HOROSCOPE OCTOBER 25, 2022

HOROSCOPE OCTOBER 25, 2022

October 26, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) β€” Huwag mong ipagpalit ang magandang pangalan sa isang bugkos na pera. Tupdin mo ang iyong tungkulin ng buong katapatan at may takot sa Diyos. Sapagkat, ang ibang gumawa niyan ay naglalahong parang bula at natutuyo at nasusunog na damo sa tindi ng init. Kung umuunlad ang mga kasamahan mo sa paggawa ng kalokohan, huwag mo silang tularan. Maging isa kang halimbawa bilang mabuting alagad ng batas at ikaw ay gagantimpalaan.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Huwag kang magtatampo kung hindi agad dumarating sa iyo ang inaasahang biyaya. Baka sinusubukan ka lang ng panahon at tadhana. Mapapasaiyo rin ang inaasam na tagumpay kung lalakipan ng sipag at tiyaga ang iyong mga gawain. Sa hindi inaasahang pagkakataon sasampal sa iyo ang malaking pagpapala na anupa’t hindi mo na ito kayang saluhin sa tindi ng lapad at bigat. Anoman ang meron ka ngayon, matutong magpasalamat sa Diyos dahil nananatili kang malusog.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Iwasan mong magsalita ng hindi katotohanan kahit pabiro lang. Sapagkat ang munting kasinungalingan upang iangat ang sarili ay parang isang unggoy na kumuha ng bato at ipinukpok sa kanyang ulo. Kung ano ang totoo, yun lang ang dapat lumabas sa bibig mo. Isang tawag ang iyong matatanggap na pinagre-report ka na para sa bago mong tasks sa trabaho.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Ang iyong pananahimik ay parang hanging may tabak na nakasusugat. Sa ganyan mo pinapahiya ang mga taong palalo na laging mahilig magpabida lalo na sa handaan at tipar. Makatutulong ang pag-abruba sa iyo na mapabilang sa makatatanggap ng ayuda para sa mga nakatatanda. Kaya, maging masaya ka dahil bawat katapusan ng buwan, may pera kang matatanggap. Kung hindi kayang tapusin ang mga gawain sa loob at labas ng bahay, magpahinga muna. Dahan-dahan lang dahil wala namang deadline β€˜yan. Ang mahalaga, may nagagawa ka sa bawat araw.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Ang pag-ibig ay hindi mapangmata, hindi naghihintay ng kapalit at matiisin. Kung talagang mahal mo siya, paghihirapan mo ang inilatag niyang kondisyones sa iyo. Kahit sabihin pang dalawang taon ka pa niya bago sagutin, okay lang. At least, in-entertain ka pa niya na nangangahulugang binibigyan ka niya ng change. Dahil kung hindi, baka tsu-tsu ang labas mo sa haybol nila. Makita pa lang ang anino mo ay papauwiin ka na.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Para hindi ka malungkot sa bahay dahil sa madalas kang mapag-isa, mag-alaga ka ng pets. Pwedeng aso, isda o pusa. Dahil mahilig kang magkakakain at manood ng suspense, horror at thriller movies, mag-alaga ka ng pusa para iwas sleep paralysis. Kung gusto mo ng libreng guwardiya, mag-alaga na rin ng aso. Susuwertihin ka sa mga ito at sunod-sunod na deal sa transaksiyon ang mababarag mona ikatutuwa ng boss mo.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Ang bawat katapusan ay hindi pa talaga siyang katapusan. Kagaya ngnangyayari ngayon sa iyong buhay. Kung akala mo ay waley ka na, nagkakamali ka, dahil tsapter one pa lang ang natatapos at magsisimula na ang tsapter two. Sa tsapter two, susuwertihin ka na sa lovelife, career at financial na estado. Kasi, iyan ang nawala sa iyo sa tsapter one. Tandaan mo na ang pagsubok ay bahagi ng buhay, kaya huwag mong isipin na ikaw ay isa nang talunan.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Hinay-hinay lang sa selos dahil hindi ito makabubuti kung wala ito sa hulog. Pinalalampas nito ang ilang magagandang oportunidad na sumasakmal sa bawat isa sa magkasintahang gaya nyo. Gamitin ang salapi sa tama at huwag bumili ng mga bagay na hindi naman kailangan. Mainam na pagkain ang bilhin kaysa sa kaek-ekan lang. At least mabubusog ka pa at masaya pa ang iba na makakakain. May pipirmahan kang bagong kontrata para sa isang bagong transaksyon.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Huwag mo siyang pagtangkaing takutin. Hindi makabubuti ang β€˜trick or treat’ na gagawin mo sa crush mo. Baka sa halip na mapayakap siya sa iyo ay masampal ka pa niya samukha. Sa halip, yayain mo na lang siyang kumain kayo sa labas. Basta ilibre mo lang siya pati ang tatlo niyang tsaperon. Huwag kang manghinayang sa iyong ga-gastusin dahil makakapulot ka naman ng pera sa sementeryo.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Kung nag-aalangan kang umuwi ng maaga sa inyong lalawigan dahil sa maiiwanang trabaho, lalo na ang ektrang proyekto, e di huwag muna. Maganda na β€˜yung marami kang dalang baong pera kapag lumuwas; para kapag may nangalabit, may maibibigay ka. Ibig sabihin, marami kang mabibigyan ng pasalubong. Tapusin mo ang trabahong iyon at saka ka na sumunod para gunitain ang mga mahal mo sa buhay.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β  β€” Siyasatin mo munang mabuti ang isang suliranin bago manghusga. Sa gayun ay ma-laman mo ang totoong nangyari at magiging makatarungan ka sa pagbibigay ng pasya. Para hindi ka makapagbigay ng sama ng loob, daanin mo sa palabunutan kung sino ang makakasama at hindi sa gagawing teambuilding with excursion. Lakarin na rin habang maaga ang nilalakad na papeles sa loan o pautang upang maaprubahan ito sa lalong madaling panahon.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β  β€” Hindi agad naaani ang isang binhing itinanim. Nangangailangan ito ng panahon upang maani sa takdang oras. Dapat mo itong diligan, alagaan at pagyamanin. Ganyan ang isang ipinundar na negosyo. Gayunman, kapag nagfocus ka dito, tiyak na uunlad ito. Tapusin mo rin ang mga iniatang sa iyong mga gawain upang magawa mo ang ibang gawain na magpapapasok sa iyo ng pera.