HOROSCOPE OCTOBER 26, 2022

HOROSCOPE OCTOBER 26, 2022

October 26, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Madaling ma-inlove, oo lalo na’t natutuwa at masaya ka sa isang tao kapag kasama at kausap mo siya. Pero, huwag mong dayain ang iyong sarili. Baka ang iyong paghanga ay para lamang flavor of the month. Dahil aminin mo man o hindi, sa panlabas na anyo ng isang tao ka tumitingin. Kung sinabi mong hindi, malamang na inlove ka nga at makabubuti ito sa iyo. Panahon na upang bigyan ito ng pansin.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Kaunting tiis pa, kaunting panahon pa, matatanggap mo na ang regalo sa iyo ng langit. Ito yung malaon mo nang dinadalangin.Kapag dumating ang sandaling iyon, huwag kang makalilimot. Magpasalamat at tumanaw ng utang na loob sa Diyos. Sa panahong ito ay darating din ang pasimpleng pagsubok. Baka dumaming muli ang iyong mga kaibigan. Siyempre, paldo ka uli ‘e. Pero,alam mo na kung papaano sila pakikitunguhan. Huwag mong papasukin sa iyong bahay ang sa tingin mo’y mga balatkayo lamang.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Hindi ka man tumango sa usapan o sinabi mong hindi ka makararating sa isang paanyaya sa isang mabigat na gawain; at kung magbago ang iyong isip, maiging pumunta ka. Sapagkat ikaw ay sadyang inaasahan. Mas mainam ka pa sa sampung manggagawa kapag ginawa mo iyon dahil magiging maayos at pulido ang trabaho. Isama mo sa iyong raket ang mga taong tahimik at hindi lasenggero. Dahil makatitiyak kang iuuwi nila sa pamilya ang kanilang pinagpaguran sa maghapon at hindi sa tumpukan ng mga mahilig tumungga.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —Maliit ka man, huwag kang magdamdam at huwag kang masyadong mainggit sa mga matatangkad. Alam mo kung bakit, kung matangkad ka, hindi ka na cute tingnan. Wala sa taas ang kadakilaan ng isang tao. Kundi nasa pakikisama ito, talento, galing at kasanayan. Alam mo bang ika’y kinatatakutan kahit di naman katangkaran? Dahil ikaw ay matalino at marunong na tao, may pera at kaibigan ng mga maimpluwensiya. Kaya, huwag nang balaking bumili ng isang karton ng pampatangkad.Tatangkad ka pa naman.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kung kelan nandiyan siya, tinataboy mo. Pero kung wala ay hinahanap-hanap mo naman! Kasi nga, kunwari ka pa ‘e love mo naman yung tao. Sa isang banda, tama lang ang ginagawa mo para hindi lumaki ang ulo ng crush mo. Ikaw ay malas na suwerte sa inyong klase. Malas dahil gaganap kang Sisa sa dula-dulaan nyong proyekto sa asignatura sa Pilipino. Suwerte dahil tatanghalin kang best actress. Kaya mag-uuwi ka ng certificate, grocery at plus 6 sa grades mo.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Ikaw ay malas na suwerte rin sa araw na ito o sa susunod na linggo. Malas dahil hindi ka makakasama sa out-of-town business trip ng team nyo. Suwerte dahil may out-of town ang boss mo at ikaw ang isasama niya. Lahat ng utos niya na ibili ng ganito, ganire ay sa iyo na ang sukli. Gayunman, ibalik mo pa rin ito sa boss mo. Pero, pagagalitan ka niya at ipipilit na sa iyo na, basta ibawas lang sa suweldo mo! Hindi, joke lang. Sa iyo na talaga iyon kasi natutuwa siya sa iyo.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Kakalat nang tsismis na syota mo raw si ganire o syota ka ni ganito. Hayaan mo lang kahit wala ka namang kinalaman doon. Bibilib sila sa iyo dahil ikaw na hindi nagkakandarapa sa pinapantasya nila o ultimate crush nila sa barangay nila; ‘e ikaw pala ang tipo. Gayun ang naidudulot ng pagiging isang tahimik, responsable, may trabaho, matalino at may ibubuga. Kaysa sa kanila na tila mga walang pangarap sa buhay at buhay tambay.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Isang bagong kakilala ang magpapakilala sa iyo sa kanyang kakilala upang ipakilala ka naman sa isang taong matagal mo nang nais makilala. Ano, nahilo ka ba? Mag-kape ka kung ikaw ay nababagot at pag-isipang mabuti ang plano bago magpasya. Magbabago ang iyong kapalaran dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa araw ito. Na tiyak na magpapasaya sa iyong puso. Kung magkagayun nga, manlibre ka ng isa hanggang sa dalawang tao para ibalita sa kanila ang pagpapalang dumating sa iyo.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Hindi ka man kagandahang lalaki o babae, mapalad ka dahil maganda ka pa rin sa paningin ng iba. Iba ang hatak at karisma mo na nakalalasing sa paningin at pangmalas ng ibang tao. Kaya, huwag kang magmukmok dahil ika nga, ‘stop name calling’. Matatanggap ka rin sa isang inaaplayan mong trabaho kahit part-time lang. Pagtu-unan mo rin ito ng pansin dahil kayang-kaya mong gawin ang trabaho.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Mag-ingat sa mga pinapipirmahan sa iyong papeles ng ilang kaanak, kaibigan at mga kadikit na kakilala. Baka kapag lumagda ka ‘e tapos ka na. Dahil ang baka ang utang nila ay utang mo na rin. Matatapos ang pagtatampo sa iyo ng iyong kasuyo kung mananahimik ka lang at hihingi sa kanya ng sori. Tapos ay yayain mo siya ng dinner date at siyempre sagot mo. Huwag kang matakot magwithdraw gamit ang ATM mo dahil may karga nang pera ito.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Marahil naitatanong mo sa sarili mo, bakit kung sino pa ang salbahe, siya pa ang suwerte? Oo tama ka! Pero, hindi sa lahat ng pagkakataon. Kumbaga sa baboy, pinatataba lang sila at kapag pwede na, kakatayin na sila. Di ba? Magpakabait ka at pagpapalain ka. Ikilos mo lang ang iyong mga kamay at gumawa ka at siguradong may maiuuwi kang biyaya sa iyong pamilya. Huwag mong problemhahin ang pera at mismong ang pera ang maghahabol sa iyo.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Umalis ka ng bahay na lupaypay at balisa, babalik ka namang masaya ay may biyaya. Yan ang magagawa sa iyo ng positibong kaisipan. Sapagkat kung positibo ka, anuman ang isipin mong positibong bagay o mangyayari ay talagang makapangyayari. Huwag kang mag-aalinlangan.Tuparin mo rin ang binitiwan mong pangako kahit maliit man ito. Dahil ibinebenta mo rin ang sarili mo at dito ka huhusgahan ng kapwa mo.