HOROSCOPE OCTOBER 28, 2022

HOROSCOPE OCTOBER 28, 2022

October 28, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Makikilala mo ang isang taong muling magpapatibok ng iyong puso. Makikilala mo ito sa loob ng isang village habang abala ang mga tsikiting sa Trick or Treat. Huwag kang sasama sa Halloween Party at baka may mahalagang on call na trabaho. Hayaan mong ang mga tropa mo ang magparty. Mahalaga ang raket dahil may pinupuntirya kang bilhin at may kailangang bayaran na bayarin. Kung gusto mong magpaliha o magpa-facial ng mukha, okay lang. Para mas marami kang kliyente na makuha at magpagawa sa iyo.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Huwag kang maiinip at mawawalan ng pag-asa sa iyong ginagawa. May awa rin ang langit. Basta, masaya ka sa iyong ginagawa kahit sabihin man ng iba na nahihirapan ka, ituloy mo lang kasi iyan ang passion mo ‘e. darating din ang sandali na magiging big time vlogger ka. Kung may naitabi ka pang pera, gamitin mo ito kung kinakailangan dahil matutuwa ang iyong pamilya sa iyo at ma-giging masaya sila. Pakainin mo sila ng masarap dahil mahalaga ito upang maging positibo sila sa buhay.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Iwasan mong magsalita ng hindi katotohanan kahit pabiro lang. Sapagkat ang munting kasinungalingan upang iangat ang sarili ay parang isang unggoy na kumuha ng bato at ipinukpok sa kanyang ulo. Kung ano ang totoo, yun lang ang dapat lumabas sa bibig mo. Isang tawag ang iyong matatanggap na pinagre-report ka na para sa bago mong tasks sa trabaho

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Ang iyong pinapangarap o napapanaginipan ay magkakatotoo. Kasi, malapit ito sa reyalidad. Maging positibo ka lang at gumawa ay makakamit mo ito. Alagaan mo ang ilang bagay at lihim na ipinagkatiwala sa iyo upang patuloy ka pang pagkatiwalaan ng iyong kapwa. Mas mabilis ang pagpasok ng biyaya kung tahimik ka lamang na kikilos at gagawa.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Makabubuti kung umiwas ka sa pagtatalo o debate ng iyong mga kasama sa trabaho. Baka mauwi pa ito sa basag-ulo. Kung may makikiusap ang isa na tulungan mo siya upang tapusin ang kanyang gawain, tulungan mo at gagantimpalaan ka niya. Gayundin sa isa. Mahalaga ang pakikisama dahil kapag nakuha na nila ang ugali mo, baka makinig na sila sa iyong payo.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hindi kaduwagan ang paminsang-minsang pagtutol sa maginoong eskrima. Sukatan lang iyan ng yabang at kung may digmaan, sila pa ang una-unang magtatago sa saya ng nanay nila. Kumilos ka ng palihim kahit may kasanayan ka sa baril at maging mabuti kang alagad ng batas. Mas mahalaga para sa iyo ang mas maraming kaibigan at kinagigiliwan ng tao kaysa sa masilaw ka sa salapi at maging palalo.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Ang pagiging magalang kahit kanino ay nagdudulot ng kapayapaan sa iyong puso’t isipan. Sapagkat, kahit maton ay matutuwa sa iyo at ikaw ay iingatan niya kung siya’y may mabuting puso. Ang promosyon sa trabaho bago ang Pasko ay mapapasaiyo dahil deserving ka rito. Tuparin mo rin ang iyong pangako sa iyong kaibigan na pinangakuan mo noon na bibigyan ng regalo noong nagdaan niyang kaarawan. Bibigyan ka rin niya ng regalo ng hindi mo inaasahan.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Mas bigyan mo ng prayoridad ang iyong pamilya kaysa sa ibang tao. Sapagkat, kapag may nakita silang miyembro ng iyong kaanak na naghihikahos, isa ka sa matatamaan ng boomerang. Sasabihin ng iba, “hindi ba’t kaanak niya ang isa sa lumalapit sa akin para mangutang? Bakit hindi niya tulungan ‘e mapera naman siya?” Kaya, i share mo ang blessings mo sa kanila, ke’ marami o kaunti, at least may taong sasaya sa iyong tulong. Hindi naman mapapatid ang blessings para sa iyo para makatulong ka pa sa iba.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —Ang pag-ibig na wala sa panahon ay parang ulan sa katanghaliang tapat. Huwag ka munang magmadali at baka ikaw ay matulad sa isdang nahuli sa lambat. Bata pa kayo ng iyong kasintahan. Huwag mong isipin ang sariling interes, kundi isipin mo ang inyong kinabukasan. Ang kasintahan ay inspirasyon, katuwang at kaagapay sa pagpapalano para sa hinaharap. Hindi ito isang laruan na kung gusto mong gamitin ay gagawin mo. Kung mahal mo siya, pwede kang humawak ng relasyon. Dahil kung kagaya ka ng iba, baka mahulog ka sa bitag ng pagkakasala at pagdurusa.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Kung nais mong lumipat ng bahay bago matapos ang taong ito, gawin mo na. Sa gayun ay mas maganda ang pagsalubong mo sa holiday season at bagong taon. Kung hindi ka na masaya sa tinitirhan mo at may pera ka naman, umiskerda ka na.Kaysa sa patuloy na makisama sa mga kapitbahay mong parang nakatira sa bundok at mga burara. Mas makapagtratrabaho ka ng maayos, makapag-iisip sa tahimik na lugar at mas magiging productive ka pa.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Hindi naman masama kung isasabay sa undas ang first date nyo ng kasintahan mo bilang bagong magdyowa. Wala namang masama run kahit sa loob pa kayo ng sementeryo magdate. Mas memorable pa nga ang gayun. Saka ka na bumawi kasi kung hindi ka papayag, hindi siya makikipagdate sa iyo ang kasuyo mo ‘e yun kasi ang gusto niya ‘e. Mag-ingat ka lang na huwag malito sa bulaklak na ibibigay mo. Baka bulaklak para sa patay ang maibigay mo sa halip na palumpon ng mga rosas.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  —Ilagay sa lugar ang paghingi ng blessings. Kasi, marami ang natatakot kapag hiniling mo ito sa langit. Huwag mong sasabihing, ‘Lord, pagpalain Mo pong lalo ang aming kabuhayan o ikinabubuhay”, naku po ‘e nagtatrabaho ka pa naman sa pagawaan ng kabaong. Doon mo hilingin ito sa isa mong raket bilang mekaniko. Basta, bahala ka, ‘e sa basta need mo ng blessings ‘e. May mag-aalok sa iyo ng isa pang raket. Kung sasabihin niya kung ano iyon, tanggapin mo. Kung hindi, tablahin mo.