahihikayat ng mga taong sasama sa iyong proyekto na may kinalaman sa kalinisan at kawanggawa.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hinay-hinay lang muna sa trabaho at baka magkasakit ka. Aanhin mo ang iyong malaking suweldo kung ikaw naman ay mako-confine sa ospital? Mabuti ang iyong layunin na kung minsan ay ibigay ang layaw ng mga anak. Subalit, maging sila man ay ayaw nilang mag-OT ka dahil gusto ka nilang umuwi ng maaga. Mapalad ka dahil hindi materyalistiko ang iyong mga anak.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Kung magmamalasakit ka, suriin mo muna ang mga taong iyong pagmamalasakitan. Sa halip kasi na makabuti sa kanila ay baka makasama pa. Baka sa bandang huli ay ikaw pa ang masumbatan. Kung may naitatabi kang pera, gamitin mo ito para sa isang small business ngayong holiday season. Sa gayun ay may pinagkakaabalahan ka na, kikita ka pa.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Magiging masaya ka sa buong araw at sa buong linggo dahil matatanggap na magandang balita at biyaya dahil sa matagal na pagbabanat ng buto at pag-sisikap. Mahahawa sa iyong kasiyahan ang iyong mga kaibigan at mga kaanak. Ang nakatakdang pagbabago sa iyong buhay ay makapagbibigay ng bagong oportunidad pagdating sa aspekto ng pag-ibig.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung nakikita mong nahihirapan ang iyong kapwa o kapitbahay, tulungan mo siya ng palihim.Sa gayun ay darating sa iyo ang pagpapala ng hindi inaasahan. Makararanas din ng ibayong excitement dahil sa matatanggap na magandang balita sa linggong ito. Lalo kang magiging excited dahil malalaman mong crush ka rin ng crush mo.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Kung may umaalembong na mga nagmamahalang pusa sa inyong bubong, huwag mong sigawan o sasawayin, kahit nangyayari iyan sa madaling araw. Kaysa naman sa ang marinig mo ay sigawan at bangayan ng mga kapitbahay n’yong tsismosa’t sawsawera sa buhay ng iba. Magtatagumpay ang ikinakasa mong proyekto o programa na magbibigay ng kabuhayan. Simulan na agad ito upang maraming palad ang makatanggap ng biyaya.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  —Kung may hindi ka pa nalalaman sa isang usapin o proyekto tungkol sa kabuhayan, magtanong o sumangguni sa taong may sapat na kaalaman upang mabigyan ka ng ideya kung ano ang gagawin. Ilabas ang pamilya o dili kaya’y maghanda kayo sa araw ng iyong payday kahit wala namang may birthday upang lasapin ang bunga ng iyong pinaghirapan. Taste the harmony of success ika nga. May paparating na grasya kaya huwag kang manghinayang gumastos para sa iyong pamilya.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Nasanay na siya sa lagi mong pananahimik. Mainam ito upang wala ka nang marinig sa iyong kasuyo na banat na masakit sa tainga. Piliin ang tamang oras at lugar sa pagbibiro. Alalahanin mong siya’y kabiyak at dapat hindi hinihiya sa harap ng ibang tao. Magbubunga ng maganda ang iyong pakikipagtransaksyon sa negosyo dahil sa pinagplanuhan itong mabuti.