HOROSCOPE OCTOBER 18, 2020

HOROSCOPE OCTOBER 18, 2020

October 18, 2020 @ 7:00 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Malapit nang dumating ang hinihinging kapareha sa buhay. Mas magiging masidhi ang pagmamahalan sa darating na mga araw.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) —  May hatid na leksiyon sa buhay ang lahat ng pangyayari at taong nakasasalamuha sa araw-araw. Hangga’t makakaya ay unawain ang lahat ng indibidwal sapagkat maaaring maging sanhi ng hidwaan ang panghuhusga.

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Gamiting gabay sa araw na ito ang pangaral ng mga kaibigan.  Iwasan muna ngayon ang paglalakbay sa lugar na nasa Kanluran.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Sikaping maging masinop at matipid upang hindi agad makawala ang magandang kapalaran. Makikita ang pagpapahalaga ng minamahal sa mga bagay na mahalaga sa buhay.

 

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hindi dapat magpadikta sa gusto ng iba lalo na kung alam mong ito’y maaaring magbigay ng kalungkutan o kapahamakan sa ibang tao. Matutong manindigan at pakaingatan ang prinsipyo.

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Kung nais na may marating sa buhay ay magsumikap na mapalawak ang kakayahan at talento. Matinding tampuhan ang posibleng maging bunga ng pagiging taklesa.

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — May magandang balitang darating sa araw na ito na may kaugnayan sa buhay pag-ibig. Huwag puwersahin ang sarili na magtrabaho nang labis sa nararapat dahil baka mapabayaan ang kalusugan.

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Huwag matakot gumawa ng mga bagay na hindi pa nasusubukan, subalit hindi dapat ito maging sanhi ng problema sa sarili at ng ibang tao. Aayos ang pasok ng pera sa tahanan kung dodoblehin ang sipag.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Nasa takbo ng mood ngayon ang ikalalapit o ikalalayo ng suwerte sa trabaho. Sa may-asawa o kasintahan, magiging masaya ang buong araw kung pagbibigyan ang gusto ng kapareha.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ang pangarap na hindi sinasamahan ng aksyon ay malabong maging katotohanan. Lakas ng loob ang kailangan upang mapukaw ang interes ng sinisinta.

 

 




 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Mahalagang umarte nang naaayon sa edad. Posibleng tularan ang katamaran ng nakababatang kamag-anak o kakilala kung kaya’t dapat magsipag at maging magandang halimbawa.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) —  Panatilihin ang pagkakaroon ng positibong enerhiya sa sarili upang maibahagi sa kinabibilangang sirkulo. May malaking ganti ito sa hinaharap lalo na sa panahon ng pagsubok.

 


  •  
  •  
  •  

Loading...