HOROSCOPE OCTOBER 27, 2022

HOROSCOPE OCTOBER 27, 2022

October 27, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Ikaw ay isang taong tapat at mapagkawanggawa.Kaya, lalo kang makatatanggap ng pagpapala. Subalit, hindi lahat ng lumalapit sa iyo at karapat-dapat sa iyong pagtulong. Ang iba kasi ay parang mga linta na habang may masisipsip sa iyo, sasairin ang dugo mo. Masa ang turing ng iba sa kanilang mga sarili na dapat unawain; kaya dapat pagbigyan kahit nakagagawa nan g pagkakamali. Masang halimbawa, pero abusado.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Galit ka sa ibang tao o sa kapwa mo na nagmamanipula ng kapalaran ng iba. May punto ka naman pero kawawa sila kapag umangat ang iyong kalagayan. Gayunman, kapag ikaw na ang nasa itaas, ibahin mo ang jinx ng mga manipulator of fate. Ang mga taong karapat-dapat sa trabaho o posisyon, sila ang iluklok mo at hindi ang padrino mo o ng ilang kabigan mo, pero walang kasanayan o nalalaman. Ang pagiging patas mo sa lahat ng sandali ang magbibigay sa iyo ng maraming salapi.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Kung minsan, ikaw na ang nagmamalasakit, ikaw pa ang palalabasing masama. Kaya, umiwas ka sa gayung senaryo at huwag kang basta-basta eeksena sa problema ng iba. Kasi, sa halip na pasalamatan ka ay sisisihin ka pa kapag lumala ang sitwasyon. Tumulong ka kapag ikaw na mismo ang nilalapitan ng palihim. Tapusin mo ang isang bagay o gawain na iyong sinimulan na makabuluhan sa paningin ng iba. Marami kang mapapasayang tao kapag natapos mo na ang proyektong iyon.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Kung magkukusa ka ng pagkilos o gawa, iwasan mo na lang na mag-ingay o nagdadabog na tila nanunumbat. Kasi, kahit tahimik ka, ang kilos mo ay nagbibigay na ng matinding mensahe. Kaya, ang mga maling bagay na ginagawa ng iba sa iyong mga ka-opisina ay mapagtatanto nilang mali talaga. Kaya, sila na ang mahihiya sa iyo. Kung pagod ka nang lumigpit ng kanilang kalat, hayaan mong sila ang magtapos.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Mali na ikumpara ang mo ang ibang tao sa iba. Ano naman ang mararamdaman mo kung lagi kang ikunukumpara sa ibang tao? Nakakainsulto ito sapagkat hinahamon ang iyong pagkatao kung magaling ka o hindi. At kung naiinsulto ka na, hindi naman masama paminsan-minsan na ipakita mo kung sino o kung ano ka! ‘O kung ano ang iyong mga kredensiyal o narating bilang isang tao. Sa gayun ay wala nang maipaghambog sa iyo ang iba kung sila naman ay hangal.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kung ano pangarap o gusto ng anak mo, huwag mong kokontrahin. Hindi mo pwedeng ipasa ang sarili mo sa sarili nila. Magkaiba kayo. Kung susundin niya ang gusto mo, hindi rin siya magiging masaya at hindi ito makakabubuti sa pamilya. Sa halip, gabayan mo siya at suportahan. Baka ang gusto niya ay magawa niya at tuparin din niya ang pangarap mo para sa kanya. Meron namang doktor na miyembro ng banda di ba? Ang akala mong mahirap ‘e madali lang pala kapag tumugma sa maturidad ng pag-iisip at ng panahon.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Mapapasubo ka sa mahabang biyahe sa linggong ito. Kaya ihanda ang sarili. Magpalakas ng katawan at ng resistensiya. Ang iyong presensiya at pagbabakasyon sa inyong lalawigan at ikagagalak ng iyong mga kababayan. Kaya, maghanda ka ng marami-raming pakimkim at pasalubong. Dahil sa iyo namang pagbabalik sa lungsod, ikaw naman ang pababaunan nila ng pasalubong.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Gusto mo bang tumandang dalaga ang iyong anak? Aba’y malapit nang lumampas sa ka-lendaryo ang bunso mo ah. Nagmamahal yung tao tapos kapag may pumupunta sa haybol nyo, sinasalubong mo ng paninin-dak saka nakaumang ang daliri mo sa gatilyo ng boga mo. Hindi ito tama. Ano ba ang gusto mong palabasin?Na ikaw ay siga? Over protective o nagmumukha ka nang hangal gaya ng iba? Makitungo ka bilang tao dahil tao ang humaharap sa iyong anak. Panahon na upang pagbigyan mo siya.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Iwasan mong manita ng manita ng ginagawa ng mga kasamahan mo sa trabaho. Bagamat nakatataas ka sa kanila, nag-aakyasa ka na ng oras niyan kapag ganun. Unawain mo sila at ang hindi agad maka-pick-up ng tasks, tulungan mo at turuan sa paraang hindi sasama ang kanilang loob. Sa ganitong paraan ay mas magiging epektibo ang iyong pagiging lider. Mas kagigiliwan kang lalo kung magbibigay ka ng tsansa ng ikatlong ulit.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Huwag kang makipagsabayan sa mga amiga’t amigo mo na pataistaran sa pormahan. Na puro original ang kanilang gamit o isinusuot. Bakit, hindi ba original ang mga isinusuot mo? Bakit, balat ba ng lumpia ang su-ot mong sapatos? Ke original, local o class A man iyan, sapatos pa rin iyan at nasa nagdadala lang yan. Magtipid sa pera at hu-wag maging gastador. May paparating na bagong proyekto sa linggong ito na pagkakakitaan mo.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Kung sinampal ka sa kaliwa, ibigay mo pati kanan. Ibig sabihin, kapag ginawan ka ng di maganda o tinutuya ka ng husto, huwag mong patulan at tumahimik ka na lang. Malalaman naman ng iyong kapwa kung sino ang hangal. Dahil habang minamaliit ka ng iba, saka ka naman lalong magtatagumpay at aasenso. Umiwas ka na lang sa gayun tao at huwa mo silang pansinin.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Iwasan mong magkunwari. Kung may nararamdaman ka sa kanya, pagbigyan mo siya. Kung wala naman, tigbakin mo na. Tapatin mo na wala siyang maaasahan sa iyo. Hindi mo na kasalanan kung hindi mo siya magustuhan kahit kulitin ka pa niya ng kulitin. Iwasan din ang masyadong maging malambing sa mga costumers lalo na sa mga lalaki. Baka isipin nila ‘e easy to get ka o nagbibigay ka ng motibo.